Buhay na bakas sa buhangin [poetry]

Media

Part of The Carolinian

Title
Buhay na bakas sa buhangin [poetry]
Creator
Rivera, Amelia
Language
Filipino
Year
1970
Subject
Philippine poetry.
Rights
In Copyright - Educational Use Permitted
Fulltext
Tula Sa Tuluyan Sanaysay Buhay na Rakas sa Ruhangin Ang ihip ng hangin ay parang umaaliw sa aking kalungkutan at pangungulila. Ang gabi ay tahimik nguni’t naroroon pa rin ako sa bintana’t nakadungaw, at naghihintay sa iyong pagbabalik. Idinarasal ko na sana’y nasa mabuti kang landas at matinong kalagayan. Nais kong huwag nang buksan ang pahinang ito sa buhay ko, subali’t ano man ang gawin ko’y hindi mawaglit sa alaala ko ang isang nakaraan. Noong nagkakilala tayo’t naging matalik na magkaibigan, sa pagkamayan natin ay nanalaytay ang isang damdaming nag-uudyok sa kaibuturan ng aking puso. Hindi ko inalintana ang damdaming iyon, subali’t huli na nang mabatid kong iyon pala ay isang wagas at tapat na pag-ibig, sapagka’t umalis kang hindi man lamang nag-paalam sa akin. Ang pagluha ko’y walang kalatis at ang dati-rating masiglang katawan ay naging matamlay at naging walang silbi. Naputol ang pagmuni-muni ko nang maramdaman ko ang malamig na dapyo ng hangin. At di kaginsa-ginsa’y lumatag na ang maitim na ulap sa aking paligid, para bagang nagpapahiwatig na kailaiuna’y hindi ka na babalik. Subali’t saan ka man naroroon ngayon mananatili pa rin sa aking puso, ang walang hanggan at walang kamatayang pag-ibig ko sa iyo. Amelia Rivera BSE III Kabataan at Katarungan Ngayon ay panahon ng mga kabataang rebelde. Sa ibang bansa ang mga kabataang rebelde’y naglilimayon at tinatagurian nating “HIPPIE”. Sa panahong ito ay nauuso ang mga panloloko ng ating kapwa tao. REBELDE ang katagang ginagamit ng mga kabataan upang makamit ang katarungang matagal nang panahong inasam-asam. Sinabi ni Dr. Jose Rizal na ang kabataan ay ang pag-asa ng ating bayan. Totoo iyan! Kabataan . . . papaanong maisakatuparan ang mga katagang sa iyo’y inihabilin ni Rizal kung sa oras ng pamamahinga ikaw ay laging nasa labasan na kung di nakipagbakbakan ay nakipag-inuman? Paanong maisakatuparan kung ang pangaral ng mga magulang ay binale-wala mo lang? Papaano ... ? Isa sa mga katuwiran ng kabataan ay ang mating pamamahala ng mga nasa pamahalaan; nang dahil sa salapi tao’y pinaratanga’t pinarusahan ng di man lamang binigyan ng katarungan. Pangulo’t puno ng mga paaralang publiko’t pribado’/nanloko sa mga estudy ante, pangmatrikula’y tinaasan ng piso; mga magagaling na guro’y hindi man lamang umunlad sa puwesto, Ngayon nasaan, nasaan ang katarungan? Ngayon, ating hatulan kung sino ang may katwiran o kung sino ang nasa matuwid na katwiran ... Odessa Ypil BS Zoo 3 Page 36 CAROLINIAN