Ayon kay Rizal [poetry]

Media

Part of The Carolinian

Title
Ayon kay Rizal [poetry]
Creator
Santos, Rodulfo U.
Language
Filipino
Year
1965
Rights
In Copyright - Educational Use Permitted
Fulltext
^untpaan at Pangako LOURDES B. UNABIA, B.S.E.-II Sariwa pa niyaring di makakalimot kong isipan, Yaong sumpaang wari’y ginto kung tularan, Tanikalang nag-uugnay sa ating pusong taos na nagmamahalan, Bagama’t nagkahiwalay at nagkalayo, ay udyok ng ating kapalaran. Sumpaang nagbigay kahulugan sa bawat pintig ng ating puso, Na sa mababagsik na alon ng kapalaran kailanmay di maiigupo, Pangakong taglay ang bantayog ng pangarap at pag-ibig, Gumuho man ang mnndo'y palalo pa ring nakatindig. Yao’y naganap sa isang sandaling kapanga-pangarap, Damdamin nating tigib ng ligaya’y waring nakalutang sa alapaap, Mahinang liampas ng alon sa dalampasigang ating kinauupuan, Tila nakikiramay din sa ating paglisan. Ang paglayo ko’y- di dapat ipangamba mahal ko, Alaala mo’y gabay ko sampu ang iyong pangako, Sa isakatuparan ng tagumpay na aking pinapangarap, Maging katumbas man nito’y matinding paghihirap. Dalangin kong mananatili kang tapat, at iyon pag-iingatan Ang pag-ibig kong wagas na sa kandungan mo’y naiwan, At pagsisikapan kong sa iyo’y di magbabago; sa paglingap ay di magkukulang, Maging kamatayan ma’y sa ati’y di makahahadlang. Dalangin ko ring maabot at aking makamtan Ang lungatiin ng buhay na siya kong inasam-asam, Na maipagmamalaki ko’t maihandog, maialay, Sa paanan ng mga nilikhang bahagi ng aking buhay. ^Aqott J^aq RODULFO U. SANTOS Noong araw bata pa si Rizal, Lalaki lang daw ang nakapantalon; Ngunit ngayon hindi na raw, Pati sastrirya pangbabae na daw. Si Maria ayon pa rin kay Ri-al Mahinhin ang kilos at kahalihalina; Walang kulay sa pisngi, bultok hanggang paa, Kapilas at tulad ni Eba. Bakit ngayon buhok hanggang batok, Pati ang barberya ay pinapasok, Ang mga pisngi kulay asul at pula, Parang nakasuot nga antipas ni “Drakula.” Kaya ngayon Adan magsikap ka, Baka pati titulo mo mapalitan pa; Ang turing sa iyo noon Padre de pamilya, Malaking kahihiyan pag naging madre de pamilya ka. Labis na ang takbo ng kabihasnan, Marami na ang kusang nagpapabaya; Darating ang araw pag sukdulan na ang pagkasugapa, Walang mintis ay madadapa ka. Ang sa akin at sa inyo ay paalala, Huwag masasaktan sa aking pamumuna Sa hangad kong muli tayong magsimula, Matisod man tayo hindi basta mararapa. Asahan mong ako’y babalik upang ating tutuparin, Yaong sumpaa't pangakong bahagi na ng bawat hangarin, Katuparan ng kaligayahang nais, sa ati’y itinakda, Ng Dakilang Ivigit na makapangyarihan sa lahat ng nilikha. sa iyong kapuwa ang isang bagay na ayaw mong gagawin sa iyo” ay iyong sinuway. Ngunit papaano kung maging tumbalik ang pangyayari, halimbawa ... Ikaw naman ngayon ang taos-pusong umiibig sa iyong kasintahan, minahal mo siya ng buong katapatan, sinamba at iglnagalang. Naging matapat sa inyong mga matatamis na pangako na sa dako pa roon ay naghihintay ang isang lalo pang magandang bukas na inyong paghahatian. Iginalang mo ng lubusan ang kanyang karangalan at pagkababae na huwag madungisan. Sinunod mo ang kan­ yang bawat naisin sapagkat ayaw mong masaktan ang kanyang damdamin. Sa­ pagkat ayaw mong siya’y luluha at magtatampo, at gusto mong maging isang uiiran na kasintahan. Ganyan katamis ang inyong pagmamahalan... hanggang .. .isang araw... Ang babaing minamahal mo ay big­ lang nagtaksil at nagtalusira at ikaw ay kanyang iniwan... Biglang dumilim ang langit sa iyo. Nasugatan ang iyong puso ng isang sugat na napakalalim at sa wari’y hindi na maghihilom. Napakasakit pala ang mabigo. At ibig mo nang magpakamatay at tapusin ang lahat, ngu­ nit nanaig ang iyong pagkatakot sa Diyos. Nalalaman mong ang pagpatiwakal ay isang malaking kasalanan laban sa kautusan ng Diyos. Kaya ang minabuti mong ginawa ay ang pilit siyang limutin, pinilit mong magpakabuti sa iyong pag-aaral, hanggang sa nagtagal, ay pinaghilom ng panahon ang sugat ng iyong puso, sapagkat ang PANAHON ay siyang mabisang lunas ng lahat. At ngayon ay naitanong mo sa iyong sarili. “Bakit ako sinaktan ng aking ma­ hal—akong siyang ’di niya dapat saktan?” Bakit... O bakit?... Ngunit kung iyong naala-ala ang kahapong nagdaan, kung iyo pang naala-ala ang iyong ginawa sa iyong unang kasintahan.. .naging malimutin ka na ba nang ikaw rin ay nag­ taksil? Nang saktan mo rin ang dam­ damin at puso ng babaing tunay na umi­ ibig at nagmamahal sa iyo? Ano man ang hapdi at kirot na iyong ginawa ay siya mo ring naramdaman.” Hindi mo sana sinaktan ang damdamin ng taong 'di mo dapat saktan.” Uli-uli ay huwag gawin sa kapuwa ang isang bagay na ayaw mong gagawin sa iyo. Maliwanag ba? Aug.-Sept., 1965 THE CAROLINIAN Page Thirty-seven