Sayang na ligaya

Media

Part of Bulaklak

Title
Sayang na ligaya
extracted text
12 BULAKLAK Abril 11, 19(6 v < amq mw -akpa BAKAS NG NAKARAAN; Galit na kinakausap ni Nena ang anak ni Danilo. Si Rosita ay walang munti man lamang takot na nang ang atwiran sa kanyang ale. Dumating ang dalawang madre kasama si Laura, na may pinsala sa kamay at sa mata. Ling id sa dalawang kasama, si Laura ay nagsumbong ng mga kasinungalingan sa kanyang ina. Nang magkausap si Nena at ang dalawang madre, ang mga ito pa wng kinagalitan ni Nena at ipinagtabuyan. Ang dalawang madre ay iptnag tang gol ni Rosita. . . (Ika-48 Labas) Taksil Na Babaing Kasamaa'y Likas Di Maasahang Siya'y Maging Tapat SA KAUNA-unahang pagkakataon ay noon naramdaman ni Rosita, na nangatal ang buo niyang katawan sa matinding poot, dahil sa ipinamalas na kawalang-pitagan ng kanyang Tiya Nena, sa dalawa ni'ang panauhin. Mariing nakagat ang kanyang labi, sabay sa pagtuon ng mga mata niyang walang kakurap-kurap na nakapako noon sa nakapinid na pintuan ng silid ng mag-ina. —Bayaan mo na anak... Kami’y magpapaalam na sa ■ iyo. Ngftni’t bago kami umalis ay ibig kong magunita rtio, na ang mabababang-loob at mapagpaumanhin ay siyang lalong malapit sa pagpapa'a ng Diyos... Huwag mong damdamin, at lalong ■ huwag mong ikagalit ang kanyang inanyo... Lakihan mo ang iyong puso, sapagka’t Ikaw ang nakaaabot ng kat- ; wiran... —ang wika ng matandang madre, na nakaakbay noon kay Rosita. Mariing kuyom ang dalawang palad na napabuntonghininga ang anak ni Danilo. Anhin man niyang pakiramdaman ay naubos na ang lahat ng kanyang pagpapaumanhin. Naglalagablab ang poot sa kanyang puso, na tila siyang nagpapasikip sa kanyang dibdib. Muli siyang napabuntong - hininga, saka napayukong kagat pa rin ang labi. —Kung may kailangan ka sa akin... anumang oras ay bukas sa iyo ang pintuan ng kolehiyo. Nakahanda ako, Rosita, sa anumang maitutulong ko sa iyo... —ang marahang wika naman ni Sister Elisa. i Noon lamang nakapagsalita si Rosita. —Maraming salamat sa inyo. Sinabi na po ng aking ama, na ako ay magpapatuloy sa aking natigil na pagaaral. Marahil po ay magsisimula na ako, sa linggong papasok... —Kung gayo'y hihintayin ka namin... Aalis na kami, anak... ani Madre Maria. —Adiyos po... Suma-inyo nawa ang pagpapala ng May-kapal, —sagot ni Rosita. —Salamat, anak... Gayón din sa iyo... —patapos ng matan dang-madre, saka nagtuloy nang nanaog, pagkatapos na hagkan ni Rosita ang kanang kamay. Noon pala naman ay haliling sumisilip sa susian ng nakapinid na pintuan ang mag-ina, kaya’t kitang-kita nila, nang manaog na ang dalawang madre. Si Nena ang nagpaunang lumabas. Tumayo sa gitnang-gitna ng bulwagan, nameywang pa muna, saka malakas na tinawag ang pamangkin, na nakatayo noon sa puno tng hagdanan at tinatanaw ang papalayo nang mga madre. —Halika rito, magaling na babae. \ . Walang kibong lumapit si Rosita. Pinaglilipat-lipat ang kanyang tingin sa inang ujagka-agapay sa pagkakatayo. magnoon mong —Ano ba ang ibig sabihin at nagmamagaling ka sa dalawang madreng na* parito? —nanlilisik ang mga matang tanong ni Nena. —Hindi po ako nagmamagaling at wala akong ibig sabihin sa aking ginawang pagpigil sa kanila, nang sila’y ipagtabuyan ninyo, — matatag na tugon ni Rosita. —Ow, talaga namang nagmamagaling ka... ang ibig mo ay ikaw ang mapuri... Hindi ba talagang iyan naman ang ugali mo...? — pagalit at tila nagmamagaling na wika naman ni Laurang nakapameywang din noong katulad ng kanyang ina. Tinanaw siya ni Rosita. Ipinakikilala ng nag-aalab na mga mata ng anak ni Dani'o, na hindi niya tinatanggap ang gayong paratang sa kanya. —Aba, kung makatingin ito, isip mo lalamon ng tao... Hoy, huwag mo akong daanin sa padilat-dilat ng mata at hindi ako natatakot sa iyo... —malakas na wika ni Laura. —Wala akong tinatakot na sinuman... —mariing sagot ni Rosita. —0, e bakit mo pinandidilatan ang aking anak...? Palamon mo ba iyan... ? Ikaw ba ang nagpapakain diyan... at kung makatingin ka, ay isip mo kayang-kaya mo kaming mag-ina... ? — nanggigigil sa galit na sigaw ni Nena, na sinusurot si Rosita, habang nagsasalita. —Hindi ko sina’sabi iyan... at hindi rin naman ninyo masasabi na kayong sumisigaw at nanunurot pa sa pagsasalita ay siyang nagpapakain sa akin... Tayong lahat ay kumakain sa salaping naiwan ng aking yumaong ina... .—ang marahan, nguni't mariin at maliwanag na tugon ni Rosita, na hindi na nakapigil sa pagsasalita. —A, hay on... talaga palang magaling ka... Akalain mong pawalan mong kabuluhan ang paghahanapbuhay ng iyong ama...? Makikita mo... Makikita mo’.t isusumbong kita, pagdating niya mamaya... Napakasama mong magsalita at wala ka ni munti man lamang paggalang sa iyong ama... Ako pa nga ba ang igagalang mo... ? Tayona, Laura... Tayona, at baka mapatay ko lamang ang walang modong ito... —ani Nena, saka hinila ang anak, pabalik sa kanilang silid. Iniingusan ni Laura si Rosita, habang lumalakad, saka ipinanlura bago padabog na ipininid ang pintuan ng silid nilang mag-ina. —Ayaw ko nang bumalik sa kolehiyong iyon, mammy» Abril 11, 1956 BULAKLAK J 3 —ani Laura pagkatapos na rinig niya ang mga idinaldal ilatag ang katawa'n sa hihi- rii Madre Maria, —ang wika gan. —Bayaan mo’t ililipat kita sa iba, —sagot ng ina. —E, paano ang naiwan ko unahan sa pagsusumbong... roong mga damit at sapa- Mag-ayos ka na at pupunta tos? tayo sa upisina ng iyong —Ipakukuha ko kay Rosi- daddy, upang doon natin sita, bukas. ya kausapin, na hindi mari—Ang inaalaala ko, mam- rinig ng kanyang anak, — my, ay baka magsumbong si Rosita sa daddy, pagka’t na’UXHAT AY KUMAKAíM SA SA1APJN0 NAIWAN PAL ASICs’ MAÓAUNG t a l a &a - A. HAYON .. KA ■" - TAVONGf l a h a t a y k u Ma k a in s a sal apin g n aiw an NC ak in g YUMAONG INA*.* MARAHAM/NGUNn MARIIN TUGO* Ni ROSITA* ni Laura. —Huwag kang mag-alaala... Hindi niya ako mautugon ni Nena, saka sinimulan na ang j ' pag-aayos ng t nagbibihis kanyang buhok sa harap ng tokador. Samantalang ang mag-ma sa silid, si Rosita naman ay pawis sa pagpapakintab ng sahig sa bulwagan sa pamamagitaji ng bunot. Bagaman nahihirapan sa kanyang ginagawa ay nangingiti rin siya at may nararamdamang ginhawa sa tuwing masusulyapan ang larawan ng kanyang inang nasa isang gawi ng bulwagang yaon. Ligaya na ng kanyang kalooban ang pagkakabalik ng Larawan ng yumao niyang ina, sa dating basa na ng kinalalagyan. Habang nagbubunot ay manakanakang hinahagisan ng tanaw ang hardin sa ibaba, na waring inaalam niya kung hindi pa nalalanta ang mga sanwang bulaklak na kanyang kukunin upang ipalamuti sa larawan ng yumaong ina. Sa ganyang ayos siya nalabasan ng kanyang Tiya Nena, na kasunod si Laura, na kapuwa bihis na bihis. —Pagkatapos mo riyan ay labhan mo ang marurumi (Sondan sa panma 64) I 84 BÜLAKLAK Abril 11, 1956 aking puso ang isang bagong pag-ibig. Kapalaran natin, Bert, ang magkalayo! Dinaramdam ko ang ganap nating paghihiwalay buhat ngayon... Nalalaman kong may pagtingin ka pa sa akin, Fanny, kung iibigin ko lamang patayin ang bagong W:33 Parents And Guardians Choose This Institution, Because They Have S^en The i Efficiency And ' success OF rfS GRADUATES ! Enroll Thom At The DE LUXE FASHION SCHOOL Recognized by the Government The Oldest, T.arzest & Famous I <n the Far East I The of hundreds of Fashion School Direc rcssas >. ar.d Thousands of successful Dra.-s- I maker, beauticians and tail'rs in the Philinpines. China Japan, ! Siam, India, Guam and Borneo. | FAMOUS for great achieve- ' ment integrity, quality of teach-J inj, square dealing and fairness ¡ to studentsCHAMPION in the National & International Fairs MEMBER Philippine Especial Vocational Schools Association Culture As3cciated Inc* Free uniform, scissors, tapemeasure notebook, pencil, needles, threads, thimble textbooks, curve ruler and 2 yards muslinf ree supplies, equipment and textbooks also- Free courses in ; Flowermaking Fancy" Jewelry. Enroll your children at 333 EC'.' -»d^-C',rrI°dn-r!iz^l Ave Ph, za GoltL No bluffs * No rackets Mail th¡3 coupon and receive Free souvenir Fan and prospectus; Name.................................................. I Address .................................... • • • pag-ibig na umusbong sa iyong puso. Datapwa’t hindi ko magagawa. Pasko pa naman noon nang pagkabuhay. Dapat sikapin ng sangkakristiyanuhan, na, panatilihing buhay ang nangabubuhay, at, tulungang mabuhay ang taong namatayan ng pag-asa. Iyan ang diwa nang muling pagkabuhay ng ating DAKILANG KRISTO, kaya naman buhat noon, Fanny, ay itinuring kong ginintuan ang araw na yaon, na siyang saksi sa banal nating pag-iibigan. —WAKAS— SAYANG NA LIGAYA (Buhat sa pahiná 13) kong dámit, na nasa may paanan ng aking kama. Habang nakaktfa ang mga damit pagkatapos mong sabunin ay saka mo naman simulan ang pagwawalis sa bakuran. Kung may tatawag sa telepono at itatanong ako, sabihin mong bukas na siya tumawag, sa ganito ring oras... —ang bilin ni Nena, na sinundan ng pagpanaog, kasunod din ang anak, na sasayaw-savaw pa at waring ikinacragalak ang nakitang paghihirap ni Rosita sa paglilinis. Hindi nakalimutan ni Nenang ipagbilin sa pamangkln ang ukol sa tawag sa telepono; nguni’t ma? no man lamang nagunitang sabihin kay Rosita, kung saan ito kukuha ng pananghalian gayong alam na alam niyang wala naman siyang iiwang ulam at kanin, na maaaring makapawing-gutom sa kanyang pamangk’ng pinagtatrabaho niya ng masahol pa sa isang alila. Tumango lamang si Rosita, at hindi sumagot ng ano man. Lumulan ang mag-ina sa nagdaraang taksi. Habang tumatakbo ang sasakyan ay tinuturuan ni Nena ang kanyang anak ng sasabihin kung síla’y nakaharap na kay Danilo. PUSO * ALTA PRESYON * TUBERCULOSIS * ASMA DR. MANUEL C. GUZMAN M. D. lrq-PTTCTALISTA AT CERTIFICADO NG U.S.A St Tondo. Manila - 4-7 P.M. DR. V. G. LOPEZ Tuberculosis—sakit na lihim—sa balat at anumang karamdaman sa loob ng katawan. Libre ang Pasilip sa X-Ray tuwing Lunes, Sabado at Linggo ng umaga. Mo y * silid pribado paia sa mga taga-lalawigan. Rm. 208 Margarita David Bldg. Rizal Av©., Kanto ng Azcarraga Tel. 3-83-f 7 —Lalong mabuti kung maplpU lit mong ikaw ay maiyak, at nang lalong man!wala' ang iyong daddy, —wika pa nl Nena. —Magagawa ko, mammy-... Kayang-kaya ko ang mag-iyakiyakan... Puwede akong artista, mammy. •. —may pagmamagaling namang sagot ng anak. —Magaling... Huwag mo lamang kalilimutan ang mga itinuro ko sa iyo, na dapat mong sabihin ... Ako na ang bahala sa huli, —nagagalak namang wika ng ina. Nataunan nilang wala namang maramirig ginagawa si Danilo, nang sila’y dumating. Napansin agad ni Danilo ang nangingitim na mata at ang may plnsalang bisig ni Laura. —Ano ang nangyari sa iyo.. • ? Bakit ka nagkaganyan... ? —nagtatakang tanong ni Danilo. —Iyan ang dahilan kung bakit kami naparito agad, Danny, at hindi ko na nahintay na dumating ka pa sa bahay, upang maibalita ko sa iyo ang nangyari sa aking anak, — biglang sagot ni Nena, na kusang pinalungkot ang tinig, habang kinukusot ang mga mata sa pagsasalita. —0, e, paano nga ang nangyari ... ? Si Laura na ang sumagot na sinabayan ng iyak. —-Daddy, pihagtulung-tulungan ako roon ng mga nag-aaral at ng mga madre... —Pinagtulung-tulungan? Bakit naman hndi mo inalam agad Nena, kung ano’t ginayon nila ang iyong anak...? —ullt na tanong ni Danilo. —Sa bahay na aagpunta ang dalawang madre, na kasama si Laura, kangina... Akalain mong ang anak ko pa ang pinalilitaw na masama ng dalawang madreng iyon...? At, ang lalong kasak:tsakit, Danny... —ani Nena, na sinimulan na ang pag-iyak, —nang nagpapaliwanagan m kami ng dalawang madre, pagka’t ayaw kong maniwala sa kanilang mga kasinungalfngan, ay sila pa eng kin am pi han ng iyong anak... — patuloy pa ni Nena, na tina pos sa pananangis. Klnagat ni Danila ang kanyang labi. Napabuntong-hininga siya habang nakatanaw sa umiiyak na mag-ina. Pagkatapos na dampian ni Nena ng mabangong panyolito ang luha sa mga pisngi niya, ay saka nagsalita uli. —Danny, ang isa pang dahilan ng biglang ipinarito naming magina, ay upang magpaalam na kami sa iyo... —Magpaalam- • • - ? Bakit.... ? Saan kayo pupunta... ? —punungpuno ng pagtatakang tanong ni Danilo. —Wala kaming tiyak na pupuntahan, nguni’t mabuti na ang kami’y umalis kaysa manatili kami sa iyong bahay, upang tumanggap ng masasakit na salita, buhat sa iyong anak... —nananaghoy na tugon ni Nena. —Hindi kita maunawaan, Nena. .. Si Laura naman ang sumagot Nagsalita siyang umiiyak din. —Mangyari daddy, sinabi ni Rosita, kangina na kami Taw ay nabubuhay at lumalamon, sa salaping naiwan ng kanyang namatay nang ina... —Napakasakit, ang nangyayari sa aming mag-ina... Kung kurn akain man kami at kami naman ay dinudusta... mabuti na ang kami’y magpalimos na lamang ng aming kakanin... — sunggab ni Nena, na basag ang tinig dahil sa patuloy na pagiyak, —Daddy, masakit sa aming loob, na ikaw ay aming iwan, nguni’t... Hindi na natapos ang sasabihln ni Laura, sapagka’t napahagulgol na ng iyak, sabay yakap sa kanyang ina. Kagat naman ang labing tatangu-tango si Danilo, habang nakapako ang mga mata sa umiiyak na mag-ina. (ITUTULOY) LUKSANG TAGUMPAY (Buhat sa pahina 11) ikinamatay. Samantala, buhat sa barong-barong ni Anita, sadyang tinungo ni Carding ang tahanan ni Rafael, upang ito’y kausapin at hingan ng pa’iwanag dahil sa ginawang pagbulag kay Anita. Hindi niya na’alaman, samantalang siya'y patungo ruon ay nagaganap ang paglalaban ni Lucy at ni Rafael. Nang siya’y malapit na sa bahay na tutunguhin, masasalubong niya
Date
1956
Rights
In Copyright - Educational Use Permitted