Ang pananagalog ni Balagtas sa Florante at Laura

Media

Part of The City Gazette

Title
Ang pananagalog ni Balagtas sa Florante at Laura
Creator
Santos, Lope K.
Language
Tagalog
Source
Volume II (Issue no. 5) March 1, 1943
Year
1943
Subject
Literary discourse analysis
Filipino poetry
Filipino poets
Balagtas, Francisco,1788-1862
Florante at Laura (Poetry)
Rights
In Copyright - Educational Use Permitted
Fulltext
Ang Pananagalog ni BALAGTAS sa ''FLORANTE. AT LAURA'' Ni LOPE K. SANTOS Sa 1 m~a dakilang katangian ng kathangtulang "Florante at Laura", ilan ang may kaugnayan at makukuhang patakaran sa paglutas ilg isang mabigat na suliranin ng kasalukuyang pananagalog. Ang sfiliraning ito'y nauukol sa paglilinang, pagpapayaman at pagpapalaganap ng Wikang Tagalog, na, bukod sa wikang pambansa na, ay pampamahalaan pa ngayon. Alin ang !along marapat na paraan sa manatili tayo sa panghihiram na lamang sa mga wikang banyaga, o lumikha kaya ng mga sariling salitang maitatawag sa mga bagay na wala pang pangalang talaga sa ating wika? Ito ang suliranin. At dito n'.ga maaaring patakaranin ang pananagalog ng Dakilang Makata. Ang awit na "Florante at Laura" ay mahigit nang isang daang taon ngayon sapul nang sulatin .ni Francisco Baltazar. Bagaman hangga ngayo'y di pa natutuklasan ng mga mananaysay ni Balagtas ang tiyak na taon at tiyak na bayan kung kailan at saan sinulat nito ang tinurang Awit; datapwa, kumulang-humigit, ay napagsisiya nang dito sa Maynila ginawa at di sa lalawigan ng Bataan, na gaya nang wari'y ibig palabasin, nang pakabfg, ng isa 0 dalawang mananaysay na tagalalawigang nasabi. At maitatakda na ring ang pagkakasulat ay nengyari sa loob o pagitan ng mga . taong 1838 at 1840, habang ang gulang noon ng Dakilang Makata ay lumabas-pumasok sa 51 ta6n. Ang palasak na pananagalog nang mga panah6ng iy6n ay di lamang madiwa ng pananampalataya,na gaya nga ng sabi ng isang manunulat, ay "am6ykandila" at "gayak-simbahan",-kundi masalitang kastila, at kung minsan pa'y malatin; palibhasa'y inaaring isang kapurihan noon at bansag ng pagka may pinag-aralang mataas ang gay6ng paghahalo ng kastila at latin sa mga pagsasalita at pagsulat. Ang unang katangian ng pananagalog ni Balagtas sa "Florante" ay ang, sa halfp na sa isang tagalangit tuwirang ihandog ang kanyang akda, ay hindi kundi sa isang tagalupa rin, si Selya na nga, at it6 na lamang ang dinaingang magdalangin ng Awit niya sa Birheng tagalangit. Sa halip din namang maging mapakundangan a.pg kanyang pagsasaysay ng tagumpay ng mga kristiyano sa mga moro, gaya ng Jahat ng awit, korido at komedyang may lebe.nan ng binyaga't di-binyagan, ay p i n a k a 1 a I o pa ang tingkad ng kabayanihan at karangalang-asal ng mga moro at mora, kagaya ni Aladin at ni Flerida, na siya niyang pinapagligtas ng buhay at pinapagsauli ng walang kahulilip na ligaya sa kaaway nilang magsing-ibig na kristiyano at kristiyanang si Florante at si Laura. Sumun6d din nga si Balagtas sa agos ng ugaling pagmamagaling ng mga salitang hiram,-na kung baga sa ngayo'y siyang tina'tawag na "pagpapasikat",-datapwa't ang kanyang pagkagamit sa nangasabing salitang hiram at hango sa Kastila, ay di naman lumampas pa sa uring "saling-pusa" lamang. Anupa't gumamit man siya ng mga banyagang salita sa mga diwa at bagay na wala pang likas o katapat na pangalan sa sariling wika; nguni'y pinakaingatan niya naman tuwi na, upang ang paghahalong it6 ay huwag , makasira munti man sa taal na himig-malambing at katutubong hugis-maganda't matipuno ng kanyang pananagalog. Hindi siya lumikha, sa may 427 talata, o kaya'y 1708 taludtod, na nasangkap sa bu6ng Awit, ng isa man lamang bagong salita, na gaya ng ginagawa ng di-iilan sa mga kasalukuyang mananagal6g. Lahat ng mga kataga't salitang kanyang ginamit ay matatagpuan hindi lamang sa mga dahon ng talagang Talatinigang Tagalog, na kinfkilala noon at ngay6n pa man, kundi nasusulat din naman sa dila ng madlang tagalog. Maano man bang may isang katagang ginamit sa bu6ng · "Florante", na tanging gamitin sa lalawigang it6 o lalawigang iyon. Ang katangiang it6 ay isa pang bagay na nakapagpapatibay na ang walang-kamatayang Awit ay dito nga sa Maynila sinulat, at ang katutubong pananagalog-Bulakan ng mayakda ay hindi pa nalalahiran ng pananagalog-Bataan, gaya ng napapansin sa kanya ring akdang-Udyong o Balanga na "La India Elegante y el Negrito Amante". Ayon sa isang mapagtipong-aklat na mananaysay, ang kabilangan ng mga awit at koridong nasulat at nalimbag sa wikang tagalog, ay lalabis at di-kukulangin sa 500. Wala sinuman sa ating makapagmamaJakfng nabasa niya ang lahat nang iyan. Ngunl, la.hat [lBlJ , naman tayo'y makapagsaiabing sa lahat-lahat ng mga awit at koridong nabasa natin, ay walang nangingibabaw at namumuk6d sa taas ng diwa, sa kagandahan ng pananalita, sa linis ng pananalinghaga, sa k~dali­ sayan ng mga tugma:, at sa tibay ng pagkalimbag sa budhi't puso ng madrn, matangi, tanging-tangi, sa Awit na iyan ng Da.kilang Anak ng Panginay. Kung sa pagay, warn pa no6ng nasusulat na mga sadyang batas at tiyak: na alituntunin sa pagtula. Datapwa't ang "Florante" ni Balagtas ay isang aklat na parang sinadya upang makapagturo sa may-ibig ng !along maganda at malinis na pagturn. Pati sa mga kamalian ng pananalita, pat,i sa paglabag sa mga tuntunin ng Balarilang Tagalog, si Francisco Baltazar ay tunay na nakak:ahanga. May mga kamalian siya't paglabag na !along nagpaparikit sa kanyang turn, at !along nagpapayaman sa mga pananalita niya't talinghaga. Gaya, halimbawa, nit6ng panimula niyang: Sa iscing madilim gubat na mapanglaw Sa yugtuan ay kulang ang pang-angkop na, anupa't dapat sanang sabihing madilim NA gubat. Sa wastong pag-uugnay ay di-dapat mapagitna ang pangngalang gubat sa dalawang pang-uring madilim at mapanglaw. Ang marapat ay madilim at mapanglaw na gubat, o kaya'y gubat na madilim at mapanglaw. Maaari dili ang hinding mapagitna ang pangngalan sa dalawang pang-uri, nguni'y sa ganit6 sanang ayos o paraan: madilim na gubat at mapanglaw. Subali nga, ang pagkakaayos at pagkukulang na iyan ni Balagtas ay hinai maikapagsasabi ng isang manunuri na nakapangit sa pananalita, mahanga pa'y nakapagpagandang lalo sa pasimula ng turn. Isa pang masasabing kamaliang-kagandahan ang nasa-taludtod na: tatlong araw na di nagtatanciw-tama. Naaarl nating sabihin sa mga sugalan kung sa tinayataya ay di tayo tumama-tama, ang pariralang "di magtanaw-tama". Ngunl, sa himig ng pananalita sa Awit, ay tila malamang na tumutukoy sa "di-pagkikitang tatlo nang araw". Kung ganit6, ang marapat sanang inilagay ay di nagtatamang-tanciw. Subali't hindi natin matatawaran ang makapup6ng ganda ng pasaliwang pagkakasalita ni Balagtas kaysa kung itinuwid niya ang ayos at binago pa ang tugmaan. At isa pang halimbawa: na kung maliligo'y sa tubig aagap nang hindi abutin ng tabsing sa dagat. Dito'y tila !along bagay na sabihing tabsing ng dagat; sapagka't ang itinatabsing ng paliguang tubig-tabang ay ang pagpasok at pagkahalo ng tubig na galing sa dagat. Ang tubig-dagat ay likas na maalat. Ang tabsing ay siyang nagiging lasa ng tubig na matabang kung nababantuan ng kaunting alat. Subali't inilagan marahil ni Balagtas ang pagkakapisan ng dalawang ng sa isang parirala, kaya ginawa nang sa ang ikalawa. At sa ganit6, buk6d sa di naman halatain ang mali, ay di rin namangit ang pananalita, bagkus ang pag-iwas sa pag-ulit ng ng ay nakaluwag pa nga sa turn. At isa na lamang upang huwag tayong pahaba: Ang laki sa layaw karaniwa'y hubcid sa bait at muni't sa hatol ay salcit May nagpapalagay na it6ng ikalawang taludtod ay mali, na marahil ay kamalian ng naglimbag, o sinadya ng nagpalimbag. Ang dapat daw sana'y: sa bait ay munti't sa hatol ay salcit. Matatanggap ang palagay na it6 kung ang pangungusap sana sa unang taludtod ay aariin nang ganap at tap6s hanggan sa salitang hubcid; anupa't dito'y dapat nang nilagyan disin ng kuwit upang maitul6y ang mga sugnay na sumusun6d: sa bait ay munti (at) sa hatol ay salcit Nguni, si Balagtas ay di naglagay ng kuwit sa panugmang hubcid, sapagka't ang pangungusap niya'y hindi diyan binubuo o tinatapos, kundi hanggan sa yugtuang muni; alala6ng baga'y ganit6: . . . . . . hubcid sa bait at muni Ang pagpapalagay na mali ay ibinabatay rin naman sa uman6'y di-tama ang salitang muni kundi ang muni-muni pagka't it6 anila'y salitang sadyang paulit, na gaya ng alaala, dilidili, guniguni na di mangaaaring hatiin. Subali, tila ang pumapansin na rito ang mali at hindi ang may-akda. Ang muni-muni ay kabilang at kauri ng mga paulit na salitang bulay-bulay, bukubuko, kuru-kuro, wm·i-wari, na nangaaaring gamiting isahang ha ti lamang, bulay, buko, kuro, wari, at it6 ang dahil kung bakit sa Balarila ay itinatagubiling gitlingan ang mga salitang-ugat na it6 kung inuulit. • • * Ngay6n, ay balikan natin ang suliranin ng panghihiram ng mga salitang banyaga, at ng panlilikha ng mga bagong salitang panarili, sa lilim o harap ng napakaganda at panlahat ng panah6ng pananagalog ni Balagtas sa "Florante". Sa a.king palagay, ay hindi tahasang magkalaban ang panghihiram at ang panlilikha; mahanga'y maaaring maging matalik na magkatulong sa paglilinang, pagpapayaman at pagpapalaganap ng Wikang Tagalog. Datapwa't hindi magandang asal ang manghiram pa sa iba kung mayro6n nang sarili. At hindi rin matin6ng gawa ang maglilikha pa ng bago kung mayro6n nang dating nagagamit na akma at mabuti naman, maging it6'y hiram lamang 0 lumang sarili. Ang mga nahiram ay nahiram na, at it6'y mangaaari nang sarilinin kung talagang kilala at gamit na ng madla, at angkop naman sa ating palabigkasan. Subali, sa mga bagong panghihiram na gagawin, na hinihingi ng mga bagong pangangailangan at kabihasnan, ay may isang sfiliranin ding !aging kinabibitinan ng ating mga pantas na mananagalog. Dahil sa pasalin-saling kapalaran ng bayan natin sa kapangyarihan ng iba't ibang bansa, at sanhi rin naman sa pabagu-bagong pag-aaral at pakikibagay sa iba't ibang wika at kabihasnang banyaga, ay di maiiwasan ang pag-aalinlangan kung alin-alin ang mga salitang hfhiramin at hahanguin sa isa't isa. Kung ang gagawin naman natin ay dampot dito, dampot do6n, at sa bala nang dumating ay manghihiram tayo ng ating mga gagamitin, ay hahanggan tayo balang-araw sa pagkawala. ng sariling wikang maipagmamalaki, o tayo na rin ang di makakakilala sa lipi ng ating pagkatao at pagkabayan, gay6n din sa uri ng ating buhay at kabihasnan. May mga bagay na katutubo sa ating lahi at ugali na hangga ngay6'y ipinanghihiram pa natin ng pangalan. Halimbawa'y ang mga hiram na salitang moralidad, higiene, sanitaci6n, justicia (hindi tagalog na taal ang "katarungan"), religion (hindi lub6s na katumbas ang "pananampalataya"), at iba't iba pa. Nakahihiyang maipamukha sa ating kaya tayo walang sariling salita sa mga bagay na iyan, ay sapagka't katutubong di natin nakikilala 0 ginagawa ang mga dakilang batas at asal na naturan. It6'y ilan sa mga katotohanarig nagbibiga:y-matwid sa pangangailangan nating lumikha-likha rin naman. Ha~ang ang diwang makasarili ng bawa't bansa sa sandaigdig ay hindi nagbabawa, bagkus lalong pasigla nang pasigla sa kabi-kabila, ang hilig ng mga bayan sa pag-aangkin at pagpapatibay ng sari-sariling wikang pambansa ay hindi rin naman mahahadlagan; mahanga'y tikis na sasagasain ang lahat ng sagwil na sa lakad nila'y maipang-aabala ng iba. At sa gawaing it6 nabibilang ang pagtatakwil, hangga't maaari, ng mga salitang hiram na di-kailangan, at ang pagsisimpan ng mga salitang s.ariling pantawag sa lahat ng kanyang mga sariling pangangailangan at kagamitan. It6 ang ginawa at ginagawa ng mga hap6n, aleman, at iba pa, sa pagbuo ng kani-kanilang makabagong wikang pambansa. Alinman sa kanila, lalo na ang Hap6n, na siyang !along malapit na halimbawa sa atin ngay6n, ay hindi makapagsasabing, karakarakang maging bayang nagsasarili, ay mayro6n na ng lahat ng salitang inginangalan niya ngay6n sa lahitt ng mga bagay na gawa, gamit at kailangan ng makabagong kabihasnan at kapamuhayan. Nakapanghiram muna sila ng maraming banyagang salita, habang kasabay ng panah6ng dumudulang sa sarili at humahango o bumubuo sa mga puta-putaking panangkap ng wika ng mga salitang himig-sarili, upang maipalit sa mga hiram at maipagtakip sa mga bagong pangangailangan. Ang bayang pilipino ay 'di makapagmamalaking magsabi baga na ang ganyang paraan ng pagpapayaman ng sariling wika ay di niya kinakailangan. Kung hindi natin maipagkakapuri ang manlikha-likha, lalo nang hindi ang palaging manghingi-hingi at manghiram-hiram na lamang. Subali't sa paglikha-likha ng mga bagong salita, ay di-dapat kaligtaan ang mga katotohanan at kapasubaliang sumusun6d: 1. Na, ang Wikang Tagalog ay. kabilang sa mga wikang tinatawag na "aglutinante", na anupa't may mga kakanyahang di maisusun6d sa palabuuan ng salita ng mga wikang "monosilabico" at "flexible". (Ang kahulugan ng mga salitang banyagang it6 ay alam na ng mga pantas-wika). 2. Na, ang tainga ng Pilipino ay maselang, at ang dila ay may-katigasan sa pagbibigkas ng mga tinig at salitang banyaga. 3. Na, alin mang paglikha ay dapat masalig at hanguin, hanggang maaari, sa diwa at tun6g ng mga bagay na ngangalanan, at sa himig-tagalog ng mga salita, kataga at panlaping kilala na at siyang ibig pagkunan at paggamitan ng lilikhain. 4. Na, bago lumikha, ay magsikap munang humanap sa matatandang Talatinigang Tagalog, at baka sa mga it6'y makatagpo na ng salitang taal na tagalog, na, kung di man ganap na katugma ng bagong diwa 0 bagay na ngangalanan, ay nalalapit man lamang, o maaari kayang batak-batakin nang kaunti ang saklaw ng lumang kahulugan: 5. Na, lubha pa sa Talatinigan nina Pari Noceda at Sanlucar, ang may 20,000 salitang-ugat na diya'y n{1hahanay, ay di-nakikilala at nagagamit na lahat, kuadi ang kalahati lamang, sa kasalukuyang ,pananagalog ng ating mga manunulat sa 'pahayagan, sa mga kathambuhay, kasaysayan, tula at bala nang mga ::i.klat at kasulatan. Di-gagaanong kayamanan ang nairaragdag sa ating pangkasalukuyan at pandarating '1.a wika at panitikang pambansa, kung matututuhan I 1ating gisingin sa pagtulog at pamamatugan ang 10,000 salitang iyang di napapakinabangan, at kung nabibigyan natin ng kani-kanyang kabagay na gawain at kasukat na tungkulin sa mababawan 0 malaimang pananalita, at sa pangkaraniwan o pangkarunungang pananagalog natin. 6. Na, maaaring may mga salitang kailangan na wala sa Tagalog nguni't mayro6n sa mga ibang kapatid na wika; at yayamang ang Tagalogd ay hindi na wika lamang ng mga tagalog kundi ng lahat na ng nga pilipino, hindi kamaliang bago kumuha sa mga wikang banyaga, o lumikha ng mga bagong salita, na magiging bago rin sa mga tagalog man, ay ang sa mga kapatid-wika na muna ang okunin, lubha pa't ang mga salitang it6 ay may kagandahan at kalaganapan din naman, tangi s~ paan6't paano man ay nagtataglay rin ng himig-pilipino. 7. At, sa wakas, bilang hin6g na bunga rin ng sariling karanasan sa pagsulat at sa matiyagang pag-·aaral sa mahalagang suliraning it6 ng ating Wikang Pambansa, ay ipinapayo namin maging sa amin na ring sarili at maging sa mga kapalagayang-loob sa pananagalog, na, bagaman ang paglikha ng mga bagong salita ay hindi masama, bagkus talagang kailangan ng ating Wika; datapwa't ang gawaing it6'y napakaselang at didapat daanin sa pabigla-bigla at paraga-ragasa. Ibig ko bang sabihing huwag na lilikha tayo't sukat, nang alinsunod sa ating sari-sariling pagkukuro at panlasa, bago ipalalaot kaagad sa karurukan ng madla, na para bagang naghagis ng isang nilutong pagkain, kasabay ng sabing: "Hayan ang nilutO ko: kanin mo kung makakain mo, at kung hindi nama'y hindi!". Kung hangad natini ang ating mga bagong-likhang salita ay matanggap at kalugdan ng madla, o ng karamihan man lamang, ang !along magaling na paraa'y ilathala muna sa mga pahayagan, ihayin sa mga hayagang pagsusuri at pagtatalo ng mga may kapangyarihan o may kaukul~ng sumuri t magtalo; o sa iba pa kayang paraang hindi paragasa ay pakawalan, paliparin o pagulungin ang mga tinurang bagong-likhang salita, at nang sa nilakad-lakad ng araw ay makita kung alin ang napupusuan at alin ang hindi ng madla. At ang Madlang it6, na siyang unang makapangyarihan sa pagtanggap o pagtanggi sa mga bagong salitang pambayan na sa kanya'y inihahayin ng mga dalubhasa't pantas, ay siya ring, sa wakas, ay masusun6d kung an6 man ang kanyang maging kapasyahan. Ang nasirang Bigay-llaw (Gr. Eusebio Daluz) ay isa sa mga una, at kaj.pala'y humigit sa lahat ng kanyang mga kapanah6n, na nag-a16k sa Panitikang Tagalog ng marami, daan-daang salitang hiram at likha; datapwa'jf; sa kanyang mga inial6k, ay illan lamang· ang natanggap, na ngay6'y mga palasak nang gamit ng madla at ng mga dalubhasa't pantas man. At, bilang kapuna-punang bagay sa mga nangyari, ang nangatanggap na bagong salita'y ya6ng mga kuha sa mga kalipi at kapatid na wika, gaya ng bansa at guro · ng Malayo, katarungan ng Bisaya, at ilan pa. Dimaikakait na nakatulong sa madaling pagkatanggap at pamamalasak ang hugis at himig-tagalog na rin ng mga salitang iyan. At it6'y isang mabuting panuntunan sa sining ng panghihiram at panlilikha ng mga bagong salitang pampayaman sa Tagalog. Ang paglikha sa pamamagitan ng pagkakama ng mga titik, pantig, kataga at baha-bahagi ng salita o mga salitang pinagkukunan ng panumbas sa bagong diwa o bagong bagay na ibig ngalanan, ay isa ngang paraang hindi nakilala ni napagkamalang gamitin ni Balagtas sa kanyang Dakilang Awit. Kaipala'y masasabi na rin ang ganit6 sa lahat ng mga manunulat at manunula nang mga panah6ng lumipas. Ang si- '. ning ng panlilikha ay dala sa atin ng hangin ng ha- i gong pamumuhay, bagong isipan at bagong kabihasnang sumun6d sa panah6n ng ating Paghihimagsik. Ang pag-uusig rig kalayaan ay nagbukas sa ating isip at paningin ng iba-ibang pinto ng makabagong karunungan at makabagong pangangailangan. Ang larangang sukat gitawan ng ating Wika ay lumawak nang lumawak; ang papawirin ng ating Panitikang sarili ay umaliwalas nang umaliwalas; anupa't lumaki at dumami ang kasaklawan ng ating paghahangad na dumunong nang dumunong at ng pagmimithing magkasariling marangal na luklukan sa kalipunan ng !along mga bihasang daigdig. Ngay6'y di na mga awit at dasalan lamang ang pinagkakabuyuhan nating pag-aarala't sulatin, na gaya nang panah6n nina Balagtas. Kung pang-awit at pandasalan lamang, ay talagang di na kailangang lumikha pa ng mga bagong salita. Ang Talatinigang Tagalog ay mayamang-mayaman sa mga salita ng puso at sa mga pangungusap ng damdamin; saganang-sagana sa mga panagano ng kalulwa at sa mga likhain ng guniguni at salamisim. Kaya nakapaimbulog nang gay6n na lamang ang diwa nina Francisco Baltazar, Mariano Pilapil, Modesto de Castro, at iba pa, nang di na nangailangang magpakpak pa ng mga ibang hugis ng salita, maliban sa mga katutubo ~t sa mga hiram sa Kastila at Latin, na siya lamang itinutulot ng masik:ip na galawan noon ng kanilang mga panulat at kaisipan, ay dahil nga sa likas na kayamanang iyan ng Talatinigang Tagalog. Subali't kung sa mga panah6ng it6 sila mangangahas manandata ng panulat at ng talino sa larangan ng bagong buhay at bagong kabihasnan, ay mapipilitan silang sumuko sa tukso ng gawang panlilikha; lamang ay ... matibay ang pananalig kong manlilikha sila sa matino at di-pagasugas6ng pamamaraan. Pebrero 20, 1943. [184]