Dalawang bulaklak: pagtatapat ni Cecilia Fernandez kay Ben Gallardo

Media

Part of Bulaklak

Title
Dalawang bulaklak: pagtatapat ni Cecilia Fernandez kay Ben Gallardo
extracted text
7.-4 K.4S .VG XAKARAAN : Umiibig i;a si Mercy. Ayaiv niyang tent ggapin ang mga paalaala ni Celia. isa nang guro sa paarala.ng-bayan si Celia. Isa sa aiga babaing g<tro, na kasama ni Celia, ang nagsabi sa kanya, na yaem ay may isang pinsang binata, na sa sandaling makita si Celia ay tiyak na tiyak na ito'y liliga n an . . . (IKA-6 LABAS) WINÁGLIT ng panahon sa aking alaala ang pagbibiruan namin ni Chayong sapagka’t dahil sa aming gawain sa paaralan ay hindi na kami nagkaroon ng isa pang pagkakataon upang makapagusap tungkol sa kanyang “inilalapit" sa aking kamaganak. Abalang-abala. ako sa nag-aayos ng aking silid sapagka’t dahil sa pagsapit ng Disyembre ay kinakailangang ilagay sa ayos ang lahat bago man lamang maipinid ang klase sa panahon ng bakasyong maikli. Si Chayong man naman ay gayón din. Palibhasa’y aapat kaming guro sa nayon kung kaya’t hindi kami makapaghilian sa paglilig'pit Kanya-kanyang ayos, kanya-kanyang ligpit at kanya-kanyang paghahanda. Isa pang nakaragdag sa aking gawain ay nang hirangin ako ng aming prinsipal na si Mr. Cruz upang siyang mamahala sa munting palatuntunang pampasko ng mga bata. Napilitan akong pumasok ng maaga at umuwi naman ng halos gabi-gabi na dahil sa pag-eensayo ng mga batang kasali sa palatuntunan. May sayaw na karinyosa na ipinahanda ko kay Chayong na lalabasan ng mga bating babaing nag-aaral sa ikalawang grado. Si Mr. Marcial Corpuz, tanging lalaking guro mal iban sa aming prinsipal ay inatasan kong magpasanay sa kanyang mga bata ng tinikling upang siya namang maging bilang ng mga batang nag-aaral sa ikatlong grado. Ang aking maliliit na tinuturuan ay sinasanay ko sa sayaw sa bilao. Anupa’t ang ilang araw na nalalabi bago sumapit ang huling araw ng pasukan ay iniukol namin sa mga paggagayak at paghahanda ng mga kailangan sa tanging palatuntunan ng mga bata. Si Chayong ang tinokahan ni Mr. Cruz na siyang mamahala sa minindal at sa pag-aanyaya sa mga.magulang ng mga bata. —Ikaw naman, Mr. Corpuz ang bahala sa mga silya at likmuang kailangan maihanay sa harapan ng paaralan. Ikaw din, bilang lalaki ang gagawa ng maliit na tanghalan. Pagsama-samahin mo ang mga desk at saka patungan sa ibabaw ng malapad na tabla. Marahil ay ma na iyon, —ang wika ng aming prinsipal. —Ayan ang mapapala ¡sang gurong lalaki,— ang nasabi tuloy ni Chayong na nakatinging tila nanganganrtakabibitiw PaqsaiNaM/ 'hi[ Tíó&k Virio íttdg Nq Paq-iúlq Na Nada > tiyaw sa aming kasamang guro. —Lahat nang mabibigat na trabaho ay ivo. Natawa na lamang si Mar cial. —Sumaya lamang ang palatuntunang ito ni Celia av hindi na baleng ako’y mahirapan.— Ang kanyang tugon naman na sa akin siya nakat ingin. —At bakit, ito ba’y pala tufitunan lamang ni Celia at di ng ating paaralan? —Ehem, tila Abril 11 1936 BCLAKLAK 7 sa tu los si Mr. Corpuz?. . .— ang parunggit ni Chayong na kínürot ako sa bisig. —Hoy» Chayong, ang pilya nito ah!... —ang nakatawang tugon ko naman sa pagbibiro ng aking katabi. —Mangyari’y deretsong de retso kung magsalita si Mr. Corpuz. Tila si Celia na lamang ang guro ng paaralang navon. —Hoy... Hoy..., tama na iyan... —nakangiting awat ng prinsipal nang makitang tila namimilipit si Mr. Corpuz sa kanyang upuan.— Binibigyan ninvo ng kahulugan ang ating miting. Hala, trabaho, kahiya-hiya sa mga magulang kung hindi tayo makapagdadaos ng isang maringal na palatuntunan ng mga bata. —Heto na nga po’t subsob ang aming ulo sa pag-eensayo ah. . . —sabad ni Chayong. —Ano, Celia, areglado na ba ang lahat?— baling ng prinsipal sa akin. —Opo, Mr. Cruz, isa la ríiang ang kulang natin. Wala tayong piyanong magagamit at kung may piyano naman ay wala tayong piyanis ta na sasaliw sa mga sayaw ng mga bata. —Madali iyon,— sabad ni Chayong. —May pivano sa inyo, Celia, ano? —Oo,— ang bigla kong sagot.— Nguni’t. . . —Kung ipahihiram iyan iyong nanav Loleng ay kam¡ na ang bahalang magpabuhat, —sabad ng prinsipal. —Nguni’t paano naman ang piyanista? Ako na po ang bahala. Mr. Cruz, — ulit ni Chayong’ —Lilihaman ko po ang aking pinsan na dito magba^syon sa ating nayon. Marunong pong tumugtog ng piyano i\ on. Nag-aaral siya sa konserbatoryo. —Ay salamat, nalutas din natin. . . — pabuntong-hiningang wika ni Mr. Cruz. — O ano-pa ang kailangan Miss Fernandez? —muling tanong sa akin. —Wala na po. kung mai pangangako ni Chayong, este ni Miss Ramos na tayo’y may piyanista. —Isa pa pong mungkahi. Mr. Principal,— ang sagot. ni Chayong.— ling naming ¿a,Pakula - 36 36 BULAKLAK Abril 11, 1956 DALAWANG BULAKLAK (Buhot sa pahina 7) magkaroon naman ng bilang ang mga guro. Halimbawa, isang awit ni Celia... —Aba... aba...— ang tutol ko.— Ano ba ang nakain mo’t ako’y ibig mong igisa?... —Siya nga naman... siya nga naman... Maiba naman sa mga bata... —ang ayon ng mga kaharap. —Kung hindi pa sana alam namin na magaling kang umawit, Celia...,—giit pa ni Chayong.— Hala na... Sasabihin ko sa pinsan kong sa-' liwan ka... _ ; —Nguni’t... —Sumang - ayon ka na, Miss Fernandez,— ang wika naman ng prinsipal. —Iyan naman ay para sa ating eskuwela. —Nguni’t ang palatuntunan natin, Mr. Cruz, ay para sa mgá bata lamang... Ako ba’y bata pa hangga ngayon?... —Aba, ikaw ang aming kinatawan, —ang sagot ni Chayong na hindi hinintay na makatugon ang prinsipal.— Hala na... ikaw ang aming napili at hindi mo kami maaaring hiyain. Ako’y hindi na nakatutol sa amuki ng lahat. Natapos at natapos ang aming pulong sa paaralan na ibig kong mabugnot dito kay Chayong. Palagi na lamang akong isinusubo. Kaya’t nang kami’y lumalakad nang papauwi ay hindi na ako nakatiis. —Bakit ba naman, Chayong, ako na lang ng ako ang napag-iinitan ng iyong mga mata... ? —Ano ang ibig mong sabihin, Celia?...— nakatawa niyang tanong. —Sa halip na ako’y iligtas mo sa mga kompormiso ay ikaw pa ang nagsusubo sa akin. Akala ko ba’y magkaibigan tayo? —At hindi ba?... Kung maaari lamang, Celia, na ialay ko sa iyo ang lahat ng karangalan ah... Ibig kong ikaw ang kumatawan sa mga guro dito sapagka’t hindi mo ba alam na lahat kami’y walang sinasabi? Hale, maging sa mukha, sa pagdadala ng damit, sa pagsasalita, sa tindig, sa... sa... —Hoy... tama ka na...— at kinurot ko siya sa bisig. —Aray naman... At isa pa, bayaan mong humanga sa iyo ang ating nayon, at ano ang malay mo kung bukasmakalawa, kung madestino si Mr. Cruz ay ikaw ang hilingin ng baryo na maging prinsipal ng ating paaraian? —Talagang hindi ka nauubusan ng katwiran, Chayong, —ang iling ko habang kami’y lumalakad. —Pati si Marcial ay ibig mong itukso sa akin gayong ang pobre’y wala namang nasa sa loob sa akin... —Naku, kulang ka pa ba ng paghalata?... Matagal na, tsika, matagal nang nagmamatang-manok sa iyo ang kasama nating iyan. Nguni’t mahirap siyang magkatuson, Celia. Ako ang kalaban niya... —Ano?... Gayón palang ikaw ang may gusto, bakit mo ipinipilit sa akin? —Ha? At bakit ako? Ang ibig kong sabihin ay mayron ka nang pinaghahandaan ng iyong pag-ibig... Iyan ay tayong dalawa lamang ang nakakaalam, hindi ba? —Naku, Chayong, pinatatawa mo ako... Maanong alisin mo na sa ulo mo ang kapilyahan... —Makikita mo rin... Sa halip na ako’y magalit kay Chayong ay napatawa na lamang ako. Talagang mapagbiro ang kasama kong ito. At salamat naman dahil sa kanyang pagpapatawa at pagbibiro ay nakakalimutan ko ang hirap sa pagtuturo at paghahanap-buhay. Dumaan pa ang ilang araw... Patuloy kami sa pag-eensayo sa mga bata tuwing hapong matapos ang klase. Datapuwa’t isang hapong agawdilim at liwanag ay bigla na lamang akong ginulat ng isang magalang na pagpapatau-po samantalang ako’y nag-iisa at nagaayos ng aking sllid. Kaaalis lang noon ng mga bata na maaga kong pina I abas sapagka’t nais kong makapagpahinga. —Magandang hapon po naman, —ang aking mahinang tugon na minasdan ko ang taong nasa bungad ng aking pintuan. —Kayo po ba si Miss Celia Fernandez?... —ang kanyang nakangiting tanong. —Opo,— at siya’y aking pinagmasdan. Isa siyang lalaking humigit kumulang sa dalawang pu’t dalawang taong gulang, naka-barong tagalog at masasabing may mukhang kaaya-aya at nakaakit ng tiwala. —Bakit po?. .. —Kailangan daw ninyo ako.. —Kailangan ko?... Wala akong natatandaan na sinabi sa kanyang. .. Napangiti siya sa aking harap.. Minasdan ako ng matagal bago tumugon. —Ako po ang kanyang pinsan. Sinulatan niya ako at sinabing ako’y kailangan ninyo sa inyong palatuntunan. —Ah... alam ko na.. • ~^ako naman ang napangiti sa kanya. —Samakatuwid ay kayo ang kanyang pinsang piyanista? Akala ko, ang kanyang pinsan, ay isang... babae. Ang kanyang tawa’y umaakit ng pagtitiwala. —Baka po binabae!... Bihira nga po ang mga lalaking piyanista ang ginagawang hanap-buhay. Tila ang tungkuling iyan ay para sa mga babae lamang. —Hindi po naman... Tuloy kayo... —Ako’y po’y si Roberto Romasanta kung inyong mamarapating maging kakilala. Pinsang —buo ko po si Chayong. Sinabi niya sa akin na kailangan ninyo ang isang piyanistang sasaliw sa sayaw ng mga bata at saka sa inyong awit para sa palatuntunang pamasko ng inyong paaralan. —Opo, Mr. Romasanta... Ako po naman ay -.. —Kilala ko na kayo... Sinabi na ni Chayong sa akin ang inyong pangalan nguni’t hindi siya nagkaila sa akin. . —Hindi nagkaila?... Bakit po? —Tungkol sa inyong. • • kagandahan. Tutoo pala... Mr. Romasanta, maaari bang asikasuhin muna natin ang tungkol sa. • • sa palatuntunan? —Opo, Miss Fernandez... Lumapit siya sa aking mesang susulatan at saka lnilapag ang isang malaking sobre ng papelManila. —Tungkol sa sayaw ng mgja bata ay mayron na akong papel sa tugtugin at ito’y ang karlnyosa, ang tinlkling ay may sariling tugtugin ding pangsaliw. —At isaisang inilabas ang mga papel ng tugtuging kanyang dala. —Bukod dito ay nagdala rin ako ng piyesa ng tugtugin ni Abelardo, ni Cornejo at ni Constancio de Guzman. Baka ibig ninyong pumili ng isang kundimang likha ng slnnman sa kanila upang Inyong awitin. Iyan ang bilin ng aking pinsan. Dahil sa kagahulan ng panahon ay díñala ko nang lahat. —Tungkol sa akin ay huwag na kayong mabahala. Maaaring hindi na ako umawit. Sadyang si Chayong lamang ang mapaggiit ng kanyang kalukohan eh... —Bakit po naman?... Ayaw ba ninyong awitin ang kundiman ng ating lahi? At isa pa, Miss Fernandez. Mayron akong isang kundiman ditong akda kong sarili at hindi pa naaawit ng sinuman. Narito, tingnan ninyo... —At inilabas ang isang papel na ang mga nota’y nakatitik lamang ng maitim na tinta. —Ito’y pinamagatan kong “Talon ng Pagsanghan....” Inilagay ko sa awit ang lagaslaa ng tubig kung lamagpak sa kabatuhan, tila buhos ng isang damdaming nag-aalimpuyo upang higupin sa ilalim ng isang damdamin din. Tubig sa itaas, tubig sa ibaba... Parang pag-ibig na magkalayo, nagmamadali ang isa at naghihintay naman ang isa... Ang patak ng tubig ay tila sinalubong ng yakap ng tubig sa ibaba... At pagkatapos... sabay silang aagos... magkatabi, magkayakap, nagtatalik at nagmamahalan sa liku-likong landas ng tubig... . i-I —Mr. R^masanta,— ang buong panggigilalas kong nawika, —tu« too ngang kayo’y isang artista. Nabigyan ninyo ng kahulugan ang tubig ng ating Pagsanghan. Tila kayo isang tunay na makata ng tugtugin -.. Minasdan niya ako at saka ngumiti. —Iyan sana’y ibig kong marinig sa inyong mga labi... Miss Fernandez, isang karangalan ko nang masasabi kung kayo ang unang umawit ng aking kundimang iyan. Sino pa ang dap^t dumakila sa Talon ng Pagsanghan kundi ang mutya r n ng Pagsanghan?... —Hindi lang kayo makata ng musika, Mr. Romasanta, ktndi isi ring mapagbiro at... —Panno’v k^no- maging kapalagayan nlnye, Min Fere andes. At yamang tayo'y magtutulong ngayon sa ikapagtatagumpay ng inyong palatuntunan ay maaari bang alisin na natin ang pagtatawagan ng Mister at Miss. Ang palayaw sa akin ay Berting dito sa lalawigan, at ikaw naman ay tatawagin ko na lamang ng.... Celia, ang musa ni Balagtas! •—Napaka-adelantado ninyo.. • —ang nakatawa kong wika. — Nguni’t isa-isang tabi na muna natin iyan. Kung talagang nais ninyong magtagumpay ang ating palatuntunan ay magsimnla na tayong mag-ensayo. Ang piyano ay nasa aming tahanan. Bukas ng hapon ay maaga kong tatapusin ang klase Upang tayong lahat ay magtungo sa aming bakuran. Doon natin gagawin ang unang ensayo na kalakip na ang tugtugin. Makapupunta ba kayo, Mr. Romasanta? Mr. na naman... Nguni’t kung iyan ang iyong ibig ay., oo... liwan ko sa iyo ang aking kundiman upang kung maari ay masanay ka sa pagtunghay sa mga titik. Kung iyong mamarapatin, ibig kong magtungo sa inyo mamayang gabi upang iparinig sa inyong piyano ang himig ng tugtuging iyan na ngayon lamang maririnig dito sa ating nayon. —At bakit, tagarito ka rin ba?... —at sa aking kabiglaanan ay hindi ko na siya napupo. —Ako’y ipinanganak sa Paete nguni’t maaring dumating ang araw na ako’y maging tagarito rin kung... kung magkakaroon ng kapalaran... Aywan ko kung ano ang ibig niyang sabihin nguni’t napangiti na lamang ako at sumang-ayon na siya’y tumungo sa aming tahanan sa kinagabihan... (ITUTULOY) ay I LILAMi BITUIN (Buhat sa pahina 9) katayuan mo sa hukbo naging alanganin tuloy. nabi mong hinahanap si Dora ng konsulado ng Korea, marahil ang babaing iyan ay isang espiya, ano?... Sinilo ka lamang upang makarating sa Pi apiñas, at ang lalaking kanyang kasama ay maaaring isang kumunistang kanfang kainalam...” “Ngayon ko lamang masasabi sa inyo, mama, lolo, noon pa mang nakaraan mga araw, ang himpilan ng hukbong Pilipino’y nakatanggap din ng isang liham na walang lagda na nagpapahiwatig na si Dora ay isang... tiktik. Hindi ko sinabi sa inyo ang bagay na ito agad sapagka’t noon ay naniniwala akong gawa lamang ng isang walang magawa ang liham na yaon. Ang tutoo’y kinausap ko si Dora tungkol sa bagay na iyan nguni’t pinabulaanan niyang lahat. Wala raw katutohanan...” “At sino naman ang aamln sa iyo tungkol sa bagay na iyan ?’’ ang pangangatwiran ng ina. “Sukat ang nalaman mo ngayon na siya’y pinaghahanap. Ngayon mo malaang pinakasalan mo... Lalabas ka pa ngayong kahiyahiya sa mata ng iyong mga pinuno, Ernesto.. “Hindi ako tutugot, mama, hanggang hindi kami nagkakatuos!... ” pangitngit na wika ni Ernesto na isinuntok ang dalawang kamay. “Hindi siya makaliligtas sa akin. Kung siya’y isang tiktik at ako’y naging kasangkapan lamang niya... kung ang aking pagmamahal ay ginawa lamang niyang hagdan upang matupad ang kanyang tungkulin ay magkakatuos kami!... Bukas na bukas ay hindi ako uuwi dito hanggang hindi ko natutuklasan ang katotohanan.. At hindi nga nagpabaya si Ernesto. Kinabukasan, halos bago pa lamang sumisikat ang Araw, ang lalaki’y nagalis ng kanyang uniporme. Nag-ayos siya ng tulad sa isang karaniwang mamamayan. Hinugot sa kanyang tataguan ang isang makintab pungió. Magdamag siyang hindi nakatulog... Ang gihawi ng asawa’y hindi maalis sa kanyang isip. Diyata’t si Dora ay isang tiktik ng kumunista?... Diyata’t ang ay kanyang asawa’y walang paggj_ tingin sa kanya maliban sa LAGING A4AAYOS... LAGING MALANGO! Mabihili sa lahat ng basar SUBUKIN NINYO NGWON! Robin Hood • BKILLIANTINE • POMADE Robin Abril 11, 1956 BULAKLAK 37 siya’y gawing hagdan sa tungkuling lihim na ginagampanan? Halos pagsiklaban siya ng galit tuwing magugunita ng lalaki ang kamlang pagmamahalang mag-asawa buhat sa Korea hanggang Pilipinas. Ang kabaitan ni Dora, ang pikit-matang pagsunod sa bawa’t kanyang naisin, ang pagpapakumbaba sa kanyang harap na halos ang lingin sa kanya’y isang panginoong sinasamba. .. ang lahat kayang yaon av pakunwar iamang upang mabuhos na mabuti ang kanyang loob at pagtitiwala? Ipinamulsa ang pamatay na dala at saka hindi na nagpaalam sa kanyang ina, ni hindi kumam ng agahan, ibig niyang subukan ang asawa at ang lalaking kasama ipto. Hindi na kinuha ang kanilang rasakyan sa garahe. Sir.abi na lamang kay Sebio na siya’y may parurunang mahalagang bagay at kung itanong ng kanyang ina, sawi... Tuma wag siya ng isang taksing paupahan at napahatid sa Shellborne Hotel. Upang hindi siya mahalata ng mga kawani, si Er(Sundan sa pahina 86) Matacrs ang uri Husto ang pormula Lalambot ang inyong buhok Ligtas sa balakubak Suwabe ang halimuyak
Date
1956
Rights
In Copyright - Educational Use Permitted