Saligan ng wikang Pilipino

Media

Part of Philippine Educator

Title
Saligan ng wikang Pilipino
Creator
Cruz, Ines C.
Language
English
Source
Philippine Educator, XII (3) August 1957
Year
1957
Subject
Filipino language usage
English language—Grammar
Native language
Rights
In Copyright - Educational Use Permitted
Fulltext
Saligan Ng Wikang Pilipino A NG wikang Tagalog, na pinagbatayan ng wikang Pilipino ay itinakda ng mga pangyayari upang siyang kumatawan sa lahat ng wikang katutubo rito sa Pilipinas at tanghaling saligan ng wikang pambansa. Ang wikang ito'y ipinalagay nang isang wikang lumalaganap dito sa Pilipinas, kundi man pambansang wika, noon pa mang panahon ng mga panunuklas at pandarayuhan ng mga taga-Europa. Isang paring kastila,-si Padre Chirino, ang nagsabi sa kanyang pahatidulat sa Roma noong taong 1613, na dito sa Pilipinas ay may isang wikang ginagamit at nauunawaan ng mga tao magbuhat sa hilagang Luzon, doon sa mga pulo ng Babuyan, hanggang sa timog ng Mindanaw, doon sa lapit-lapit na pulo ng Basilan.1 Sa kasalukuyan, sino ang hindi maniniwala kung sasabihing ang wikang Tagalog na siyang saligan ng wikang Pilipino ay sadyang pinagpala ng kalikasan, ng panahon, at ng mga pangyayari. · Sa madaling sabi ay pinagkalooban ng biyaya ni Bathala upang tanghaling pinakataJ!lpok sa lahat ng wika dito sa ating bansa. Ang wikang ito'y siyang itinakda upang bumuklod sa mga Pilipino sa iisang damdamin at pag-uunawaan. Ito ay labis na na ting batid. Kungmagkaminsan nga lamang ay may mga taong higit pang napapansin ang butas ng karayom kaysa butas ng palakol. 0 kaya'y dahil sa tinatawag na amorpropyo kaya't hindi matanggap ang isang katotohanan. Kalikasan ang nagtadhana na Tagalog ang maging wika sa Lunsod ng Maynila, ang lunsod na pinagdarayo at nilulunggating marating ng lahat. Ang wikang Tagalog ay sasapit din sa isang kasaysayang tulad din ng pinagdaanan ng wika ng mga Ingles, ayon sa kasaysayan. Ang wikang Ingles ng lumipas na ika-5 daantaon (5th century) bago nagkatawang-tao si Kristo ay hindi ang Ingles ng Inglatera ngayon. Nang panahong yaon · daw, at maging nang ika-12 daantaon, ang mga Ingles ay walang wikang pambansa. Sila ay gumagamit ng iba-ibang wika. May wika para sa mga karaniwang tao, at mayroon namang pampamahalaan at pangmaharlika. Ang kasalukuyang pambansang wika ng mga Ingles ay nagmula sa lunso.,d ng Londres (London) na siyang wika ng mga karnri.i.wang tao. Dahil sa pagiging sentro ng lunsod na 1 Verzosa, Paul - The Filipino National Language (a pamphlet) p. 3 AUGUST, 1957 Ni Ines C. Cruz ito, at pagkakalagay sa isang mabuting lagay sa heograpiya, ang wikang ginagamit ng rqga karaniwang tao sa lunsod na ito ay nagkaroon ng mabuting pagkakataong magpalipat-lipat sa maraming bibig, sa mga kalapit-purok, bayan at mga pulo, hanggang sa ito'y tan.ggaping wika ng buong Inglatera, isang wika ng bansa. Tulad ng Londres, ang Maynila ay pangunahing Lunsod sa Pilipinas. Ito ang lunsod na laging nangunguna sa lahat ng kaunlaran, sa makabagong moda at kabihasnan, sa politika at industriya, sa kultura at sibilisasyon. Ito ang lunsod, na tulad sa sumisikat _na araw, ay nagsasabog sa buong paligid ng Pilipinas ng maningning na silahis, at naghahasik ng kabihasnan at ng kultura. Ang Tagalog na siyang wika sa Maynila, tulad din ng Ingles, ay madaling lalaganap. Tulad ng agos ng tubig ang wikang ito'y magpapatuloy sa pag-unlad hanggang sa maging palasak sa buong Pilipinas. Hindi ba isang katotohanan na tayong mga tagalalawigang di-tagalog ay nagtutungo sa Maynila bilang estudiyante, mangangalakal, manggagawa, mambabatas, o kaya'y kawani sa mga tanggapan? Sa ilang araw, linggo, buwan, at taong ipamalagi nating lahat sa lunsod ng Maynila ay hindi ba natututo tayong magsalita ng wikang ginagamit ng mga tagaroon? Samantalang tayo'y naninirahan sa Maynila ay ginagamit natin ang wikang Tagalog sa mga pamilihan, tindahan, sasakyan, at kung magkaminsa'y sa tanggapan at mga paaralan, kahit na noon pa mang bago maitakda ang wikang pambansa. Kung ang isang Ilukano at isang Bisaya, 0 Bikolano ay magkatagpo sa isang pagawaan sa Maynila, karaniwang gumagamit sila ng Tagalog upang magkaunawaan sapagka't hindi sila marunong ng Ingles. Sa mga pamilihan, hindi ba karaniwan na ang isang Ilukano ay magsalita ng Tagalog sa kanyang mga pamimili o pagbibili? Ang isang utusang Ilokano sa tahanan ng isang Tagalog o Bisaya ay hindi ba gumagamit naman ng Tagalog sa kaniyang mga pakikipag-usap? Sa pagbabalik ng mga tagalalawigan sa kani-kanilang pook o bayan, sa ayaw man nila o sa ibig, ay taglay na nila ang binhi ng wikang Tagalog, kaya't kung magkaroon sila ng pagkakataong makatagpo ng mga taong nagsasalita ng Tagalog ay may-kasanayan na silang makipag-usap. Ang wikang ito'y palagian nang tataglayin ninuman sa pagbabalik sa kanyang bayan buhat sa Maynila. PAGE 35 Nang kasalukuyan namang pinag-aaralan ng mga kagHwad ng Surian ng Wika ang paghirang sa isang katutubong wikaing magagamit na saligan ng wikang pambansa, ay natuklasan nilang ang wikang Tagalog ay higit na linang kaysa Iloko, Bisaya, Bikol at iba pang wikang katutubo noon pamang mga unang panahon ng mga Kastila. Sa tulong ng ilang paring mapag-aral ay nagkaroon ng mga aklat tungkol sa wikang Tagalog. Sa mga ito'y mababanggit ang mga sumusunod: I. Limang Akda ukol sa Gramatika: 1. Arte y Regla de la Lengua Tagala ni Pari Blancas de San Jose na ipinalimbag ni Tomas Pinpin noong 1610. ,, 2. Compendia del Arte de la Lengua Tagala ni Pari Gaspar de San Agustin na lumabas noong 1703. 3. Arte de la Lengua Tagala y Manual Tagalog na nalimbag noong 17 45. 4. Ensayo de Gramatica Hispano Tagala ni Pari Toribio Miguella, 1858. 5. Nueva Gramatica Tagalog Teoretico ni Pari Juan Curia, 1872. II. Limang Akda ukol sa Talasalitaan: 1. Manual de la Conversacion Familiar HispanoTa.galog, Siguido de un Curso Vocabulario de Modismo, Manilafios ni T. M. Abella. 2. Vocabulario de la Lengua Tagala ni P. de San Buenaventura, 1613. 3. Voca!mlario de la Lengua nina Pari Noceda at Pari San Lucar na Kapwa Hesuwita, 1754. 4. Nllevo Diccionario Manual Espanol-Tagalog ni Pedro Serrano Laktaw, 1889. 5. Diccionario de Terminos Communes TagalogCastellano ni Pari Juan Curia, 1869. III. Mga Akda.ng Nauukol sa Literatura: 1. Mga Akdang Nauukol sa Pagtula - Arte Poetico Tagalo,q ni Francisco Buenconcillo, 170-3; Estilo Poetico ni Toribio Miguella, 1895. 2. Mga Sanaysay - Tandang Basia Makunat ni Pari Bustamante, 1885. - 3 . Mga Pahayagan - El Pasig, 1892; Diariong Tagalog, 1882; Pliegong Tagalog, 1896.2 Tunay rin namang ang mga ibang wika rito ay napag-ukulan ng pag-aaral, subali't ang pagkalinang ay hindi gaanong naging malawak. Halimbawa, ang mga Ilokano ay may maipagmamalaking Arte de la Lengua Iloca ni Pari Francisco Lopez noong 1637 at Vocabulario de la Lengua Ilocano ng pari ring nabanggit. Mayroon ding Epiko, ang Biag ni Lam-ang, na bagama't hindi maipapantay sa Florante ay nagsasaad naman ng kultura ng mga Pilipino noong daantaon 17 (17th century)~. ~ Alejandro-Pineda - Ang Panitikang Pilipino. Bookman Inc .. Manila 1950, pp. 15-82 3 Idem pp. 188 ff PAGE 36 Ang mga Bisaya ay may Vo ca bulario de la Lengua Visaya ni Anselmo Avancena, isang Filipino (1711), at mayroon din silang "Lagda" na tulad ng Urba1w at Felisa ni P.ari Modesto de Castro, 1865.4 Anupa't sa pag-aaral na ginawa ng Surian ay lumabas na tanging sa wikang tagalog lamang masusumpungan ang kalinangang kinakailangan sa pagbuo ng isang wika para sa bansa. Kaya't sa mungkahing iniharap sa Kagalang-galang M. L. Quezon, Pangulo ng Pilipinas sa panahong yaon, ay itinagubilin ng Surian na ang Wikang Pambansang bubuuin ay sa wikang Tagalog ibatay sapagka't ito'y siyang wikang nagtataglay ng higit na kalinangan. Ang wikang Tagalog ay isang wikang lalong malaganap. Sa kasalukuyan, ang gumagamit ng wikang ito bilang katutubong wika (native language) sang-ayon sa senso noong 1948 ay hindi kukulangin sa 3,730,028. Ang kabuuan naman ng mga mamamayang nakapagsasalita ng wikang ito ay hindi kukulangin sa 7,126, 913, mahuli-huli lamang ng kaunti sa Ingles (29,507) pagkat ang gumagamit ng Ingles ay may 7,156,420.5 Ang wikang Tagalog ay hindi rin naman gaanong naiiba sa wikang Iloko, o sa iba niyang mga kapatid na wika. Sang-ayon sa isang talang minsa'y inilathala sa magasing panlinguhan ay sinasabi ang ganito.6 "The dift'erence of Tagalog lexicon from other principal languages in the Philippines being only that of variations in pohentics and geographic situation. Tagalog differs from Bisaya, Ilokano and Pangasinan by 30 % ; from Bikol by 25 % ; from Pampango by 20 '/o ; and from Magindanao and lgorot by 35 % . All Philippine Languages differ from Spanish by 90% and from English _by 100%.''7 Upang mabatid ang tunay na pagkakaugnay ng wikang Tagalog at ng Iloko, isang guro sa I Baitang (Grade I) sa sangay ng La Union ang noong 1949 ay gumawa ng isang pag-aaral tungkol sa mga talasalitaang kanyang itinuturo. Sa may 800 talasalitaang gamit sa I Baitang ay lumabas na 70% ang kung hindi man tiyak na magkatulad sa baybay at katuturan ay nakakahawig naman sa himig o tunog. Dahil sa higit na pagkakahawig ng Tagalog sa kanyang ibang kapatid na wika ay matitiyak na ang Tagalog ay madaling matutuhan. '· Isa pang katangiang taglay ng wikang Tagalog ay ang higit na kayamanan nito. Lahat ng tanyag na wikang katutubo rito ay mayayaman din pagka't kapatid na wika ng Tagalog at pawang buhat sa iisang inang-wika, ang Tagala na Kabilang sa Malayo - 4 Idem 11 214 ff 5 Statistics Handbook of the Philippines-1952; Bureau Census. ' 6 Idem & Statistics-Manila p. 13 7 "Dialectic Differences" - L. P. Lopez translated by P. Verzosa-The Sunday Times Magazine Vol. IX; No. 83, Nov. 8, 1953 p. 15 THE PHILIPPINE EDUCATOR Indonesya,3 nguni't sa Tagalog nasumpungan ng Surian ang higit na kayamanan. Ang kayamanang i to'y hindi lamang sa pagka-kaakma ng mga salita tulad ng natuklasan ni Wilhelm V. Hunboldt, isang bantog na pantas-wikang aleman. Ang wikang ito'y mayaman din sa pag-uukol ng mga kataga sa mga kilos, galaw, amoY. at iba pa. Halimbawa, sa salitang tumingin ayon kay Sofronio Calderon, kung ang ibig sabihin ay: tumingin sa itaas, ang wiwikain ay tumingala tuJllingin sa ibab~, ang wiwikain ay tumungo tumingin sa palibot, ang wiwikain ay lumingap tumingin sa likuran, ang wiwikain ay lumingon tumingin sa malayo ang wiwikain ay tumanaw tuminging saglit ang wiwikain ay sumulyap tuminging pasenyas ang wiwikain ay kumindat tumingin na may kabalasikan, ang wiwikain ay mandilat o manlisik9 Sa isang salitang-ugat nama'y kay-raming pagbabagong-anyo at katuturan ang nalilikha sa tulong ng panlapi. Halimbawa, ang salitang bili. Sa tulong ng panlapi, ito'y mapagbabagong-anyo at katuturan nang may walumpu't apat na paraan. Ilan sa mga ito ay bili, binili, ma~ibili, pabili, ipagbili, bili-bilihan, ibili, ipinamili, atb. Sa wikang Tagalog ay masusumpungan din ang lahat ng diing (stress) kinakailangan upang mabigyan ng hustong bigkas ang salita. Ang malumay, mabilis, malumi, maragsa, mariin at mala-aw, bagaman taglay ng wikang Bisaya at Biko!, ay di masusumpungang lahat sa wikang Iloko. Sa Iloko ay tatatlo ang diing ginagamit ang malumay, ang mabilis at ang malaw-aw lamang. Mga tagaibang lupa na rin ang nagsasabi na maganda, magalang, matamis, magiliw, at puno ng talinhaga ang wikang Tagalog. Kung makikipagusap sa di man kilalang tao ang pagtatanong ay hindi ibinibigay sa una o ikalawang panauhin, kundi !aging pangatlo. Halimbawa: "Sino. po ba sila ?" at hindi "Sino ka ba ?" "Sino ka ?" "Sila po ba ay si G. Lopez?" at hindi "Si G. Lopez ka ba ?" o "Ikaw ba ay si G. Lopez?" "Manhik po sila,'' at hindi "manhik ka." Ang tamis, lambing, talinhaga at pagpipitagan ay mapapakinggan naman sa mga sumusunod: Isang Paanyaya Hoy! tagaibang bayang giliw, Halika muna rini sa amin; 8 Websters International Dictionary, Merriam Co., U.S.; Second gdition p. 336 AUGUST, 1957 Kung wala mang ulam at kanin, May hitso namang ngangangain. Sa mga patalinhaga naman ay ito: Kasiyahan at mabuting kaugalian sa pamumuhay: "Sakaling wala ka, matutong maghintay, Hu wag ugaliing mayroon araw-araw; Ikaw ay lumayo sa pagkakautang, At kahiya-hiyang mabuhay sa hiram." Umaga, pagsikat ng araw: "Naliligo sa liwayway ang dilim ng lupa't langit, Umaapaw sa liwanag ang lawak ng himpapawid. Ang amihan sa ibabaw ng dagat ay bumabalik, Naghahatid sa halaman ng hamog na malamig." Kataasan at ~palaluan: Ang yamang salapi'y pinggang babasagin, Paglagpak sa b~to'y abang pamantingin. Karunungan : Ang dunong ay higit sa yamang salapi Pagka't natatago na may pitong susi.10 Sa madaling sabi ay hinirang ang wikang Tagalog upang maging saligan ng wikang pambansa ng mga Pilipino dahilan sa ilang mga katangiang taglay ng wikang ito, tulad ng: 1. Pagkakaroon ng isang mabuting lagay. (Good Geographical location). 2. Pagkakaroon ng higit na kalinangan sa gramatika at literatura. (Well developed grammar and literature). -3. Pagiging madaling pag-aralan dahil sa malapit na pagkakaugnay sa ibang wika natin. (Ease of Learning) 4. Pagiging mayaman sa talasalitaan at pamamaraan ng pagpapahayag. (Wealth in vocabulary and Phraseology or expression). 5. Pagtataglay nito ng paraan ng pagpapahayag na matamis at magiliw pakinggan. (Sweet, beautiful and figurative expressions.). Ang wika nga ni Padre Chirino: "Sa wikang Tagalog ay nasumpungan ko ang mga katangian ng apat na pangunahing wika ng sangkatauhan; ang hiwaga ng Ebreo, a,ng kadaglian ng Griyego; ang yaman at ganda ng Latin; at ang pitagan ng mga Kastila."11 9, 10 & 11 Calderon, Sofronio, Ang Yaman ng Wilmng TaIJa/og; Nat. Lang. Inst. Publication, Manila Vol. IV; No. 14.Tanuary 1939, pp. 27, 30-32, 33 Notes gathered from the class in Philippine Linguistic under Mrs, V. Ganiesa Mendoza. PAGE 37