Lagi mong sinasaktan ang sino pang nagmamahal sa iyo

Media

Part of The Carolinian

Title
Lagi mong sinasaktan ang sino pang nagmamahal sa iyo
Creator
Buenviaje, Sinforoso E.
Language
Filipino
Year
1965
Rights
In Copyright - Educational Use Permitted
Fulltext
.Sa ^Anting J\)aqon DOLCEMINA ONG, B.S.E.-IV dagling lumilitaw sa isipan isang pangyayaring matagal nang nakaraan may dalang tuwa at kasiglahan may dala ring bakas ng kalungkutan panahon noon ng bakasyon sa anting nay o'y may pagpupulong maraming tao sa plasa’y naiipon pati ang tatay at tatlo kong ninong indong, siyang tawag sa tatay ko gorio, sa pangunang ninong ko kikoy ang doon sa ikatlo ang sa ikalawa nama’y mang kadyo nang magsalita ang pinunong bay an ang lahat ay walang imikan maliban kay tatay at mang kadyo :i kikoy at si gorio ang kani-kanilang maybahay ang pinaguusapan at silang lahat ay nagkakaunawaan na parang tigre raw kung sa bakbakan ang mga babaing walang isipan kaya sila’y gumawa ng paraan na sa makalawa’y manalo sa bakbakan at s> mang kadyo ang nagmungkahi na lalabas raw sa bahay ng pakunwari ang apat na magkaibiga’y nagkasunduan at nang matapos ang kanilang usapan iisa-isa’t sa bahay nag-uuwian liandang-handa nang makilaban nang umaga ring yaon sa plasa rin ang apat humantong Icuwento nila’y di magkaiba lahat sila’y may nalabing isang mata ang batvat isa’y pinagsabihan siyang sanhi ng kaguluhan kaya nang sila’y nagkainitan sila na rin ang nagbugbugan nang dumating ang mga tanod ng bayan lahat sila’y dinala sa himpilan kaya sinabi ng mga taong bayan silang apat ay magkasama hanggang kamatayan ISukanpin n# V. A. FLORDELIZ Oh, buhangin ng dalampasigan! kay ganda mong pagmasdan! Ang nagliliitan mong anyo, ay ganda at sining ng karagatan. Napakapalad mo —, mga yapak at bakas ng magsingdrog ay nakatatak sa dibdib mo. At nasa mga kamay mo ang mga kasaysayan ng pag-ibig sa buong mundo. Malaya kang nakikipagharot, Sa mga alon ng dalampasigan. Ang lungkot ng sawi ay malulunasan kung kayo’y masilayan. Ngunit ikaw’y di palaging ganyan. Pagkat ikaw’y saksi rin ng kalupitan ni kamatayan. Malalamig na bangkay na minsa’y sa iyo’y nakahimlay. Oh, buhangin ng dalampasigan katulad mo ay isang dulaan. Iba’t-ibang anyo ng Buhay ay nagaganap sa iyong kandungan. S&aigdi# np J^atukkaan V. A. FLORDELIZ Lumisan kang may dahilan. Sa akala ko ba’y ako’y pinagtampuhan. 'yan pala’y napag-alaman mo, na ako’y kasingbaba ng damo. Ikaw’y bituin at bulaklak ng lipunan. Kahit ako’y tumingala upang ikaw ay mapagmasdan; ay di rnaabot ng aba kong paningin, Ang angkin mong kagandahan. Ikaw’y sa akin umibig, gay on din alco. Pagmamahalan at paglalambingan nati’y lumikha ng isang paraiso. Paraisong punong-puno ng kaligayahan, ngunit nababalutan ng kahiwagaan. Pagka’t ang daigdig mo ay ginintuan, samantalang ang sa aki’y luntian. Nalilibutan ka ng kasaganaan, Samantalang ang sa aki’y kalungkutan Na siyang sanhi at dahilan upang ako’y iyong iwasan sa daigdig ng karukhaan... Lagi mong Sinasaktan Ang sino pang Nagmamahal sa lyo Ni SINFOROSO E. BUENVIAJE, COM.-1V MASAKIT AMININ ang katotohanang may isang mahirap ipaliwanag na ugali ng taong saktan ang damdamin ng nag­ mamahal sa kanya. Ang nilalang na nag­ mamahal ng lubos, na taos pusong umiibig sa kanya ay siya pang naging biktima ng kanyang walang karapatdapat na pagtitikis. Ngunit hindi niya nalaman na siya’y tagasunod lamang sa isang ma­ tagal nang salawikaing “Lagi mong Si­ nasaktan ang sino pang nagmamahal sa iyo.” Ang mga katagang ito’y winika ng mga makata at sinambit ng mga manunulat, inawit ng mga dayuhan at isinalin sa Wikang Filipino. Ito’y naging bukambibig ng balana ngunit hindi nila isinapuso at inunawa ang angkop na kahulugan nito. At naging sikat na awitin sa himig ng isang masamyong tugtugin at ang tamis nito’y tumatagos sa kaibuturan ng ating puso. “Ngunit bakit mo nga ba sinaktan ang damdamin ng taong ’di mo dapat saktan, bakit?” Sa dalawang magkatipan malimit mangyaring hindi isina-alang-alang ng isa ang kabanalan ng pagmamahal ng katipan datapuwa’t naging taksil ite. sa kanilang pag-iibigan hanggang sa isang araw ay magising ito sa kanyang pagkakamali. Ngunit sa kanyang pagkakagising ay naging huli na, sapagkat ito’y nakasugat na ng malalim sa damdamin ng minamahal at naging sanhi na ng pag-agos ng masaganang luha sa kaawaawa. Nasaan ang katarungan at bakit mo siya sinaktan, masasabi mp ba sa akin ang dahilan? At tiyak na hindi mo masabi sapagkat hindi mo maintindihan ang iyong damdamin. Hindi mo kayang tarukin ang iyong damdamin.. .hindinghindi... Ang kasabihang “Huwag mong gawin Page Thirty-six THE CAROLINIAN Aug.-Sept., 1965 ^untpaan at Pangako LOURDES B. UNABIA, B.S.E.-II Sariwa pa niyaring di makakalimot kong isipan, Yaong sumpaang wari’y ginto kung tularan, Tanikalang nag-uugnay sa ating pusong taos na nagmamahalan, Bagama’t nagkahiwalay at nagkalayo, ay udyok ng ating kapalaran. Sumpaang nagbigay kahulugan sa bawat pintig ng ating puso, Na sa mababagsik na alon ng kapalaran kailanmay di maiigupo, Pangakong taglay ang bantayog ng pangarap at pag-ibig, Gumuho man ang mnndo'y palalo pa ring nakatindig. Yao’y naganap sa isang sandaling kapanga-pangarap, Damdamin nating tigib ng ligaya’y waring nakalutang sa alapaap, Mahinang liampas ng alon sa dalampasigang ating kinauupuan, Tila nakikiramay din sa ating paglisan. Ang paglayo ko’y- di dapat ipangamba mahal ko, Alaala mo’y gabay ko sampu ang iyong pangako, Sa isakatuparan ng tagumpay na aking pinapangarap, Maging katumbas man nito’y matinding paghihirap. Dalangin kong mananatili kang tapat, at iyon pag-iingatan Ang pag-ibig kong wagas na sa kandungan mo’y naiwan, At pagsisikapan kong sa iyo’y di magbabago; sa paglingap ay di magkukulang, Maging kamatayan ma’y sa ati’y di makahahadlang. Dalangin ko ring maabot at aking makamtan Ang lungatiin ng buhay na siya kong inasam-asam, Na maipagmamalaki ko’t maihandog, maialay, Sa paanan ng mga nilikhang bahagi ng aking buhay. ^Aqott J^aq RODULFO U. SANTOS Noong araw bata pa si Rizal, Lalaki lang daw ang nakapantalon; Ngunit ngayon hindi na raw, Pati sastrirya pangbabae na daw. Si Maria ayon pa rin kay Ri-al Mahinhin ang kilos at kahalihalina; Walang kulay sa pisngi, bultok hanggang paa, Kapilas at tulad ni Eba. Bakit ngayon buhok hanggang batok, Pati ang barberya ay pinapasok, Ang mga pisngi kulay asul at pula, Parang nakasuot nga antipas ni “Drakula.” Kaya ngayon Adan magsikap ka, Baka pati titulo mo mapalitan pa; Ang turing sa iyo noon Padre de pamilya, Malaking kahihiyan pag naging madre de pamilya ka. Labis na ang takbo ng kabihasnan, Marami na ang kusang nagpapabaya; Darating ang araw pag sukdulan na ang pagkasugapa, Walang mintis ay madadapa ka. Ang sa akin at sa inyo ay paalala, Huwag masasaktan sa aking pamumuna Sa hangad kong muli tayong magsimula, Matisod man tayo hindi basta mararapa. Asahan mong ako’y babalik upang ating tutuparin, Yaong sumpaa't pangakong bahagi na ng bawat hangarin, Katuparan ng kaligayahang nais, sa ati’y itinakda, Ng Dakilang Ivigit na makapangyarihan sa lahat ng nilikha. sa iyong kapuwa ang isang bagay na ayaw mong gagawin sa iyo” ay iyong sinuway. Ngunit papaano kung maging tumbalik ang pangyayari, halimbawa ... Ikaw naman ngayon ang taos-pusong umiibig sa iyong kasintahan, minahal mo siya ng buong katapatan, sinamba at iglnagalang. Naging matapat sa inyong mga matatamis na pangako na sa dako pa roon ay naghihintay ang isang lalo pang magandang bukas na inyong paghahatian. Iginalang mo ng lubusan ang kanyang karangalan at pagkababae na huwag madungisan. Sinunod mo ang kan­ yang bawat naisin sapagkat ayaw mong masaktan ang kanyang damdamin. Sa­ pagkat ayaw mong siya’y luluha at magtatampo, at gusto mong maging isang uiiran na kasintahan. Ganyan katamis ang inyong pagmamahalan... hanggang .. .isang araw... Ang babaing minamahal mo ay big­ lang nagtaksil at nagtalusira at ikaw ay kanyang iniwan... Biglang dumilim ang langit sa iyo. Nasugatan ang iyong puso ng isang sugat na napakalalim at sa wari’y hindi na maghihilom. Napakasakit pala ang mabigo. At ibig mo nang magpakamatay at tapusin ang lahat, ngu­ nit nanaig ang iyong pagkatakot sa Diyos. Nalalaman mong ang pagpatiwakal ay isang malaking kasalanan laban sa kautusan ng Diyos. Kaya ang minabuti mong ginawa ay ang pilit siyang limutin, pinilit mong magpakabuti sa iyong pag-aaral, hanggang sa nagtagal, ay pinaghilom ng panahon ang sugat ng iyong puso, sapagkat ang PANAHON ay siyang mabisang lunas ng lahat. At ngayon ay naitanong mo sa iyong sarili. “Bakit ako sinaktan ng aking ma­ hal—akong siyang ’di niya dapat saktan?” Bakit... O bakit?... Ngunit kung iyong naala-ala ang kahapong nagdaan, kung iyo pang naala-ala ang iyong ginawa sa iyong unang kasintahan.. .naging malimutin ka na ba nang ikaw rin ay nag­ taksil? Nang saktan mo rin ang dam­ damin at puso ng babaing tunay na umi­ ibig at nagmamahal sa iyo? Ano man ang hapdi at kirot na iyong ginawa ay siya mo ring naramdaman.” Hindi mo sana sinaktan ang damdamin ng taong 'di mo dapat saktan.” Uli-uli ay huwag gawin sa kapuwa ang isang bagay na ayaw mong gagawin sa iyo. Maliwanag ba? Aug.-Sept., 1965 THE CAROLINIAN Page Thirty-seven