Sa paglipas ng mga sandali

Media

Part of Bulaklak

Title
Sa paglipas ng mga sandali
extracted text
num ío u u 6* • Talagang Maramot Mapanibughuin, Ang Pusong Matapat Sa Ngalang Paggiliw 1NAB1TIWAN NIYA NANe DI SINASADYA AN & t ao l a y NA BANCEHA N(S M<SA PASKAIN. ALAMUKOS ni Chedeng ang hawak na pahayagang kangina lamang ay tinutungnayan ng kanyang asawa at biglang umasim ang mukha niya nang mapadako ang mga paningin sa labas ng kanilang durungawan. Marahan na ipininid ni Chedeng ang bintana. Wala siyang mapagbuntunan ng galit at lihim na paninibugho! Higit pa sa dagundong ng nakatutulig na kulog ang lakas ng kapangyarihang yumayanig sa buo niyang kataühan. Kaypala ay ginigiyagis siya ng di masayod na pangamba. Nakagat na lamang ni Chedeng ang kanyang mga labi at napapikit siya nang mariin. Ibig niyang makalimot! Iwaglit sa isip ang mapait na gunitang nagdudulot sa kanya ng pighati. Aywan niya kung bakit lagi siyang ligalig at kalong ng masalimuot na alalahanin magbuhat nang dumating at magbalik sa pook na iyon si Luding at hangaring mapalapit pa sa mga paningin ni Marcelo. Laging ginigiyagis ng pagkamuhi ang kanyang puso at hindi matimpi ang pagsibol ng poot sa kanyang dibdib, tuwing mapag-uukulan niya ng tanaw at panakaw na mga sulyap ang ba‘gong kalllipat na kapit-bahay. Batid niyang naging katipan ni Luding ang kanyang asawa. at muntik nang magkataling puso kungdi nga lamang nagtaksil ito sa matibay na sumpaang yaon. Malimit na natitigilan si Chedeng at madalas na mapagpakuan ng isip ang mahalagang bagay. —Bakít kaya naisipan pang magbalik na muli, ni Luding, at mamalagi sa pook na iyon pagkatapos ng lahat? Ibig kayang ma(Sun dan sa pahina 32) 32 BULAKLAK Abril 11, 1956 SA PAGLIPAS NG... (Buhaa ts pahiná 27) panumbalik into ang dating pagtitinginan n.la ni Marcelo at, iguho ang matibay na moog na binuklod ng matimyas niljng pagmamahalan matapos na mabatid nito ang pagkakamali? Iilang araw lamang ang nakalilipas magbuhat nang si Luding ay dumating sa pook na iyon. At sa loob nang mga araw na iyan, ay halos nasusukat ni Chedeng ang di matakal na paglibak at upasalang iniuukol kay Luding ng kanilang mga kapook ukol sa pagbabalik na iyon. Batid ng mga taga-roon na ikakasal na lamang ang dalawa; ni Luding at Marcelo^ nang sumama ito sa ibang lalaki. Halos ikabaliw iyon ni Marcelo at malim t itong matagpuang susuray-suray sa lansangan at wala sa kanyang sarili. At ngayon, ay halos tiyak ni Chedeng na magkakaisa sila ng mga palagay at kuru-kuro. Nagbalik si Luding upang akiting muling mapalbig si Marcelo. Hindi malilimot ni Marcelo ang pag-ibig kay Luding, ngayon pa ngang ito’y higit na maganda at kaakit-akit sa kabila ng dati pa ring kalayaan. Nang maullang lubos si Chedeng, at wala namang tanging kamag-anakan sa kanilang lalawigan ay napij^tan siyang lumuwas sa Maynila. Sa pamamagitan ng isang kakilala ay ihinimatong sa kanya na si Aling Tomasa; isang malaon nang kakilala ng kaibigan ni Chedeng, ay nangangailangan ng kawaksi. Malaki ang tahanan ni Aling Tomasa at nag-iisa lamang sa buhay pagka’t ang kaisa-isang anak na binata na musmos pa nang maiwan ng ama. ay isang p:nuno ng hukbong katihan na napabilang sa batalyong ipinadala sa Korea. Ang kabaitan at kasipagan ni Chedeng ay parang balaning nakaakit sa ph'kang damdamin ni Aling Tomasa, kaya sa loob laGALA FASHION ACADEMY 3 Months Summer Course Offered for Teacher & Students! * DRESSMAKING * HAIR CULTURE * EMBROIDEY I 38 Sfa. Mesa Mail coupon for free prospectus Tel. 6-78-18 BAHAY NA HULUGAN Ipagtatayo namin kayo ng bahay no hulagan $a 5-8-10 taong ha!ugan saan man sa buong Luzon sa Interes na 6% at 8%. Kailangan lamang ang titulo ng inyong lote. Dalhin ang tnyong plano o igagawa namin kayo ng piano nang. walang gugoL DE CASTRO CONSTRUCTION BONDED CONTRACTOR Silid 207 David Bldg., Rita I Ave. - konte ng Axcflfyaga ■ ■ nang ng maikling panahong inila?i niya sa tahanang iyon ay nag» kapitak siya sa puso n.to. —Ipagkakapuri kita sa kasipagan at kabaitan, Chedeng.... —Isang araw ay di natimping pahiwat g ni Aling Tomasa. — H.ndi ako nalisya ng tanggapin kita. Para na rin akong nagkaroon ng isang anak na babae. Kaya’t kung sasagi sa isip mo ang paglisan sa tahanang ito’y... hindi kita mapahihintulutan.... —Hangga’t nakasisiya po aa kalooban ninyo ang aking paglilingkod, —ang nasisiyahang wika ni Chedeng, —ay umasa po kayong ako’y mamamalagi na Tito. Liban na po lamang, kung... — At sadvang ibinitin ni Chedeng ang sasabihin pagka’t siya man sa kanyang sarili ay walang katiyakan noon sa magiging kapalaran sa darating na panahon. —Hindi maaaring sumapit ang araw na kinatatakutan mo, Chedeng. —Agaw na ibinadya ni Aling Tomasa sa mabait na dalaga, —pagka’t kung sakali mang sumapit na sa buhay mo ang paghirang ng isang kakasamahin sa buhay, bago iyon maangkin ng iba, —at tinitigan pa ng buong katapatan ang nakayukong dalaga, —ay ako na muna ang unang maghahangad sa iyo para sa aking anak, kay Marcelo. Pagka’t kung mag-aasawa rin lamang siya ay hihiling'n kong ikaw na ang kanyang piliin... Pinamulahan ng mukha si Chedeng. Hindi siya nakahuma at ni isa mang kataga ng pagtutol ay walang namutawi sa kanya. Sa tuwing uuntagin ni Aling Tomasa ang anak na binatang nasa Korea, ay parang may kung anong bagay na bumibik’g sa kanya. Malakas at madalas ang tahip ng kanyang dibdib. Makisig si Marcelo. Iyon ang kaanyuang namamalas ni Chedeng sa larawan ng binatang kawal tuwing mapag-uukulan niya ng pansin iyon sa silid ni Aling Tomasa, kung umagang siya’y nagElinis doon. Malimit na natitigilan ang dalaga. Sa kanyang pa. lagay ay h.git na makisig si Marcelo sa tunay na katauhan. Kung maiibig nga lamang siya ng binata ... kung magiging marapat na nga sana siya sa pagtatangi nitong l.him na pinakaasam niya at iniingatan sa dibdib, disi’y anong l.gaya niya! Subali, tuwing magugunita' niya ang kanyang kalagayan sa tahanang iyon ay parang nakikita niya ang pagkabuhay lamang sa isang magan. dang pangarap na kailanman ay walang katuparan. —Bakit ka umiiyak, Chedeng? —Sa naaaninag na kapagalan ng diwa ay naitanong na minsan ni Aling Tomasa sa dalaga. —May dinaramdam *ka ba?... —Wa-wala po...! —Kaila ni Chedeng. Hindi niya maipahiwatig sa butihing matanda ang kasiphayuang ibig mamahay at lumikha ng gawak sa kanyang dibdib. Hindi niya mawikang iniibig niya ang anak na binata nito. -Sabihing ikamamatay niya kungdi si Marcelo ang maging kapilas ng kanyang puso! Subali, wala siyang karapatan. Ni gahibla mang pagpapahalaga ay hindi ifjya maiangkop ang kanyang sarili kay Marcelo. Alangan siya! Kaipala’y isa lamang siyang utusan... Lalong umagting sa puso ni Chedeng ang nadarama niyang kapagalan nang mabatid kay Aling Tomasa na dumating ang kable ni Marcelo na galing sa Korea. Sinasabi doon na hindi na magluluwat at silang mga kawal na ipinadala sa Korea ay magbabalik na sa kapuluan. Marami ang mga salanta, nangamatay ka'pala sa gitna ng madugong pakikihamok sa gitna ng larangan. Subali, si Marcelo ay ligtas! Hindi matakal ang kaligayahan sa puso ng ina. Ipinagpiging ni Aling Tomasa ang maluwalhating pagbabalik ng kaisa-isang anak na kapitan ng hukbo. Isang malaking salu-salo ang buong dingal na ¡diñaos sa gabing yaon na pagdating ni Marcelo. Maraming panauhin ang nangagsidalo. Mga ka-anak at matatalik na kaibigan ng kanilang angkan. Isinuot ni Chedeng ang pinakamagandang damit niya na sadyang ipinayari ni Aling Tomasa para sa kanya. —Sa ganda mong iyan, Chedeng, ay bulag na lamang ang puso at pandamdam ng aking anak kapag di ka niya napagpakuan ng pansin. —Parirala ni Aling Tomasa, —pihong magugulat si Marcelo pag nakita ka, Pagka’t sa mga liham na ipinadadala ko sa kanya sa Korea, ay ang kagandahan lamang ng iyong ugali at kabaitan ang nababanggit ko sa kanya,. Halos maglumundag sa kagalakan ang puso ni Chedeng. Mak allang ulit na nagpaikut-lkot siya sa harap ng tokador bago pa lumabas ng silid. Hindi man ipahiwat g sa kanya ng matandang habae ang mga papuring iyon, ay ibig niyang maging kaakit-akit siyang talaga. Maging katangi-tangi sa mga paningin ng pinananabikang binata. Subali, ang sigla ni Chedeng ay dagling nanaram. Parang ulap na nagmaliw ang k'slap sa kanyang mga mata nang sumapit ang sandaling pinananabikan niya. Ang lahat ng kanyang pag-asa at pagasam sa isang kaiga-igayang pagtatagpo ay nadama niyang tila lambong na tumabing at nagpakulimlim sa kanya. Hindi na malaya si Marcelo! Matapos itong parangalan at batiin ng kanilang mga panauhin ay inihayag sa madia ang nalalapit na pakikipag-isang dbdib. Naging luksa at mapanglaw kay Chedeng ang gabing iyon. Nala- < laman niyang ang ina man ni Marcelo ay nab gla rin sa ipinagtapat ng bnata. Kaypala ay hlg;t nitong dinamdam ang pagkabatid na hindi na malaya ang puso ng anak. May isa nang higit na pinaglalaanan ito ng pag-ibig! —Sa araw ng am:ng kasal ni Luding,— ang jnas:gla pang wika ni Marcelo, kinabukasang sila’y magkakaharap sa hapag ng agahan, —ay ikaw ang nais kong maging “bride’s maid” namin, Chedeng. .. Parang kirrurot ang puso ni Chedeng. Ibig-ibig na niyang mapabulalas ng panangis. Ipakilala sa mga sandaling iyon na durog ang kanyang puso. Subali, wala siyang lakas. Kaya’t sa pagkukuyom ng sama ng loob ay napatitig na lamang siya kay Aling Tomasa. ABALA si Chedeng sa paghahanda ng hapag, isang araw na. panauhin ni Marcelo ang dilag na di maglalaon at kanya nang masasarili, nang biglang mapak.slot ang dalaga at parang mulalang napatigalgal sa pagkakatayo sa bungad ng pintuan nang makitang magkayapos at magkalapat ang mga labi ng magsing-irog. Nalito si Chedeng. Ang nadarama niya’y ang pait at pagkaunsiyami ng pag-ibig. Nabitiwan niya nang di sinasadya ang taglay na bandeha ng mga pagkain. Hiyang-hiya si Luding sa pangyayaring iyon. Isang makahulugang titig ntfman ang iniukol ni Marcelo sa walang malamang gawing si Chedeng. —Ipagpaumanhin mo sana &nK nasaksihan ng iyong paningin kanglna, Chedeng* • • *”Sabi ni Mar* celo nang mapag-isa na ang dalaga sa bulwagan nang gabing iyon na tila ibig pang mapahiya sa sarili. —A, wala kang sukat alalahanin, Marcelo...! —Pabiglang nai. sagot ni Chedeng sa binata. Nillligalig siya ñg kung anong bagay. Kaypala ay naliligayahan na nga siya kapag kaharap si Marcelo at kausap. Subali, lingid sa kaalaman mag-ina, ay binibilang ni Chedeng ang paglipas ng mga araw. Nalalaman niyang habang nalalapit ang pakikipagisang-dibdib ni Marcelo ay lalu~s¡yang nakadarama ng kirot sa kanyang puso. Ibig niyang takasan ang paggunita sa darating na mga sandaling iyon. At gaano na lamang ang pagkamangha ng lahat, nang isang umaga ay kumalat ang mapait na balita. Si Luding ay sumama sa ibang lalakl! Naurong ang napipintong kasal ni Marcelo. Naging paksa ng lahat ang maalingasngas na pangyayari. Marami ang. nahahabag kay MaTcelo. At higit rin namang marami ang pumupula kay Luding. Halos araw-arawin at magdamagin ni Marcelo ang paglalasing sa “bar”. Ipinaubaya na nito ang pagtahak ng sarili sa kawalang pag-asa. At ang gayón ay malabis na dinamdam ñaman ng kanyang ina. Hindi naglaon at si Aling Tomasa ay dinapuan ng mabigat na karamdaman. Biñawian ito ng buhay at ang tanging habiling iniwan kay Marcelo ay si Chedeng. Si Chedeng ang makapagpapaligaya kay Marcelo... Subali, ang habiling yaon ng yumaong ina ay parang naipaubaya pa rin ni Marcelo sa mga pangyayari. Ang malalim na iwa sa kanyang puso na nilikha ng kataksilap ni Luding ay lumikha pa ng malaking gawak sa kartyang dibdib sa pagyao ng minamahal na ina. —Dinaramdam kong wasakin ang pangako sa iyong ina, Marcelo. .. Lumuluhang basag ni Chedeng sa binata nang nagpapaalam na upang iwan ang pugad na iyon ng ligalig.^v pighati. —Natatap kong hindi ko maaaring idulot sa TANGING HANDOG SA BAKASYON — 20% BAWAS i • MAG-ARAL KAYO SA MALAKI /T TANYAG NA PAARALAN NG ' PANANAHI, pag bu bu r d a, pag k u k u l o t , at pag papag an d a sa AMERICAN HS! I 725 QUEZON BLVD.. CENTER THEATER BLDG.. MAYNILA * TEL. 3-78-14 Kauna-unahang Paaralan sa Moda sa Maynila na binigyan ng Opisyal na I I Pahintulof. TANGING HANDOG—Walang bayad na pagtuturo ng "Flowor I I Making”, "Manicuring'', Embroidery” at "Handicrafts” Ang pagtuturo ay ! sa wikang Ingles, Kastila, Tagalog, Kapampangan, llokano, Bisaya, Bikolano, Pangasinan at iba pa. Makabago, siyentipiko, madali at sunod sa mga pamamaraan sa Europa at Amerika ang pagtuturo. Patuloy Nqayon ANG PAGPAPATALA. Paralan ................. Tira han ........................ (Blk.) .< iyo ang kaligayahan at katiwasayang nilulunggati ng iyong puso, pagka’t wala sa akin ang mga bagay na hinahanap ng iyong mga paningin: —At pagkawika’y mabilis nang tumalikod si Chedeng. Subali, naramdaman na lamang niya ang mahlgpit na pagkakadantay ng mga kamay ni Marcelo sa kanyang mga bisig. Pinipigil siya! Sumasal ang tibok sa dibdib ng . ni Chedeng. —Huwag kang umalis, Chedeng. Huwag mo akong iwan!... — Sumasamo ang basag ding tinig ni Marcelo. —Iniibig kita, Chedeng! Pinakaiibig kita,.. —Halos pabigkas lamang na wika at mabilis na ibinllanggo sa mga bisig ang tila natauhang dalaga at sunud-sunod na halik ang iginawad sa luhaang mga pisngi ni Chedeng. —Marcelo... —Sapat nang marinig ni Chedeng sa mga labi ng binata ang katagang “iniibig kita”, at yaon ay katimbang ng gamundong kaligayahan niya. At nangagsipaglaho ngang lahat ang mga pag-aalinlangan at kapighatian sa buhay ni Chedeng nang tlyakin ni Marcelo ang katotohanang nilimot na nito si Luding. At isang umaga ay nasaksihan na lamang ni Chedeng ang sarili sa kabuuan ng isang tunay na pangarap. Sa isang katedral sa lunsod ay mapayapang idinaos ang kasal nila ni Marcelo. Mali! gayang-maligaya si Chedeng. Wala na siyang mahihiling pa sa Diyos. Pagka’t ang kulimlim na lambong na nakabadha sa kanya ay naging isang maaliwalas na langit. At wala na nga sanang katapusan pa ang mga kaligayahang yaon ni Chedeng kung di siya gilí imbal ng muling pagbabalik ni Luding. —Chedeng?... —Ang malamyoa na tinig na iyon ni Marcelo ang pumukaw kay Chedeng. Lumapit siya sa asawa at iniayos ang uniporme nito. Iyon ang palagiang ginagawa ni Chedeng tuwing urna, gang magbiblhis si Marcelo ng pagtungo sa kampo. Hang araw na ang nakararaan... Tuwing umagang mananaog ng bahay si Marcelo at lululan na lamang sa sariling sasakyang panghukbo ay malimit na napapansin ni Chedeng na kausap-usap ito ni Luding. Minsan ay mauulinigang na lamang niya ang pagpulas ng matamis na hagikgik ni Luding, at si Marcelo ay parang , giliw na giliw naman ng pakikipagniig sa dating katipan. Parang binabayo ang« dibdib ni Chedeng sa matinding paninibugho. Kung di nga lamang pinipigil siya ng kagandahang asal ay nasugod na sana ng panaog si Luding at tatalampaking inaakit nito ang kanyang asawa. Kaya’t sa halip ay lagi na lamang siyang nagpipinid ng bintana upang kahiman lamang sa pamamagitan noo’y maipahiwatig sa kapitbahay ang kanyano- tinitimping galit dito. Hindi nakatulog si Chedeng nang gabing iyon. Sagllt man ay hindi siya nagpipinid ng mga mata. Hatinggabi na ay hindi pa dumarating si Marcelo. Ibig-ibig nang patangay siya sa silakbo ng paninibugho. Hindi naman dating ginagfcbi ng uwi si Marcelo. Tumatawag ito sa telepono at nagpapaabot sabi sa kanya kung nagkakataong may mahalagang panayam ang mga pinuno ng hukbo ukol sa kilusan. At kinabukasan..• Katulad nang dating ginagawa nj av hindi nito kinaligAng 2 tányág na tátak na pamuksa ng lamok, lang aw át iba pang maliliii na hayop. Hindi nakapipinsala sa tao matipid gamitin — ang isang ikid ay tumatagal ng 6 na oras at 30 sandali! P HIL I P P I N E A'lIlED E N T E R P IS F.xS* C O J 4IS1 Lunb P -O. Box HfiOR , : ' . fl • 1 SubuLni nlnyo ngayon Mabibili sa lahat ng baxar Abril 11, 1956 BULAKLAK 33 taang hagkan muna ang kabiyak bago patuluyang umalis. Sinundan ng tanaw ni Chedeng ang nananaog na asawa. At nang makitang lumabas na naman ng sariling bakuran si Luding at magiliw na lumulan pa sa sariling sasakyan ni Marcelo, ay nabuo na nga sa isip ni Chedeng ang paghihinala. Nahuhumaling si Marcelo sa dating katipan. Napahagulgol na Idhiang si Chedeng nang- maglaho sa mga paningin niya ang sasakyan ng asawa. Hindi! Hindi maaar.ng agawin sa kanya ni Luding ang pagmamahal ni Marcelo! Iyon ang isinisigaw ng kanyang budhi. At nang gabi ngang umu^i ng bahay si Marcelo ay hindi nito mapaniwalaan halos ang malaking ipinagbago ng asawa. Namangha si Marcelo. Putol na ang maha, bang buhok ni Chedeng na dati’y aayaw na ipaputul-putol sa napiling kahilingan niyang sumunod ito sa makabagong panahon. Pat* mga labi ni Chedeng ay may pahid na lipstik na hindi naman dating ginagawa nito. Areglado ang kday at... —Talagang malala ang ipinagbago ni Chedeng. Magandang-maganda I —Hindi ba ito ang gusto mong gawin ko? —Untag ni Chedeng nang mapansing takang-taka at di makapaniwala si Marcelo sa pag(Sundan sa pahina 3S) I 38 BULAKLAK Abril 11, 1956 SA PAGLIPAS NG... (Buhat sa pahina 33) kakatingin sa kanya. At hindi naikubli ni Chedeng sa sarili ang pagkayamot sa nakikitang pagpipigil ng tawa ni Marcelo. —Ngavong sundin ko ang hilig mo’y tatawa-tawa ka riyan. • • —Mangyari’y ngayon lamang pumasok sa ulo mo ang pag-aayos? Samantalang matagal nang inuungkat kong gawin mo ang bagay na iyan. —Ani Marcelo at tinit’mping mapabulalas ng tawa. —Ang sablhin mo’y kahit na ako mag-ayos, ay mukhang kata wa-tawa pa rin ako sa iyo! — May hinampong badya ni Chedeng at sinabayan ng mabilis na pagtalikod. Nagdaramdam siya pagka’t hindi nadadalumat man lamang ni Marcelo ang tunay na kahulugan noon. Kung bakit ibig niyang mapaganda ang sarili sa pangmalas nito. Mahigitan ang kariktan ni Luding at ipakilalang siya man ay may katangian ding katulad noon. Sa halip ay pinagtawanan pa siya ng pinaninibughuang asawa. POMADE Panatiliin laging maayos ang inyong buhok. Gumamit ng Pomading "MADAM X . Mabibili ta lahat ng tíndahjn at bazar. Tag apa mahagi: KI KG'S INDUSTRIAL MFGAbcmgcm Ang: TALA SA NAYON Nobela Nú CIRIO GALVEZ ALMARIO Na Isusunod Sa Malapit Nang Matapos Na SAYANG NA LIGAYA Hindi malimi ni Chedeng kung bakit dapat siyang mangamba aa asawa. Wala naman siyang maging sapat na batayan kundi ang nakikitang magiliw na pag-uusap ng asawa at ni Luding at ang pagsakay-sakay nito sa sariling sasakyan ni Marcelo. Simula pa lamang nang dumating si Luding at magbalik sa pook na iyon ay hinanap-hanap na ni Chedeng sa kilos ni Marcelo ang ano mang palagay nito at saloobin sa dating katipan, Hindi at sa halip ay parang walang ano man kay Marcelo ang pagbabalik na iyon ni Luding, na hinihinuha niyang pagtatakip lamang sa tunay na damdamin nito. Nang sumunod na araw ay hindi na nakapagtimpi pa si Chedeng. Malalim na ang gabi ay wala pa si Marcelo. Buo na sa isip ni Chedeng at natitiyak na si Marcelo ay nakikipag-ulayaw sa dating katipan. Ipinalagay niya na ang lalaking malimit na magtungo kina Luding sa mga alanganing oras ng gabi ay walang iba kundi si Marcelo. Matuling nanaog ng bahay si Chedeng. Sinadya niyang .patayin ang lahat ng ilaw sa kabahayan upang huwag maging kapansinpansin ang gagawing hakbang. Matiyak lamang niyang si Marcelo nga ang lalaking iyon na sa palagay niya ay kaulayaw ni Luding, ay ibabalik niyang muli ang dating kalayaan ni Marcelo. Madilim ang buong paligid ng kabahayan nina Luding. Bagama’t malakas ang tahip ng d bdib, ay dahan-dahang masok. ng bakuran si Chedeng at pagkuwa’y maingat na manhik ng bahay hanggang sa makasapit sa loob. Biglang napakislot si Chedeng nang magliwanag ang kanyang paligid at mapatambad siya sa mga paningin ng pinaninibughuang babae. PaTang binagsakan ng bomba si Chedeng. Hindi siya nakahuma at nakakilos sa pagkakatayo. At lalu siyang inalihan ng sindak at pagkagimbal nang tumabad sa kanya na hindi naman pala si Marcelo ang lalaking ipinalalagay niya. Hindi malaman ni Chedeng ang gagawin. Nasa harap siya ng malaking kahihiyan. Lito ang kanyang bait at tangka sanang tatalikod agad, nang... —Hintay! —Maagap na wika ni Lud.ng, at nadama ni Chedeng na tila tumigil ang pintig sa kanyang puso. —Yayamang naririto ka na rin lamang ay mabuti na ngang magkausap tayo. —At walang pangiming hinarap ni Luding ang halos matugnaw sa pagkapahiyang si Chedeng. —Nalalaman ko kung bakit ginawa mo ang kapangahasang ito? Naninibugho ka sa iyong asawa. —At sumilay sa mga labi ang mapait na ngiti, —nagkakamali ka, Chedeng! —At ipinagtapat na lahat ni Luding kay Chedeng kung bakit malimit silang mag-usap at sumakay sa jeep ni Marcelo. -*■ Wala kaming ugnayan ni Marcelo! At hindi ako nagbalik sa pook na ito upang akitin siyang muling umibig sa akin. Nalalaman kong ako ang paksa ng lahat sa ating paligid. At hindi ko sila masisisi sa bagay na dapat nilang iparatang sa akin. Kung anuman ang lakas na nagbunsod sa akin... upang magbalik sa pook na ito’y isang bagay lamang ang tanging masasabi ko, Chedeng... Wala akong tanging ljangad kundi ang manahimik sa buhay, na pagkatapos ng mga pagkakamalnig nagawa ko at pagkapariwa^ra ay nagkapalad pa ring makatagpo ng isang lalaking karapatdapat sa akin. —At napaiyak na si Luding. —Hinahangaan kita, Chedeng, sapagka’t, naidulot mo kay Marcelo arig isang matayeg na pag mamahal. Isa siyang ulirang lalaki na karapat-dapat lamang sa mataas na pagpapahalaga ng isang may malinis na pusong katulad mo. Hindi ko nasang wasakin ang inyong pagmamahalan, Chedeng. . . Si Marcelo ay matapat sa kanyang sinumpaang pagibig sa iyo. At sa kanya’y ikaw lamang ang tanging babae sa kanyang buhay.. Hindi na hinintay ni Chedeng na marinig pa ang ibang sasabihin ni Luding. Sa gitna ng katotohanang iyon at kalituhan ay mabilis siyang tumalikod at kusang napailanlang sa masungit na karimlan. Walang paalam na nilisan niya ang tahanang iyon na nilukuban ng .maitim niyang pagkakamali. Ibig niyang makauwi agad. Ihingi ng tawad kay Marcelo ang maling paratang sa matapat na pagmamahal nito na ibinunsod ng di makatarungang paninibugho. At siya na rin ang magsasabi kay Marcelo na ih ngi ng paumanhin at patawad kay Luding ang maling ipinaratang niya dito. Mauunawaan siya ni Marcelo. Mahal na mahal siya ng asawa at natit yak. niyang ang lahat ng iyon ay maaayos upang huwag nang muli pang maulit ang pagkakamaling iyon. —WAKAS— --------------M sa wakas Ang ACOUSTICON Hearing Aid ay maaaring ipitin sa inyong bulsa. At sa babae ay maaazing ikubli sa buhok sa ulo! Ito ay 60% higit na maliit 40% higit na magaang 60% higit na matagal at mabuting baterya Tanging tagapamahagi: i Tel. 5-30-33 510 Romero Solas Ermita, Manila ASTHMA-TUBERCULOSIS DR. NEMESIO R. CALDERON n a g -e s f 'F.s y a l is t a s a mg a s a n a t o r ia s a Ame r ic a Gumagamot sa pamamagitan ng Aerosol at Pn*jumoperitoneum RJMS OS GARCIA BLDG. 636 RIZAL AVE TEL. 3-77-2S DR. PERFECTO G. MENDOZa ESPESYALIS1A SA MATA. TAINGA, ILONG at LALAMUNAN Nagaanay aa mga Hospital at Universidad ng Alemania Maingat at walang sak.r na op<-ra.‘*,am ng CATARATA «pllak) GLAUCOMA nt NASUGATANG MATA R-201 Laperal Bldg ¿Gl Rizal Ave., Manila DR. G. L1MKAK0 INSTITUTE SA PAGFAPAGAL1NG NG KETONG TB PAGKATUYO NAGING PUNONG MANGGAGAMOT Sz\. CULLON LEPER COLo PjY MABISANG GAMUTAN SA LEPRA AT TUBERCULOSIS MAY 50 TAONG KA RANAS AN SA PANGGAGAMOT Daan—M Paterno _____ 162 Alfonso XIII San Juan, Rizal DR. LEONILO E. FLORES Espesyalista: SAKIT na LIHIM. PAG-IHI, PANTOG at BATO, SAKIT SA BALAT. SAKIT aa D1BD1B. TUBERCULOSIS at HIKA. Karamdaman ng mga BABAE. May Rayos-X at LABORATORYO KLINIKA (Pagsurl ng DUMI. LURA. IHI. DUGO at Iba pao R-v01-302 Mercedes Bldg. Plaza Miranda. Malapit sa Símbahan ng Qulapo ______________ Ora¿r 9:00 A.M. — 7:00 P.M. — Tel. 3-84-64 DR. MANUEL C. FERNANDEZ Eypesyallata so Saklt sa Balat at Pa^gacamot so RAYOS-X Oras: 10-12 n.u. — 4-6 n.h. R^2H Palomo Bldg. Azcarraga Cor. O’Donnel — Office Tel. 3-29-11
Date
1956
Rights
In Copyright - Educational Use Permitted