Maikling dalangin

Media

Part of The Philippine Educator

Title
Maikling dalangin
Language
Filipino
Year
1947
Rights
In Copyright - Educational Use Permitted
Fulltext
... \ ~; I "'\ r.:;., ~~: - ' r: ~ ... ·. ;_ ~"¥' .. :----::..: ;.t'~ ... . MAIKLING DALANGIN .. ..... ~-.: (ng mga hayop sa kanilal_!g,_tagapag-alaga) (Tula.ng f>.ambata) DOLORES TENSUAN-DUNGO Mga among giliw; kami'y may dalangin Sa araw na ito, inyo sanang· dinggin! Wala kaming tutol kahi't 'na _patayin, Nguni't sundin &anll itong aming hiling. Kami nga ay hayop nguni't durnaramdam Ng uha'!V at gutom, pagod ng katawan, Ng hirap sa init, at ginaw sa ulan Lalo na ng palo ng among maselan. Unang samo namin tanging kaibigan, - Ang aming pagkain, huwa. g lilimutan.At kung kami'y pagod. pahingahin naman, At huwag lagi na karning parusahan. ----oOo--'\ MGA- TULONG SA PAGTUTURO NG TULA A. Pasimula: 'Kung ikaw ba ay nagdarasal ay anu-ano ang biyayang iyong hinihiling sa Foong Maykapal? At kung ang mga hayop , nating al_ aga ay nakapagsasalita, ay ano kaya ·naman ang kanilang hihilingin? B. Pangganyak: Sa maikling tulang ito na pinamamagatang "MAIKLING DALANGIN" ay alamin natin kung anuano ang hinihiling ng mga hayop sa kanilang tagapag-alaga. C. Pagliwanag sa mahihirap na papanalita: Atin munang pag-aralan ang ibig sabihin ng ilang salitang may kahirapan upang lalo nating maintindihan ang nilalaman ng tula. dalangin-prayer tu tol-objection hiling-a wish dumaramdam-to feel maselan-hard to please pahingahin-to give rest parusahan-to punish 48 D. Pagbasa ng Guro: N gayo'y babasahin ko ang tula. Hanapin ninyo ang kasagutan ng tanot1g sa pangganyak. - E. Pagliliwanag sa nilalaman ng tula: 1. Anu-ano ang dalangin ng mga hayop? 2. May katuwiran ba silang humiling na sila ay huwag paglupitan ng kanilang taga-alaga? Bakit? 3. Anu-ano ang mga kapakinabangan natin sa mga hayop? F. Pagbasa ng mga Bata: Inyong basahin ang tula. Pamantayan sa Pagbasa ng Tula 1. Tumayo, nang tuwid sa harap ng klast;. 2. Basahin ang tula nang a yon sa damdaming nilalaman. 3. Tuminging paminsan-minsan sa mga nakikinig_ 4. Bumasa nang maliwanag at wasto. .·