Mga bagong mukha (Letty Marcel)

Media

Part of Bulaklak

Title
Mga bagong mukha (Letty Marcel)
extracted text
74 XLAKLAK Abril 11, 1>56 nais ba ninyono LETTY MARCEL Si Letty Marcel ay anak ni Dr. Meni Marcellana, naging direktor ng “Marcel Dentistry & Institute of Hygiene”. Nais sana ng amang sumunod sa kanyang bakas si Letty, subali’t ipinagtapat nitong nais niyang mag-artista. Madalas na sumasama si Letty sa kanyang kapatid na si Connie Marcel, na kasalukuyan noong mang-aawit sa Riviera. Nuon pa ay nakahalubilo na ni Letty ang mga tanyag na bituin sa pinilakang tabing. Pinsan niya si Nida Blanca. Dahil sa laging nakakausap niya ang mga artista ay nagkaroon siya ng adhikaing matulad sa kanila. Humingi ng pahintulot si PAKIKIPAG-USAP SA MGA BITUIN Ida Lozada, Gerona Tarlac—Tanong: Taga saan po ba si Nestor de Villa? Sagot ni Nestor: " Taga Cabanatuan, Nueva Esiha. Angelina Enesario, Cotabato, Cotabato—Tanong: Ano po ba ang tunay na pangalan ni Miss Number 1 at Mister number 1? Sagot: Amalia Fuentes at Juancho Gutierrez. Rebecca Ramos, Tayabas, Manila Tanongpo ba ang tunay na address ng Sampaguita Pictures? City. Sagot: Gilmore, Cubao Quezon Reynita Mayo, Coran, Palawan — Letty sa kanyang ama upang lumabas sa pelikula, subali’t nagpakatanggitanggi -ito, sapagka’t batang-bata pa siya. Nitong making dalaga na si Letty ay pinapag-aral siya sa Premiere Dramatic School- Dito nagkaroon ng pagkakataon si Letty, na makaiabas sa Stage Sh« w sa pagtatanghal din ng Premiere. Pagkaraang magkaroan ng karanasan sa Stage show, binigyan na siya ng pagkakataong maging ekstra sa pelikulang Ha-cha-Cha. Isang araw ay nakita ni Dr. Gervacio Eraña bí Letty, sa pagawit nito sa Manila Hotel, sa pamamahala ng kanyang ama sa sariling banda nito. IniTekomenda nito si Letty nito kay Bading de Leon Eraña, ng LVN. Naging sapat yaon upang bigyan agad siya ng papel sa pelikulang “Filipi no Custom No Touch.” Nakita rin siya ni direktor Felising Constantino, at ipinakilala siya kay donya Sisang. Isang mahalagang papel ang kanyang ginampanan 3a “Talusaling.” Pagkatapos ng pelikulang iyan ay binigyang muli siya ng papel sa “Chaperon,” na p:nagungunahan nina Armando Goyena at Emma Alegre. Hanggang saan kaya makararating si Letty, sa kanyang pagaartista? Walang makahuhula. Maaaring bukas makalawa ay maging isa siyang sikat na bituin. Siya’y maaaring sulatan sá 1612 Herran, Pako Maynila. Tanong: Nagbibigay po ba ng larawan si Nenita Vidal? Sagot ni Nenita: Mangyari pa po, di nawalan ako ng tagahanga kung hindi ko sila bibigyan ng larawan. Ely Tabacon, Surigao-Suarigao — Tanong: Tutoo bang bakla si Dolphy? Sagot: Hindi naman ho... Emiliano Bonita, Tagbac, Camarines Sur: — Tanong: May asawa na po ba si Lydia Montañez? Sagot ni Lydia: Opo. Margarita Badac, Tanong: Saan ho ba ipinanganak si Gloria Romeo? Sagot ni Gloria: Denver, ColoraNarito pa ang mga pangalang ipinadala namin sa mga prodyuser: Marcelo Francisco, Aurora Docdocil, Silverio Bolidoy, Isayas Villarubia, Lolita Lee, Segundino Pecorro, Emily Adraneda, Lydia Villarono, Feliciano Aguinaldo, Samuel Tubera, Ric Querilla, Milagros Garcia, Exequiel Monleon, Benedicto Duran, Maximo Velasco, Cer Sangalang, Conrado Rivera, Eulogio Aquino, Peter Pasenoje, Leoncio Payopay, Solomon Taleno Jr., Natalio Villanueva, Atanacio Pado, Celestina Custodio, Gil Aro, Valentino Palma, Viviane Arago, Ambrocio Villeta, Evelyn Villasis, Dalmacio Jauel, Eliseo Merilo, David Amoroso, Pacita Castro, Rolando Prinsipe, Lelita Walican, Crispin Ramos, Gabriel Venturina, Berlinda Glodoviejo, Ernesto Toguilar, Fidela Muñoz, Julita Melendez, Francisco Reyes, Porfirio Miranda, Herminia Mercado, Lydia Garcia, Ramon Bautista, Aurora Reyes at Cristina Miranda. K U P O N 1 • Pangalan .................................................................. ......... '......... 2- Tirahan ............................................................................................. 3. Babae o lalaki .................................................................. ........... 4. Taas ........................................ Timbang ..................................... 5. Kulay Ng Balat ....................................... Gulang....................... 6. Anong instrumento ang alam ninyong patugtugin? .. 7. Mahusay ba kayong umawit? ....................................................... 8. Anu-anong wika ang nalalaman ninyo? ....................................... 9- Nagkaroon na ba kayo ng karanasan sa paglabas sa pelikula? (Gupitin at lakipan ng piaiakahuli ninyong larawan at ipadaUi sa amin ang kupong ito). do, U S A. po. Basahin sana ninyo ang kasaysayan ko na lumabas dito sa Bulaklak. Fe Espino, Rizal Ave., Manila — Tanong: Hindi kaya magalit si Nenita Vidal kung sulatan ko si Manding Claro? Sagot ni Manding: Kay Nenita ninyo itanong iyan. F. Villares, R. CamaTies Sur — Tanong: Maaari po bang makahingi ng larawan kay Edna Luna? Sagot ni Edna: Yaon lamang pala eh. B. L. Amon, Gumaca, Quezon — Tanong: Ano po ba ang hinahanap na katangian ni Teresa Gallardo sa isang lalaki? Sagot ni Teresa: Siyempre, yaong mabait. Felisicimo Estrada, Dulag, Labrador, Pangasinan — Tanong: Wala po ba kayang magagalit kung ligawan ko si Nida Blanca? Sagot ni Nida: Baka ho magalit ang katipan ninyo, eh. Cecilia Magayaner, Daraga, Albay — Tanong: Saan poba maaaring sulatan si Nelly Baylon? Sagot ni Nelly: Sa Sampaguita Pictures po. Cristina Simon, Anacleto Sta. Cruz, Manila — Taos-puso kong binabati si Gloria Romero dahil sa pagsapit ng kanyang maluwalhating kaaTawan at nawa’y manatili siyang maganda at mabait. Sagot ni Gloria: Kay sarap namang pakinggan ang inyong isinulat, aling Cristina. Lilia Basco, Daraga Albay — Tanong: Ano po ba ang pelikulang ginagawa ni Carol Varga? Sagot ni Carol: Ang “Santa Lucia” at panoorin ninyo ho. Leticia Novales, Calapan, Mindoro — Tanong: Ilang taon po si Nenita Vidal? Sagot ni Nenita: Labing apat po. Eleuterio Putong, Acoje Mines — Tanong: Mabait po ba si Corazon Rivas? Sagot ni Cora: Mabait na mabait po ako, may ipinag-aalinlangan ba kayo sa aking kabaitan? Demy Folores, Roxas City —Tanong: Ano po ba ang tunay na ' pangalan ni Luis Gonzales? Sagot ni Luis: Luis Mercado po, magandang pangalan hindi hu ba? Glicerio Quiriquito, Binubusan, Lian, Batangas — Tanong: Tutoo po bang hfryalay na sina Arsenia Francisco at Jose Padilla, Sagot ni Senyang: Gaya po nang nalathala na sa mga babasahin?
Date
1956
Rights
In Copyright - Educational Use Permitted