Mangyari ang kalooban mo [short story]

Media

Part of The Carolinian

Title
Mangyari ang kalooban mo [short story]
Creator
Flordelis, Virginia A.
Language
Filipino
Year
1965
Rights
In Copyright - Educational Use Permitted
Fulltext
MAIKLING KUWENTO; MANGjYARianics kalpobah ni VIRGINIA A. FLORDELIS AKMA NA SANANG LALABAS si Nena sa kanyang tinutuluyan na daladala ang isang kahon na maayos ang pagkakabalot, ay may kumatok sa kanilang pintuan. “Pahatid-kawad po para kay Miss Nena Mirasol.” Tinanggap kaagad ni Nena ang inabot sa kanya. Nanginginig ang kanyang mga kamay nang buksan niya iyon. Pagkatapos basahin iyon ay marahang nagsalita, "hindi, hin­ di...! kagagaling ko lamang sa amin kahapon, kausap ko po siya kahapon, hiningan pa niya ako ng sapatos na siyang ipadadala ko sa kanya ngayon.” Humagulgol si Nena, hindi niya napigilan ang sarili at sumigaw,... "hindi..., hindi siya maaring mamatay...!” "Kalamayin mo ang iyong kalooban Nena,” ang pahinahon sa kanya ng isang kaibigan. Nang muling panumbalikan si Nena ng sarili ay lulan na siya sa sasakyang patungong lalawigan. Siya’y isang estudiante. Kadadalaw lamang niya sa kanila noong nakaraang araw, at sa araw na ito ay kaarawan ng kapatid niyang yumao. Mahal sa kanya ang kanyang kapatid ‘pagkat siya na lamang ang nalalabing hiyas ng kanyang buhay. Ulila na silang lubos at ang nagpapaaral sa kanya ay ang kanyang mabait at mayaman na amain. Hindi mapanatag ang diwa ni Nena, ang kanyang mukha ay hindi matuyuan ng luha. Maya-maya’y humagulgol. Napalingon ang matanda niyang katabi at nagwika; “Bakit anak, ano ang iyong suliranin?” Matagal na hindi nakakibo si Nena. “Namatay ho ang aking kapatid,” ang sagot niya may halong hikbi. Tinitigan siya ng matanda, matagal. Pagkaraan ng ilang sandali ay mahinahong nagsalita,...” di no dapat aksayahin ang iyong mga luha anak. Hindi nga natin mapigil ang ating sarili ngunit dapat mong mabatid na siya’y buhay.” "Buhay? Paanong mabubuhay ang isang patay?” May halong pagtataka ang mga tanong ni Nena. “00 anak, siya’y buhay. Buhay na buhay sa kaharian ng Diyos. Maaring siya’y yumao sa daigdig na ito ngunit siya’y maluwalhating namamahinga sa Kanyang kaharian. At dapat mong malaman na ang lahat ng bagay rito sa mundo ay ari ng Panginoon. VVala tayong karapatan upang pigilin ang kalooban Niya.” "Ngunit siya na lamang ho ang tanging nalalabi sa buhay ko,” ang sagot ni Nena. “Marami pang bagay na hindi mo nauunawaan, bata ka pa. Ngunit ipinapayo ko sa iyo na sa iyong pagdarasal ng “Ama Namin” ay huminto ka sa bahaging “Mangyari ang Kalooban Mo.” Isip-isipin mo kung kaninong kalooban ang nangyari sa kapatid mo.” Hindi kumibo si Nena, nasa loob niya na may katuwiran ang matanda, napatingin siya sa malayo. Naalala niya ang kanyang inang yumao na siyang tagapayo sa kanya kung siya’y may suliranin. Bigla siyang natigilan at marahang nagsalita, "si Inay, kamukha ng matanda.” Lumingon siya sa katabi ngunit wala na roon ang matanda. “Saan kaya siya nagpunta, hindi pa huminto ang sasakyan,” ang tanong ni Nena sa sarili. "Si Inay kaya ang nakatabi ko?” Hindi maubos-isip ni Nena ang mga pangyayari. Humilig siya sa kanyang kinauupuan, ipinikit ang mga luhaang mata, panatag na ang kanyang sarili, handa na ang kanyang katauhan sa pagtanggap ng walang pasubaling katotohanan; na ang nangyari sa kanyang kapatid ay kalooban ng Maykapal. Aug.-Sept., 1965 THE CAROLINIAN Page Thirty-five