Emma

Media

Part of Bulaklak

Title
Emma
extracted text
Abril 11, 1956 fiULAKLAK q r ■' ’r4l it. > i V: ay nakakaisip silang maghiwalay. Kaya’t pagkatapos ng mahabang panahon sa paglilitis ay ipinasya ng hukumang bigyan ang magasawa ng anim na buwan upang masuri ang kani-kanilang kalooban sa gitna ng kahinahúnan. Ang anim na buwang ta ning ang nagpalamig sa mainit na mga balita sa mga pahayagan. Unti-unting nawawala ang malalaking titik sa pangmukhang dahon ng mga lingguhan at pangaraw-araw na balita. Ang suliranin ng mag-asawa ay tinakpan ng iba’t ibang suliraning pangkabuhayan at pampulitika. Subali’t sa buhay ng dala‘wa ay walang kalutasan pa ang kanilang suliranin. Lalong pagmatigas si Lauro. Hindi maamin ng lalaki na makisama pang muli. —Ako’y hindi tunggak!. .. —iyan ang madalas niyang sabihin sa mga kaibigang lumalapit sa kanya at namamanhik na sila’y muling magka-ayos ni Emma. — Ang dangal na dinungisan ng isang kasalanang katulad niyan ay di maaaring mahugasan ng pamanhikan at pagpapatawad. Hindi na kailan man mabubuksan sa kanya ang aking tahanan. Ako’y may dangal at may pangalan sa lipunan. . . —Ako’y walang kasalanan !. . . —ang matigas namang wika ni Emma. — Hindi ko maaaring aminin na ako’y nagkasala at dinu ngisan ko ang puri ng aming tahanan. Ang ginawa ko’y maaaring gawin ng sinumang mapagkav¿anggawa! Iyan ay isang kabanalang kinik’lala ng Diyos!..; Tulungaii ang mga nasasawi. . pakanin ang nagugutom . . . ¡ligias ang nalulunod!. . . Nobela m D R. FAUSTO J.6ALAUR AN Hindi ba’t iyan ay utos ng sa dalawa ay napilitang kuDiyos?... Bakit ko aami- milos. Iniwan ng matannin na ako’y isang masanjang dang pari ang kanyang kumNGUMlV ISI/MU50MFA KOMO HlN(7I NA<S/<A$AuA 5A E^ANAp ^Au ig FJT -HVXMG TLMinÚU SAAKIM ... ina?. . . At sa gitna ng pangangatwirang lalong lumawak na a.v maiinit iyan, at lumalim ang banging nakapagitan sa dalawa... Kaya’t maging si Padre Domingo, ang matandang paring kompesor ni Emma, nang matanto ang nangyari bento at buong kabanalang sinikap na mapaglapit ang mag-asawa upang magkahingahan. Ang eskandalong íkinalat ng _ pagsasakdalan ng mag-asawa’y lumilikha ng napakalaking pinsala sa kani’ang tahanan at kapurihan. Dinaramdam ng pari ang gayón . . . Una nivang kinausap si Lauro... —Nguni’t Padre, kayo y isang lalaki rin.. . —ang tugon sa kanya. —Bukod sa lalaki ay may dangal at pangalang dapat ipagtanggol. Inaakala kaya ninyong isang kabanalan ang ako’y lumapit kay Emma at siya’y amuing magbalik sa aming tahanang kanyang’ dinungisan? A* maniniwala ba kayo na siya’y walang sala? Kayo’y kanyang padre kompesor... Hindi ba’t kayo rin ang nagsabing ang Nestor na iyan at ang babaing iyan av lumapit sa inyo? Inaakala kaya ninyong ang kanilang pagsasama ng mahigit sa tatlong uwan ay walang nangvafi?... Nakatatawa!. nakatatawa, Padre!. . . Kavo’v lalaki rin... Anp pagpapatawad, IXi_ Sutuian so- paku-ui- 35 EMMA (Buhcrt sa pahiná 5) uro, ay nasa puso ng bawa’t isang kristiyano... Datapuwa’t si Lauro’y matigas... singtigas ng marmol ang kanyang puso. Hindi niya maamin na ipagwalang-bahala ang usapin niiang mag-asawa... —At siya pa ngayon ang nagsasabing wala siyang kasalanan?... Siya pa ang nagbabansag na siya’y malinis... busilak. . . marañal ?... —at saka natawa ng malakas at mahaba ang lalaki sa harap ng pari. _ Sino?. Sino ang kanyang dadayam?... Ako ba?., ang sambayanan ba?. . Napakahangal na ba ako upang maniwala at ibigay sa kanya ang aking mga anak .... - upang magmana sa kanya?... upang makilaJa ng mga bata: kung sino at ^na>?an^’ ^an^an® malinis na Hindi na umimik si Padre Domingo... Iniwan ng alagad ng Diyos ang tahanang >aon na kulimlim na kulimlim ang mukha. Nakita niya.ng si Lauro ay walang tigil ng kaiinom ng alak... Alam ng pari ang damdamin ng lalaki. Sa kabila ng kanilang pagkakalayo ni Emma1 si Lauro’y naghihirap din... Kung sa bagay, ang banal na hangad ng pari ay ang maghiwalay silang matiwasay kung hindi na sila magkakasundo. Huwag nang daanin sa hukuman. Maaari namang pag-usapan ng tanimik. Kung si Emma ang may kasalanan, dapat niyang sundin ang kalooban ng asawang pinagtaksilan. Ako’y galing kina Lauro, Emma, —ang patuloy pa ng pari matapos silang magkumustahan. —Ako’y inyong matandang tagapayo, Emma, katungkulan kong akayin kayo sa landas na matahimik. Humarap kayo sa altar at napakasal, at ang pinagtali yiyos ay di maaaring paghiwalayin ng tao. —Ano po ang sagot ni Lauro Padre?... —ang malungkot na tanong ni Emj ma. —Mahigpit siyang tumutol sa akin... Ang kasalanan mo raw ay sumusuko hanggang langit. At ang kanyang dangal at pangalang nadungisan ay di... —Nguni't Padre, isinusumpa kong ako’y hindi nagkasala sa banal naming pagsasama. Iyan ang isipin ninyo, Padre... —Emma, walang maniniwala sa iyo niyan... Ang lahat ay... —At pati ba naman kayo?... kayong aking kompesoT?... —at sa mata ni Emmang nakatitig sa matandang pari ay sumungaw ang luha. —Padre Domingo, bata pa akong munti ay kayo na ang aking pinagkukumpisalan. Kailan man ay hindi ako nagsinuhgaling sa inyo, hindi ba?... At nang ako’y ginigiyagis ng suliranin sa pag-ibig, hindi ba’t isiSadyang Nababagay... sa mga pagliliwaliw / ^anlUigucl Jale Jilsen Maiutuklasan ninyong tinafamasa ng lahaf ang kasiyasiya’t laging malinamnam na San Miguel Pale Pilsen. Ang ginintuan at suwabeng Serbasang San Miguel ay laging kínagiglliwan— sadyang naaangkop sa masisigla at masasayang sandali ng pamamahirfga. ^n o al i n g BREW8D ANO BOTTLBO BY jfrttn miquelBreueVM, nama ko sa inyo si Nestor upang kami’y pagpayuhan ng dapat gawin?... Nang mabalita siyang namatay, hindi ba’t kayo rin ang aking hinanap? Kayo na nakatatap ng aking kaluluwa ang siyang saksi ko ngayon, Padre... Maaari akong sumumpa, maging sa harap ng Bathala, na wala akong ginawang makapupugay ng dangal ng aking asawa at makapupusyaw sa karangalan ng aking dalawang anak... Iyan ang inyong paniwalaan, padre! —at si Emma, sa pagsisikip ng dibdib, ay tuluyang napahagulgol. —Sinunod ko lamang ang tibukin ng aking puso na siya’y tulungan, Abril 11. 1956 BULAKLAK 35 hanguin sa malubhang pagkakasakit... Nagtiis ako at naghrrap hanggang siya’y mailigtas sa kamatayan... At pagkatapos... pagkatapos niyang lumakas, ay ako na ang kusang lumayo sa kanya... Kailan man Padre ay hindi kami lumampas sa hinihlhingi ng karangalan at kagandahang asal... Paniniwalaan ba ninyo ako, Padre?... Hindi makakibo ang matandang pari at napatungo na lamang. Binayaan niyang magpaliwanag at magtapat si Emma. Nagsa(Sundan sa pahina 87) humingi pa siya at bumlli ng ¡Bang kahang sigarilyo. Matagal Biyang tumayo-tayo at nagpausok sa loob ng bulwagan at pagkatapos ay marahan din siyang nagtungo sa hagdanang paakyat- •. Bagama’t nag-iinit ang kanyang dibdib, si Ernesto ay larawan ng kahinahunan kung lumakad at kumilos. Tila walang anuman ang lahat... Sa tapat ng silid bilang 22 na pinasukan nina Dora, bí Ernesto ay huminto. Nax kita niyang nakapuwang ng kaunti ang pinto nguni’t hindi niya masilip ang mga tao sa loob. Marahan siyang tumabi at nakimatyag. “Dali-daliin mo at nang hindi tayo gahulin sa panahon...” ang kanyang narinig na wika ni Dora.” Ibig kong makaalis dito agad... Ang sabi ng bell-boy ay maraming nagtatanong sa akin...” “Oo, kaunti na lamang ang ating babalutin...” ang tinig-babaing narinig din ni Ernesto na tumugon sa salita ni Dora. “Ang mabuti ay ayusin mo na, kuya, sa lupa ang mga kuwenta upang matapos na ang lahat.” “Iyan nga ang mabuti nang tayo’y makaalis agad...” Sinugod ni Salvador ang pintuan, nguni’t hindi pa man siya nakalalabas ay sinagupa na siya ni Ernesto, hinawakan sa dalawang bisig at saka biglang ipinagtulakan sa loob ng silid... “Diyos na maawain!’” ang pago lat na wika ni Nene nang makitang napasubsob ang kapatid sa nialakas na pagkakatulak ng isang taong nasa pintuan at hawak ang isang makintab na rebolber.” Kuya!...” Sa sigaw na yaon ng dalaga ay turnabas si Dora na nasa munting silid. “Nene, bakit?...” nguni’t hindi na niya naipagpatuloy ang sasabihin. Nakita niya ang namumulang mukha ni Ernesto, nanginginig ang kamay at ang rebolber ay nakatuon kay Salvador na noon ay unti-unting bumabangon buhat sa pagkakasubsob dahil-sa nialakas na pagkatulak ni Ernesto. “Ernesto!...” ang sambitla ni Dora na halos nawalan ng dugo sa mukha. “Oo, ako nga... Naparito ako upang makipagtuos sa iyo at... sa lalaking ito... Hala'tayo... I —ang matigas na utos kay Salvador. “Ernesto, kilala mo ako?...” ang wika ni Salvador na nagpapagpag ng damit. “Hindi ko akalaing... ” “Oo, kilala kita... lkaw pala... si Kapitang Salvador del Mundo ng hukbong panglaan ng Pilipinas. Itinuturing kong kaibigan sa Korea... Nguni’t... ngayon ko nakilala kung ano ang iyong mukha!...” “Ernesto, maghunos-dili ka... Ngayon dapat mong malaman ang lahat na ako’y...” “Sukat na.. • ayoko nang marinig. Sapat na ang aking nakita sa inyo... Alam mo buhat pa nang una na si Dora’y aking asawa, nguni’t pinakialaman mo siya... inilayo sa akin, nabuhay kayong parang... parang...” “Ernesto, hindi tutoo iyan!...” ang sigaw ni Dora na anyong lalapit sa asawa... “Huwag kang lumapit kung ibig mong mabuhay pa ng matagal.” ang banta ni Ernesto na nagngangalit ang ngipin... —Nguni’t Ernesto, hindi ako nagkakasala sa iyo...” At sinabayan ni Dora mg yakap sa asawa. “Sukat na, walang hiyang babae...” ang paangil na wika ni Ernesto na sinabayan ng tulak at sampal sa asawa. “Ernesto, huwag mong saktan si Dora...” ang agaw ni Salvador na biglang sinugod ang lalaking tumabig sa asawa. Isang malakas na putok ng rebolber ang narinig sa loob ng tnlid na yaon at si Salvador ay napalugmok. Sa kanyang kanang bisig ay umagos ang dugo. “Kuya!... Kuya!.. ” ang umiiyak na wika ni Nene na tinakbo ang kapat:d na nakalugmok sa lapag. “Nabaril ka... nabaril ka, kuya.. .!” Pati si Dora ay napasugod sa binaril... Hindi inalintana ang dugo sa kanyang bibig dahil sa malakas na pagkasampal ni Ernesto. Tumulo na ang luha sa mata ni Dora. “Iyan ang bagay sa inyo...!” pagigil na wika ni Ernesto. “Nga yon ay hindi na kayo makapagkakaila, nahuli ko na kayong dalaw's!. ..” “Ernesto,” lumuluhang wika ni Dora. “Bakit mo binaril ang taong nag-ampon sa akin? Nang ako’y umalis sa inyong tahanan, ang taong ito ang tumulong at duníhmay hanggang ako’y makaligtas sa kamatayan, kailan man ay hindi siya lumagpas sa tungkulin ng isang taong marangal.. . “Sukat na... magaling kang mangatwiran.. Sasagot pa sana si Dora at magtatanggol nguni’t siyang pagpasok ng may-ari ng otel na kasama sina Danya Adela at Belen na nakarinig ng malakas na putok sa lupa. “Anong sigalet ito?...” tanong ng may-ari ng otel nang makitang nakaupo sa lapag si Salvador at maagusan ng dugo sa bisig. “Binaril po niya!...” ang tugon ni Nene na umiiyak. “Binaril po niya ang aking kapatid.. “Ernesto,” ang tawag ng ina.” Kaya kita sinundan ay dahil sa... dahil sa... “nguni’t nabalingan ng tingin si Dora.” Ah... alam ko na... Ikaw ang dahilan ng lahat... Ginoong manaper, ang babaing ito ay may asawa. Hayan ang kanyang asawa... May katwiran ang aking anak na baAbril 11, 1956 BULAKLAK 8? rilin ang taong umagaw ng kanyang asawa. At ito pa palang otel ninyo ang ginagawang.. ” Nguni’t hindi pa niya natatapos ang sasabihin nang biglang pumasok sa silid na yaon ang anim na lalaking nakabihis ng magara. Kasama nila ang dalawang alagad ng batas ng Mavnila. “Mga ginoo at mga ginang. ’ Ang magalang na wika ng isang lalaking may anyong kagalanggalang, nakasalamin at nakabaston ng kamago.ig. “Sino kayo?../’ ang tanong ng tagapamahala ng otel. “Ako’y si Kung Cheng Heng, Kansul ng Korea.. ” ang magalang na pagpapakilala, “naparito kami sa himatong na dito matatagpuan 3Í Dora Wang Lee.” “Dora Wang Lee? ..” ajig ulit ng tagapamahala. “Wala kaming nakikilalang Dora Wang Lee...” “Hayan... Hayan ang inyong hinahanap!. . . ” malakas na wika ni Donya Adela at itinuro ng daliri si Dora na noon ay nakatayo at alalay si Salvador sa bisig. “Hayan ang taks;l na... taksil na...” “lkaw?...” ang tanong ng konsul na lumapit kay Dora, sa kanilang wika. “Ikaw si Dora Wang Lee. . . ?” Bahagya lamang tumango si Dora sa tanong ng konsul. Naglapitan ang iba pang kasama ng konsul at sila’y nag-usap ng marahan sa kanilang wika. Ang mata ng konsul naman ay laging nakapako sa nag-uulap na mukha ni Dora. (ITUTULOY) EMMA (Buhat sa pahina 35) salita si Emma na umiiyak. Malimit siyang mapahinto upang humikbi... Tumngala sa langit NAIIBIGÁN NG MGA BATA F HINDI KAILANGAN ANG PURGA 88 BULAKLAK Abril 11, i<ft6 ang babae, sinapo ang dibdib at »aka nagpatüloy... Minamahal ko si Nestor, iyan ay inyong alam... Siya ang aking unang pag-ibig... Nais ko siyang lumigaya... Nang mga sandaling siya’y naglulubha, buhay ko man ang naging kailan&an, gumaling lang siya, ay malugod kong ipagkakaloob. Iniwan ko ang aking tahanan, hindi ko nilingon ang samo ni Lauro na huwag akong umalis... Iyan ang inaamin kong kasalanan, Padre. Nguni’t sa kasalanang iyan ay isang buhay ang aking naiLgtas... Ang buhay ng isang minamahal... Datapuwa’t ang Diyo* ay di natutulog... Nakikita Niya ang lahat nang nangyayari sa daigdig.. - Siya, opo, Siya, Padre, ang aking saksi na,sa buong panahong yaon ay wala akong sinikap kundi ang mailigtas sa tiyak na kamatayan si Nestor... At nang siya’y gumaling at lumakas, upang huwag kaming matukso, upang hindi kami magkasala, ako... ako ang lumayo at umalis... Kasalanan baga ang ganyan?... —Ang dila ng tao at ang mata ng tao’y. -. —Opo.-. hinatulan na nila ako! Iyan ay alam ko rin. Nguni’t kayo... kayong aking komTIONG SING PinalamabL&ang. halaban. nq. (bund Ang nabong TIONG SING ay mabuia. dalisay m&tigas at mabango. Mad a ling makaalij, ng dumi aa diarnit na inyohg’ nilalabhan at hindi rr.ahihirapan. Llgt/uj ?a nnumang «angkap na makapipineala sa inyong karnay at gayón din tn inyohg danut na nilalabhan. Ugaliing gamltla ang sabong TIONG SING «a ar&w-aiaw na paglalaba ninyo ng darnit kayr/y makr-pagGpid ng pañalón at ailapi Gawa ng Tagapamahagi sa Maynila now SING SOAP FACTORY TIONG SING TRADING CO. Son Pablo, Laguna, KP. 748 J. Luna — Tel. 2-80-75 I pesor, ako ba’y may kasalanan?... Napabuntong-hininga ang pari at minasdan si Emma. Si Emma naman ay unti-unting napapaluhod sa harap ng matanda. —Padre, ako’y nananalig na maaaring ibigin mo ang isang lalaki kahi’t ka napakasal sa iba... Ang kata wan ko at buhay ay nakasangla kay Lauro... Isinumpa ko sa harap ng altar na siya’y aking asawa at magiging ama ng aking mga anak. Ako’y magpapakatapat sa sumpang iyan... Maaari akong mabuhay at mamatay na nasa kanyang piling. .. Hindi ako maglililo kailanman. Nguni’t ang tibok ng aking puso, Padre, ay maaari kong ibilanggo sa loob ng aking dibd/D... Maaari akong umibig na hindi magkakasala sa aking asawa. hindi po ba? —Malalim na talinghaga ang binanggit mo, anak ko..; Ang pag-iisang dibdib ay dapat mabuklod ng pagmamahalan. Kung wala kang pagmamahal, nasaan ang iyong katwiran upang sumumpa ka sa harap ng altar na susundin mo ang iyong asawa? Iyan ang kasal na walang pagibig, Emma... Isang kasal na.. —Nguni’t Padre, iyan ay tatap ninyo... si Nestor ay... —Wala akong maipapayo sa iyo, anak, kungdi baguhin mo ang iyong paniniwalang iyan. Yamang ikaw ay nakatupad na kay Nestor, nailigtas mo na niya «a malubhang pagkakasakit, limutin mo siya... Mahalin mo ang iyong asawa sapagka’t iyan ang hinihingi sa iyo ng katungkulang iyong sinumpaan. Ang pag-aasawang walang pag-ibig ay walang kaligayahan at malimit magbunga ng di pagkakasundo at pagkakasala ng isa at isa. Hinaplos ng matandang pari* ang buhok ng umiiyak na babae sa kanyang harap. —Bayaan mo, anak ko, tutulu . ngan kita sa iyong pagdarasal. Alam ko ang iyong kabutihan, Emma. Ako’y naniniwala st¿ iyong pagtatapat sa akin. Oo at banal ang iyong ginawang pagtulon^ kay Nestor, sapagka’t iniligtas mo siya sa kamatayan. Nguni’t hindi mo mapapaniwala ang mga tao sa ganyang katwiran. Isa na rito ay si Lauro... Paniwalang-paniwala na siya’y iyong pinagtaksilan... Nguni’t alam ko, Emma, na kung gaano ang iyong paghihirap ay gayón din at marahil higit pa ang paghihirap ni Lauro. Ang iyong asawa, buhat nang kayo’y magkahiwalay na naging manginginom ng alak. Ibig niyang lunurin ang sama ng loob sa bisa ng alkoLcl... Iyan ang sumisira sa kanyang magandang pangan gatawan-.. —Diyata,'Padre?. •. —at nagtaas ng mukha si Emma. —Oo, Emma. Kangina lamang na kami’y nag-uusap, ay wala siyang tigil ng pag-inom sa palpitan ng bawa’t pagsasalita. —Padre, utang na loob, tulu ngan ninyo siya... Ipaliwanag ninyo sa kanya na masama ang kanyang ginagawa.. • Kung kailangang lumapit ako sa kanya at magmakaawa ay aking gagawin, huwag lamang masira ang kanyang katawan... —Ngayon ko nalaman na may pagtingin ka rin sa iyong asawa, Emma. • —Sa harap ng Diyos at sa harap nb batas, ako’y kanyang asawa, Padre... Marahang nagtindig ang matanda at kinuha ang bastan... —Aalis na ako... —ang pagpapaalam ng pari. —Nawa’y bigyan ng Diyos ng liwanag ang inyong nadirimlang mga kaisipan... Kayo naman ay mabubuting Katoliko. Lalo na ikaw, ikaw na madasalin at masimbahin... Hindi ka pababayaan ng langit na mabigo.., —Salamat po, Padre.. —at hinagkan ni Jimma ang kamay ng matandang kura. —Ilakip po ninyo ako aa inyong pagdarasal. .. —Maiba ako, saan ko makakausap si Nestor?... —Hindi na po kami nagkikita, Padre, —tugan ni Emma. —Buhat nang ako’y kanyang ihatid sa Maynila ay wala na akong nalalaman kung saan siya nagtitira ngayon. May balita po^akong siya’y naglilingkod na naman sa hukbo. —Maaari ko kaya siyang makausapt..• —Sa oras po siyaiig tumawag sa akin ay aking sasabihin, padre. .. Sinamahan pa ni Emma ang matanda hanggang sa pintuan... Nang makasakay na ang pari sa kanyang sasakyan ay saka lamang nagbalik si Emma sa kabahayan. Hindi maalis ang paninikip ng kanyang dibdib.•. Ang kanyang matá’y mabasa-matuyo sa luha.•. Sa loob ng maraming araw, si Emma ay di umaalis ng tahanan. Ibig niyang magtago sa mapanurtng mata ng tao. Ang katanyagan ng kanyang usapin, ang pagkakalathala sa mga pahayagan, ay sapat na upang kahi’t saan siya magtungo, ang mata ng bawa’t masalubong niya ay nakatudla sa kanya. Tila siya ang laging minamasdan.. • Iyan ang dahilan kung bakit anumang yaya ang gawin ni Nena na sila’y magpasyal a dumalaw sa mga dating kadalawan ay kanyang tinatanggihan•.. Ibig niyang lumayo sa mata ng hayan... Ibig niyang sarilinin ang sariling buhay.., Buhat sa kanyang kinaruroonan ay dating naman ng dating ang balita. Alam niyang si Lauro ay malimit sa mga bahay-sugalan, sa mga bar, at sa iba’t ibang pook na liwaliwan. •. Ang labis niyang ikinalungkot ay ang balitang ito’y nahuhumaling sa pag-inom. Dati-dati naman ay di ganuon si Lauro..- Ito’y isang mabait at masunuring asawa. Siya kaya ang naging dahilan?... Siya kaya ang naging sanhi ng pagkakagayon ng asawa? Dahil kaya sa kanilang pagkakalayo kung kaya’t dinadaan na lamang ni Lauro sa pag-inom ng alak ang paglimot sa kanilang mabigat na usapin?. - • Sa gitna ng kanyang pag-iisa at paghihinagpis, ay wala nang nagiging gawain si Emma kungdi ang lumuhod at magdasal• • • Idalangin ang kaligtasan ng asawa at mga anak!... (ITUTULOY)
Date
1956
Rights
In Copyright - Educational Use Permitted