Sa aming nayon [poetry]

Media

Part of The Carolinian

Title
Sa aming nayon [poetry]
Creator
Ong, Dolcemina
Language
Filipino
Year
1965
Rights
In Copyright - Educational Use Permitted
Fulltext
.Sa ^Anting J\)aqon DOLCEMINA ONG, B.S.E.-IV dagling lumilitaw sa isipan isang pangyayaring matagal nang nakaraan may dalang tuwa at kasiglahan may dala ring bakas ng kalungkutan panahon noon ng bakasyon sa anting nay o'y may pagpupulong maraming tao sa plasa’y naiipon pati ang tatay at tatlo kong ninong indong, siyang tawag sa tatay ko gorio, sa pangunang ninong ko kikoy ang doon sa ikatlo ang sa ikalawa nama’y mang kadyo nang magsalita ang pinunong bay an ang lahat ay walang imikan maliban kay tatay at mang kadyo :i kikoy at si gorio ang kani-kanilang maybahay ang pinaguusapan at silang lahat ay nagkakaunawaan na parang tigre raw kung sa bakbakan ang mga babaing walang isipan kaya sila’y gumawa ng paraan na sa makalawa’y manalo sa bakbakan at s> mang kadyo ang nagmungkahi na lalabas raw sa bahay ng pakunwari ang apat na magkaibiga’y nagkasunduan at nang matapos ang kanilang usapan iisa-isa’t sa bahay nag-uuwian liandang-handa nang makilaban nang umaga ring yaon sa plasa rin ang apat humantong Icuwento nila’y di magkaiba lahat sila’y may nalabing isang mata ang batvat isa’y pinagsabihan siyang sanhi ng kaguluhan kaya nang sila’y nagkainitan sila na rin ang nagbugbugan nang dumating ang mga tanod ng bayan lahat sila’y dinala sa himpilan kaya sinabi ng mga taong bayan silang apat ay magkasama hanggang kamatayan ISukanpin n# V. A. FLORDELIZ Oh, buhangin ng dalampasigan! kay ganda mong pagmasdan! Ang nagliliitan mong anyo, ay ganda at sining ng karagatan. Napakapalad mo —, mga yapak at bakas ng magsingdrog ay nakatatak sa dibdib mo. At nasa mga kamay mo ang mga kasaysayan ng pag-ibig sa buong mundo. Malaya kang nakikipagharot, Sa mga alon ng dalampasigan. Ang lungkot ng sawi ay malulunasan kung kayo’y masilayan. Ngunit ikaw’y di palaging ganyan. Pagkat ikaw’y saksi rin ng kalupitan ni kamatayan. Malalamig na bangkay na minsa’y sa iyo’y nakahimlay. Oh, buhangin ng dalampasigan katulad mo ay isang dulaan. Iba’t-ibang anyo ng Buhay ay nagaganap sa iyong kandungan. S&aigdi# np J^atukkaan V. A. FLORDELIZ Lumisan kang may dahilan. Sa akala ko ba’y ako’y pinagtampuhan. 'yan pala’y napag-alaman mo, na ako’y kasingbaba ng damo. Ikaw’y bituin at bulaklak ng lipunan. Kahit ako’y tumingala upang ikaw ay mapagmasdan; ay di rnaabot ng aba kong paningin, Ang angkin mong kagandahan. Ikaw’y sa akin umibig, gay on din alco. Pagmamahalan at paglalambingan nati’y lumikha ng isang paraiso. Paraisong punong-puno ng kaligayahan, ngunit nababalutan ng kahiwagaan. Pagka’t ang daigdig mo ay ginintuan, samantalang ang sa aki’y luntian. Nalilibutan ka ng kasaganaan, Samantalang ang sa aki’y kalungkutan Na siyang sanhi at dahilan upang ako’y iyong iwasan sa daigdig ng karukhaan... Lagi mong Sinasaktan Ang sino pang Nagmamahal sa lyo Ni SINFOROSO E. BUENVIAJE, COM.-1V MASAKIT AMININ ang katotohanang may isang mahirap ipaliwanag na ugali ng taong saktan ang damdamin ng nag­ mamahal sa kanya. Ang nilalang na nag­ mamahal ng lubos, na taos pusong umiibig sa kanya ay siya pang naging biktima ng kanyang walang karapatdapat na pagtitikis. Ngunit hindi niya nalaman na siya’y tagasunod lamang sa isang ma­ tagal nang salawikaing “Lagi mong Si­ nasaktan ang sino pang nagmamahal sa iyo.” Ang mga katagang ito’y winika ng mga makata at sinambit ng mga manunulat, inawit ng mga dayuhan at isinalin sa Wikang Filipino. Ito’y naging bukambibig ng balana ngunit hindi nila isinapuso at inunawa ang angkop na kahulugan nito. At naging sikat na awitin sa himig ng isang masamyong tugtugin at ang tamis nito’y tumatagos sa kaibuturan ng ating puso. “Ngunit bakit mo nga ba sinaktan ang damdamin ng taong ’di mo dapat saktan, bakit?” Sa dalawang magkatipan malimit mangyaring hindi isina-alang-alang ng isa ang kabanalan ng pagmamahal ng katipan datapuwa’t naging taksil ite. sa kanilang pag-iibigan hanggang sa isang araw ay magising ito sa kanyang pagkakamali. Ngunit sa kanyang pagkakagising ay naging huli na, sapagkat ito’y nakasugat na ng malalim sa damdamin ng minamahal at naging sanhi na ng pag-agos ng masaganang luha sa kaawaawa. Nasaan ang katarungan at bakit mo siya sinaktan, masasabi mp ba sa akin ang dahilan? At tiyak na hindi mo masabi sapagkat hindi mo maintindihan ang iyong damdamin. Hindi mo kayang tarukin ang iyong damdamin.. .hindinghindi... Ang kasabihang “Huwag mong gawin Page Thirty-six THE CAROLINIAN Aug.-Sept., 1965