Pakikipag-usap sa mga bituin

Media

Part of Bulaklak

Title
Pakikipag-usap sa mga bituin
extracted text
72 BULA KLAK AbrjJ H, IMS KAYO ba’y naniniwala sa mga pamahiin? Ako’y hindi naniniwala. Noong araw, naniniwala ako, nguni’t nang maganap sa akin ang isang karanasang hindi ko na malilimet, naaabi ko sa sarili, na hindi pala dapat paniwalaan ang mga pamahiin. Ewan ko rin, maaaring sa ibang araw ay maniwala ako sa pamahiin, kung may mangyarl sa akin, na nagpapatotoong ang pamahiin ay isang tagapagbadya ng darating na k&totohanang magaganap sa buhay ng isang tao. Ganito po ang nangyari. Ako’y malungkut na malungkot noon na nakaupo sa isang likmuan sa aming tahanan sa San Anton. Nagugunita ko ang aking mga pagsisikap sa larangan ng pelikula, na hanggang nang mga sandaling iyon, ay hindi pa nagagantimpalaan. Walang anu-ano’y dumating sa amin si Ramon D’Salva. Si Ramon D’Salva ay tiyuhin ko, at katulad ng inyong alam, siya’y naglilingkod sa Premiere Productions. —Ano, umasenso ka na ba? —tanong niya sa akin. •Malungkot akong napailing. Hala, magbihis ka’t may pupuntahan tayol —Saan? —ang tanong ko. —Basta magih's ka’t’ sumama ka sa akin! Pagkatapos makapag-paalam sa aking ina, at pagkatapos na ako’y pahintulutan, ako’y madaling nagbihis. Nanaog na kami ng aking tiyuhin. Nang lumabas na kami sa pintuan ng ¿aming bahay, at nang tumawid na kami sa daan patungo sa kanyang nakaparadang kotse, isang pusang itim na itim ang kulay, ang biglang tumawid sa aking daraanan. Tinlngnan ko ang aking tiyuhin. Nakatingin din pala siya sa akin. Ang ibig sabihin ng aking tingin ay —“Tutuloy pa ba tayo?” —Tutuloy tayo! Huwag kang matakot sa pusang itim! —sabi ng aking tiyuhin. x —Maias yatang lumakad pag nakasalubong mo ang pusong itim! —Owww, pamahiin lang iyan! Sumakay na kami sa kotse. Hindi ko alam kung saan ako dadalhin. Basta sumunod lang ako sa aking tiyuhin. Iyon pala’y dadalhin ako ng aking tiyuhin kay Dr. Ciríaco Santiago, at irerekomenda sa mga pelikula ng Premiere Productions. Noon ko napatunayang hindi totoo ang mga pamahiin, sapagka’t nang makita ako ni Doc, kaagad na sinabing ako’y kanilang gagawing, bida, kung makikita nilang may kakayahan ako. Isa pa, sinabing “introducing” agad ako sa pel kulang “Unang Halik.” At hindi lamang iyan. Pagkaraan daw ng ilang aTaw ay magbalik ako, at palalagdain na ako sa isang kontratang may bisa sa loob ng isang taon. —Nakita mo na? Sabi ko na’t hindi totoo ang pamahiin! — sabi ng aking tiyuhin. Hindi nga naman totoo, sapagka’t nang umalis ako sa aming bahay, ako’y isang dalagang sawi ang mga pangarap sa buhay. Nguni’t nang ako’y bumalik, taglay ko ang isang kanggit-inggit na kapalarang bihirang makamit ng isang tao.—Sa/riling ealaysay ni Syrt* thia Zamora ng Premiere Productions. PAKIKIPAG-USAP* 5A * AAGA ★ BITUIN Efren Yago, Anos, Tay Quezon — Tutoo po bang asawa ni Dolphy si Gracita Dominguez? Sagot: Wala po sa kanila si Dolphy nang tawagan namin sa telepono. Orlando Casupanan, Florida Blanea, Pampanga — Tanong: Maaari po bang bigyan ninyo ako ng isang larawan ninyo na naka bat h,*ng-suit Miss Carol Varga? Sagot ni Carol: Ayaw ba kayo ng hindi nakasuot Pampailgo? 8ayang wala na ho ako ng hinihingi ninyo eh. Sonny Jarlego, Pandacan, Maynila — Tanong: WMa pt) kayang magalit kung maging magkaibigan kami ni Ike Jarlego? Sagot ni Ike: Wala pa naman akong katipanehl Juanita Nieva, Gumaca, Quezon— Tanong: Nani i liga w po ba si Nestor kay Delia Razon? Sagot ni Delia: Hindi po, aling Juanita, Delia Gonzaga, Tutoo po bang ¿>i Gloria Romero ay may kasintahan na? Sagot ni Gloria: Sino po ba ang nagbalita sa inyo? Luzviminda Adlao, Dinalupihan, Bataan -— Tanong: Saan po ba maaaring sulatan el Romeo Vasquez? Sagot ni Romeo: Sa Sampaguita Pictures po. Zenaida de la Paz, Sampaloc, Maynila — Tanong: Bakit po ba hindi slnasagot ni Nenlta Vidal ang aking liham? Sagot ni Nenita: Natitiyak ba ninyong lumiham kayo sa akin? Bienvenido Turqueza, Upi Cotabato — Tanong Maaari po bang maging kaibigan si Corazon Rivas? Sagot ni Cora: 8a lahat ng oras basta’t walang magagalit sa inyo. Lucrecio Relatado, Phil. Railway Co., Cebu City — Tanong Maaari bang makipagkaibigan kay Oscar Roncal? Sagot ni Oscar: Opo. Luz Paz, Makati, Rizal —Tanong: Wala ho bang apelyido si DolPhy? Sagot ni Dolphy: Mayroon ho bang taong walang apelyido? Quizon po! Angelina de la Cruz, Bulakan, Bulakan — Tanong: Ano po ba ang pangalan ng anak ni Olivia Cenizal? Sagot ni Olivia: Mopet na lamang ang itawag ninyo. (Sun danesa pahina 74) 74 XLAKLAK Abril 11, 1>56 nais ba ninyono LETTY MARCEL Si Letty Marcel ay anak ni Dr. Meni Marcellana, naging direktor ng “Marcel Dentistry & Institute of Hygiene”. Nais sana ng amang sumunod sa kanyang bakas si Letty, subali’t ipinagtapat nitong nais niyang mag-artista. Madalas na sumasama si Letty sa kanyang kapatid na si Connie Marcel, na kasalukuyan noong mang-aawit sa Riviera. Nuon pa ay nakahalubilo na ni Letty ang mga tanyag na bituin sa pinilakang tabing. Pinsan niya si Nida Blanca. Dahil sa laging nakakausap niya ang mga artista ay nagkaroon siya ng adhikaing matulad sa kanila. Humingi ng pahintulot si PAKIKIPAG-USAP SA MGA BITUIN Ida Lozada, Gerona Tarlac—Tanong: Taga saan po ba si Nestor de Villa? Sagot ni Nestor: " Taga Cabanatuan, Nueva Esiha. Angelina Enesario, Cotabato, Cotabato—Tanong: Ano po ba ang tunay na pangalan ni Miss Number 1 at Mister number 1? Sagot: Amalia Fuentes at Juancho Gutierrez. Rebecca Ramos, Tayabas, Manila Tanongpo ba ang tunay na address ng Sampaguita Pictures? City. Sagot: Gilmore, Cubao Quezon Reynita Mayo, Coran, Palawan — Letty sa kanyang ama upang lumabas sa pelikula, subali’t nagpakatanggitanggi -ito, sapagka’t batang-bata pa siya. Nitong making dalaga na si Letty ay pinapag-aral siya sa Premiere Dramatic School- Dito nagkaroon ng pagkakataon si Letty, na makaiabas sa Stage Sh« w sa pagtatanghal din ng Premiere. Pagkaraang magkaroan ng karanasan sa Stage show, binigyan na siya ng pagkakataong maging ekstra sa pelikulang Ha-cha-Cha. Isang araw ay nakita ni Dr. Gervacio Eraña bí Letty, sa pagawit nito sa Manila Hotel, sa pamamahala ng kanyang ama sa sariling banda nito. IniTekomenda nito si Letty nito kay Bading de Leon Eraña, ng LVN. Naging sapat yaon upang bigyan agad siya ng papel sa pelikulang “Filipi no Custom No Touch.” Nakita rin siya ni direktor Felising Constantino, at ipinakilala siya kay donya Sisang. Isang mahalagang papel ang kanyang ginampanan 3a “Talusaling.” Pagkatapos ng pelikulang iyan ay binigyang muli siya ng papel sa “Chaperon,” na p:nagungunahan nina Armando Goyena at Emma Alegre. Hanggang saan kaya makararating si Letty, sa kanyang pagaartista? Walang makahuhula. Maaaring bukas makalawa ay maging isa siyang sikat na bituin. Siya’y maaaring sulatan sá 1612 Herran, Pako Maynila. Tanong: Nagbibigay po ba ng larawan si Nenita Vidal? Sagot ni Nenita: Mangyari pa po, di nawalan ako ng tagahanga kung hindi ko sila bibigyan ng larawan. Ely Tabacon, Surigao-Suarigao — Tanong: Tutoo bang bakla si Dolphy? Sagot: Hindi naman ho... Emiliano Bonita, Tagbac, Camarines Sur: — Tanong: May asawa na po ba si Lydia Montañez? Sagot ni Lydia: Opo. Margarita Badac, Tanong: Saan ho ba ipinanganak si Gloria Romeo? Sagot ni Gloria: Denver, ColoraNarito pa ang mga pangalang ipinadala namin sa mga prodyuser: Marcelo Francisco, Aurora Docdocil, Silverio Bolidoy, Isayas Villarubia, Lolita Lee, Segundino Pecorro, Emily Adraneda, Lydia Villarono, Feliciano Aguinaldo, Samuel Tubera, Ric Querilla, Milagros Garcia, Exequiel Monleon, Benedicto Duran, Maximo Velasco, Cer Sangalang, Conrado Rivera, Eulogio Aquino, Peter Pasenoje, Leoncio Payopay, Solomon Taleno Jr., Natalio Villanueva, Atanacio Pado, Celestina Custodio, Gil Aro, Valentino Palma, Viviane Arago, Ambrocio Villeta, Evelyn Villasis, Dalmacio Jauel, Eliseo Merilo, David Amoroso, Pacita Castro, Rolando Prinsipe, Lelita Walican, Crispin Ramos, Gabriel Venturina, Berlinda Glodoviejo, Ernesto Toguilar, Fidela Muñoz, Julita Melendez, Francisco Reyes, Porfirio Miranda, Herminia Mercado, Lydia Garcia, Ramon Bautista, Aurora Reyes at Cristina Miranda. K U P O N 1 • Pangalan .................................................................. ......... '......... 2- Tirahan ............................................................................................. 3. Babae o lalaki .................................................................. ........... 4. Taas ........................................ Timbang ..................................... 5. Kulay Ng Balat ....................................... Gulang....................... 6. Anong instrumento ang alam ninyong patugtugin? .. 7. Mahusay ba kayong umawit? ....................................................... 8. Anu-anong wika ang nalalaman ninyo? ....................................... 9- Nagkaroon na ba kayo ng karanasan sa paglabas sa pelikula? (Gupitin at lakipan ng piaiakahuli ninyong larawan at ipadaUi sa amin ang kupong ito). do, U S A. po. Basahin sana ninyo ang kasaysayan ko na lumabas dito sa Bulaklak. Fe Espino, Rizal Ave., Manila — Tanong: Hindi kaya magalit si Nenita Vidal kung sulatan ko si Manding Claro? Sagot ni Manding: Kay Nenita ninyo itanong iyan. F. Villares, R. CamaTies Sur — Tanong: Maaari po bang makahingi ng larawan kay Edna Luna? Sagot ni Edna: Yaon lamang pala eh. B. L. Amon, Gumaca, Quezon — Tanong: Ano po ba ang hinahanap na katangian ni Teresa Gallardo sa isang lalaki? Sagot ni Teresa: Siyempre, yaong mabait. Felisicimo Estrada, Dulag, Labrador, Pangasinan — Tanong: Wala po ba kayang magagalit kung ligawan ko si Nida Blanca? Sagot ni Nida: Baka ho magalit ang katipan ninyo, eh. Cecilia Magayaner, Daraga, Albay — Tanong: Saan poba maaaring sulatan si Nelly Baylon? Sagot ni Nelly: Sa Sampaguita Pictures po. Cristina Simon, Anacleto Sta. Cruz, Manila — Taos-puso kong binabati si Gloria Romero dahil sa pagsapit ng kanyang maluwalhating kaaTawan at nawa’y manatili siyang maganda at mabait. Sagot ni Gloria: Kay sarap namang pakinggan ang inyong isinulat, aling Cristina. Lilia Basco, Daraga Albay — Tanong: Ano po ba ang pelikulang ginagawa ni Carol Varga? Sagot ni Carol: Ang “Santa Lucia” at panoorin ninyo ho. Leticia Novales, Calapan, Mindoro — Tanong: Ilang taon po si Nenita Vidal? Sagot ni Nenita: Labing apat po. Eleuterio Putong, Acoje Mines — Tanong: Mabait po ba si Corazon Rivas? Sagot ni Cora: Mabait na mabait po ako, may ipinag-aalinlangan ba kayo sa aking kabaitan? Demy Folores, Roxas City —Tanong: Ano po ba ang tunay na ' pangalan ni Luis Gonzales? Sagot ni Luis: Luis Mercado po, magandang pangalan hindi hu ba? Glicerio Quiriquito, Binubusan, Lian, Batangas — Tanong: Tutoo po bang hfryalay na sina Arsenia Francisco at Jose Padilla, Sagot ni Senyang: Gaya po nang nalathala na sa mga babasahin?
Date
1956
Rights
In Copyright - Educational Use Permitted