Masakit na biro

Media

Part of Ilang-Ilang

Title
Masakit na biro
Language
Tagalog
Year
1,947
Rights
In Copyright - Educational Use Permitted
Fulltext
L lNGGO ng umaga noon. . . . Sapagka't araw din lamang nang pamamahinga ng mga manggagawa sa buong isang linggong pagg'3.wa, sa halip na maglaro ng "pingpong" na malimit kong gawln ay naisipan kong magbasa na Iamang ng mga pahayagan at lingguhang taga!og. Sa maraming babasahing nakasaIansan sa aming hapag-sulatan ay kumuha ako ng isa at masinop kong tinunghayan. Doon ay nakabasa ako ng magagandang kuwento, maiindayog na tula at madidiwang sanaysay na akda ng mga batikang manunulat. Subali't . .· .· ang !along nakatawag sa aking kalooban ay ang pitak ng niga "kaibigan sa panulat." Natunghayan ko sa pitak na iyon ang isang lathala na ganito ang sinasabi: "Pacencia Montemayor: labing walong taon ang gulang at naninirahan sa nayon ng Tugatog, sakop ng bayang MaIabon. Lalong kilala sa taguring Pasing. Laang. makipagsulatan at makipagpalitan ng larawan sa sino mang may nais makipag-kaibigan sa kanya sa panulat." -Pacencia Montemayor!- ang wika ko sa aking sarili, -kay gandang pangalan at kay gandang palayaw! Nguni't ... maganda rin kaya siya na katulad ng kanyang pangalan? . . . Marahil ay 26 KAIBIGAN SA PANULAT Pacencia Montemayor: labingwalong taon ang gulang naninirahan sa nayon ng Tugatog, sakop ng bayang M alabon. Lalong kilala sa taguring Pasing. Laang makipagsulatan at makipagpalitan ng larawan sa sino mang may nais makipagkaibigan sa kanya sa panulat. hindi! Sapagka't kung maganda siyang katulad ng kanyang pangalan ay ipalalathala din sana na katulad ng iba .... Marahil ang dalagang ito ay pangit! Dili kaya'y isang apo ni Ebang pinagkaitan ng mga katangian ng isang marilag na diwata, o napag-iiwanan na ng panahon at walang sinumang sukat makabati. . . . Marahil din ay nag-aaliw lamang ito sa birong yaon ng tadhana sa kanyang buhay. Ang mabuti'y biruin ko siya at bigyan ng isang aral, sapagka't hindi na niya nakuhang maghintay sa "hulog ng Iangit" at siya na ang unang nagbibigay ng pagkakataon. Ang ginawa ko'y kumuha agact ng isang pilas na papel at aking s•nulatan. Matapos kong maititik ang lahat ng ibig kong sabihin ay inilagda ko naman ang pangalan ng isa kong kaibigang manunulat, na panitik lamang ang maganda sa kanya, sapagka't isilng pangit na lalaki, ang wika nga. Pagkatapos ay inihulog ko sa isang malapit na. buson sa a.ming pook. Ang nilalaman ng liham ay ganito: "Pasing: "Bayaan mong huwag na kitang pupuing at iyan na lamang ang itawag ko sa iyo upang tayo'y magkaroon a.gad ng pagpapalagayang-loob kung ma.aari. Ako, hindi mo man naitatanong, ay isang kawal ng panulat, na, sa madallng pagsasabi ay sumusulat ng mga tula at kuwento. Kasalukuyang kagawad ng patnugutan nang lingguhang "Milegwas." Kung minsan ay napipitang magputong ng korona sa mga katangi-tangilig paraluman, kaya't ikaw, kung sakali't tatanghaling isang reyna ng pagdiriwang .sa inyong bayan, ay huwag mangiming di ako tawagin upang mapaglinkuran kita ng buo kong makakaya. Sisikapin kong lalo kang gumanda sa aking pagtula upang hangaan ka ng Iupa at ng langit, at maging Bathal.a ng dilag. -Rodante Salvador" An:< mga araw ay isa-isang yumaon .... Ang paglilihaman namin ni Pasing ay nagpatuloy na walang patlang, hanggang sa sumapit ang pangyayaring di sukat asahan: ang pagtatalik. Ang pagsusu.:. Iatan namin ni Pasing ay nagkaroon nang kulay rosas, na, sa la· long malinaw na pagsasabi, ay nagkabukasan kami ng dibdib at parang aklat na ipinabasa sa isa'tisa. Kami ay nagsumpaan at nagmahalang kahit hindi pa nagkikita. Ang lahat ng pagmamahal ay naipadama na yata niyang Ia.hat sa akin sa pamamagitan ng liham; nguni't, ang .malaon kong pinakaaasam na ipagkaloob niya sa akin, ang kanyang larawan, ay hindi, siya'y naging ganap na m,aramot sa akin at ayaw akong pagkalooban. Iminamatwid niyang kung ako daw ay magkaroon na ng larawan niya, siya'y hindi ko na magiging "kasintahan sa panulat." Bayaan ko raw na panahon ang mamagitan sa aming mairog na pagkikilala. Ano mang pagtutol ko sa pasiya ni:S-ang iyan ay walang nangyari; nguni't ako'y uma&a-asang balang araw ay pagsasadyain ko siya sa kanilang nayon. Mamalasin ang kanyang anyo at kung hindi mamali ang aking palagay ay di na ako pakikilala pa. Kaya't . . . !sang araw din ng linggo, nang marami nang tutoo ang a.raw na lumilipas ay pinagsadya ko siya., Noo'y malabis na ang aking pananabik, at noo'y. tumitibok na sa a.king ,puso ang pag-ibig at pagmamahal. Lingid sa kanyang kaalaman ay humanda akong siya'y dalawin upang madama ko't ipadama naman sa kanya ang tunay na pagmamahal na. umusbong sa aking puso. Ang tunay kong pangalang Rolando del Mar ay saka ko na ipagtataptit ss.., kanya. Ang mga kalatas niya ang aking gagawing saksi upang siya'y mapapaniwala. Ang pagkainip ko, nang umagang iyong ako'y magtungo sa kanila sa mahaba din namang paglalakbay, ay nabawahan nang ako'y snmapit na sa kanilang pook. Kapagdaka ay pumasok ako sa isang malaking looban, matapos kong bayaran ang sasakyang ILANG·ILANG naghatid sa akin. Nguni't nang ako'y malapit na sa kanilang malaking tahan'an, ayon sa aking napagtanungan, ay bigla akong napatigil. Napaudlot ako at nanggilalas sa aking nakita. Paano'y a.ng tahanan nila Pasing ay namalas kong nagagayakan ng marami't iba-ibang palamuti, samantalang sa ibaba ay isang pala-pala naman ang pinaghahandaan ng agahan. Maraming tao ang abalang-abaJa 'tla pag-aayos. -Ma;ahil- ang nawika ko sa sarili, -ay may pagdiriwang dito, kaipala'y kaarawan niya ngayon. Sandali akong nag-isip kung ano ang a.king dapat na gawin. Nagunita kong ako'y wala pang kakilala roon. Sino ang tatanggap sa akin? Gayunm.an ay iniwaksi ko ang lahat ng pa,ngamba't kahihiyan. Nilakasan ko ang aking loob. Datapuwa't, nang muli kong ihahakb8.ng ang aking mga .paa at ipagpapatuloy ang paglakad ay napalingon ako sa aking pinagmulan. Isang berlinang nagagayakan ang biglang tumigil na aking nakita~ at sabay sa pagbaba ng mga sakay noon ay big18.ng umalingawngaw ang tugtuging "wedding march" ng orkestang noo'y naghihintay. Sa K u w e n to n g lto'y lpinakikita K u n g Paanong Ang lsang B i n a t a n g Di Natutoilg Magtiwala Sa Kapwa Ay Nagsisi Sa Huli ... -May kasalan pala!- ang na.- tahan ko sa panulat, datapuwa't wika ko, -nguni't sino kaya ang mapapalad na ikinasal? ' Ang katanungang iyan ng aking sarili ay hindi ko na rin natugon sapagka't biglang nag-umugong ang palakpakan at pagbubunyi sa mga bagong dating na galing sa simbahan. -Mabuhay ang mga bagong kasal- ang sigawan, -mabuhay si Pasing, mabuhay ang makata! . . . ;M:abuhay . . . ! Sa narinig kong iyo'y para akong naputukan ng bomba sa aking tabi na ikinatulig ko halos. · -Diyata't si Pasing" ang ikinasal- ang naibulalas ko, -ang kasintahan ko sa panulat? · Hindi minsan ni makalawa kong kinusot ang aking mga mata, sa pag-asang baka ako'y nabubulagan lamang sa aking namamalas. Nguni't iyon din ang a.king nakikita at nadadama na pa.rang di ko ibig · na paniwalaan. Sapagk8.'t naging tiwali ang aking aka.la. Si Pa.sing nga ! Ang kasinubod pala ng ganda at kaakitakit. Ang tibok ng puso ko'y !along sumasal nang mabalingan ko naman ng pansin ang mapalad na lalaking kaalakbay niya. Lalong di ko rin ibig paniwalaan sapagka't hindi na iba sa aking pangmasid, malaon ko nang kilala at kaibigan ko pa. Siya ay dili iba't ang inilagda ko sa a.king mga kalatas kay Pasing: si Rodante Salvador, ang kaibigan kong · manunulat. • Nang di ko mabata ang napdi ng birong ya.on ng kapalaran ay bigla akong tumalilis sa kanilang daraanan. Sa isang malagong puno ng "yellow bell" ay ikinubli ko ang a.king katauhan hanggang sa sila'y makapanhik sa bahay at mawala sa aking mga paningin. Noon din ay nagsisi ako ng isang pagsisising-alipin at ang a.king ginawa'y malabis kong pinanghinayangan. Wa18.ng lingung.:.Ukod na ako'y umalis agad sa pook na iyon 'iia sumaksi sa pagkasawi ng ... Kinusot ko ang aking mga mata sa pag-asang ako':v nablibalagan lamang, nguni't l:von din. Si Pasing, ang kasintahan ko sa panulat! NOBYEMBRE 2, 1947 aking lihim na pag-ibig. Nalaman kong si Pasing, nang minsang tanghaling isling reyna ng pagdiriwang sa kanilang bayan dahil sa pagbubunyi kay Dr. Jose Rizal ay si Rodante Salvador ang napitang magputong sa kanya ng korona ng karangalan. Sa pagkakataong yaon ay nags~mula na sa kanila ang tagpong slyang naghatid sa kanila sa harap ng dambana. Kaya't . . .. Ang nangyaring ya.on sa aking buhay ay aking pinakatarida&.n, sapagka't ang naging ganti sa mapagbiro kong damdamin ay birong napakasakit ng tadhana at ng kapaJaran. WAKAS ANG SELQSA ••. (Karugtmtg ng nasa pal'l. 22) paghigantihan· ang walang kamalay-malay at may malinis na' ltaloobang . asawa nit6. Kaya... , , -Sabihin m<>-anYa,-at . k:Ung may magagawa ak6 ay g&.gawin ko nang walang ulik.-ulik. . Di na napigllan ni aJing Giday ang pamamaiisbis ng luha sa kanyang daJawang pisngi. Nagulumihanan si alilllt Magda at kapagkaraka'y na.isalo6b na toto6ng malaking bagay ang sanhi ng pagkaka'pagsadya sa kanya ng kllharap na kumari. HinintAy ng bu6ng pananabik ni aling Magda ang pagtatapat nit6 at hindi m8.ibukabuka sa kanyang bibig. Nahiltiyang kung papaano ... -Kumari~ang parang pagalong sinabi nl aling Magda na sinipingan pa sa pagkak3.upo ang lumuluhang si a.ling Glday,.....,. huwag kang mag-alinlangan; tutu'lungan kita, d8.damayan kita ... -Salamat!-ang naibuka sa bibig ng lumfiluhang babae at tiningnan si aling Magda ng tinging tila humihingi ng awa. -An6 ang aking .. maitutulong. sabihin mo. -Nauumid ak6ng magsalita, pagkR't ... -at tumulo na naman ang mga luha ni a.ling Giday. -Huwag kang mangimi, sabihin mo't dadamayan kita. -Talagang pagdamay mo ang aking hihingin, nauumid lamang ak6, pagka't may kina.Iaman sa suliranin ng puso ng aking anak at ng puso ng iy6ng pamangkin. -Haaa ?-ang biglang nasnaw sa mga labi ni aling Magda. No6n lamang nagi sa gunita ng ali ni Selina na ang kanyang kaharap ay dili iba. kundi ang butihing !na ng asawa ni Martin. · Ang katahimika'y matagal na naghari sa dalawang maglrumari: Nagsimulang m~aghulo ni aling Magda ang mabigat na sfiliraning kanyang kinakaharap. Di sasalang ang tulong ~a hihingin ni aling Giday ay nauukol sa ikapaghihiwal8.y ni Selina at ni Martin. At palibhasa'y nakapangako (Nasa pah. 29 a114 karugtong)