Mga blah-blah

Media

Part of Bulaklak

Title
Mga blah-blah
extracted text
Abril 11, 1956 BULAKLAK 09 ANG tanging bituing ialaking nalalaman namin, na may “panata’’ tuwing Mahal Na Araw, ay si Ben Perez. Tuwing sasapit ang par.ahong iyan, siya’y bumabasa ng. pasyon. NA1BALITA na namin sa inyo, na si Leila Morena, ay nagsilang na ng sanggol na babae. Ngayon naman, ibinabalita namin, na sina Pol Salcedo at Naty Tuason, ay mayroon na ring sanggol: lalaki naman, na sumilang noong ika-17 ng Marso. SINA Lou Salvador, Vicente Liwanag, at Pepe Zalameda na lamang ang hindi pa nagsisilang ng sanggol. Nagpatingin na hu sila sa hilot. Sabi naman- ng hilot —hindi na raw magtatagal, at idinugtong pang baka si Pepe Zalameda ng Sampaguita, ang maunang magsilang. Gayunman, sinabi naman ni Lou Salvador, na mauna man si Pepe Zalameda, limang sanggol daw naman ang kanyang isisilang. Ayaw patalo sa kanyang mga karibal, sinabi naman ni Vicente Liwanag, na pinakatangi daw sa lahat ang isisilang niyang sanggol. Magkakaganyan na nga, kung natitiyak niyang dalawa ang paa ng kanyang isisilang! NAPAG-USAPAN hu dito sa opisina ang..tungkol sa kape. Sa nalalaman hu namin, pinakapihikan na sa kapeng iniinom niya, si Pancho Magalona. Kaya naman, tuwing tatanggap siya ng bisita, una munang iniaalok niya ay kape. Kapag tumango ang inalok, suwerte niya, sapagka’t walang mahinang klaseng kape sa tahanan nina Pancho. SA bakuran ng LVN, si Charito De Leon daw ang pin. a k ama i lap Dahil naman sa kanyang pagigiag mailap kaya siya nakakagiliwan ng mga kapuwa niya artista, maging babae o lalaki. Ang ibig naming sabihin, iyan ang tunay na artista. Balang araw, si Charito ay magkakaroon ng pangalan, sapagka’t “inaalagaan” siya ng l Vñ . ISA NG eabi, nakita naming pumasok si Leroy Salvador sa isang sine. Maniwala’t dili naman kayo, ang taba ng babaing kasama! Siksikan pa naman sa loob ng sine. Hila-hila hu niya ang dambuhala. Ewan nga hu ba namin kung paanong nakakahila ng elepante si Leroy, gayong may rayuma na sa hita... Nang pumasok hu sa pintuan ng sine ang babae, binuksan hu ni Leroy ang dalawang pintuan —hindi hu magkasya sa pintuan, e! Huwag kang matakot, Leroy, hindi mababasa ito ni Charito! tudyong ito ay LA LONG naging marikit at kaakit-akit si Lolita Rodríguez, pagkatapos ng ilang panahong pamamahinga. ¿along gumandang lalaki si Tony Maiquez, nang magkamit ng karangalang kaloob ng FAMAS. Lalong nagiging makinis ang pag-arte ngayon ni Pancho Magalona, sa ilalim ng Premiere. Lalong kumisig si Ramon Revilla, pagkatapos gampanan ang papel niya sa “Babalu”. Lalong nagiging maingay at maguió ngayon sa Premiere, sapagka’t higit ngayon kailanman, ang islaging punung-puno ng mga gawain: ang ibig sabihi’y gagawa sila ngayon ng maraming pelikula. BAKA nangaYigailangan kayo ng ahente. I.nirerekomenda namin sa inyo si Jim Dela Rosa. Pakinggan ninyo ang “Mahiwagang Tunog.” Kung minsan2 nalulugi nang malaki —kung minsan ñama, nagtutubo nang malaki! Ganyan ang ahente: kung minsa’y masaya, kung minsa’y malungkot! UKOL SA TUNAY NA DAGLIANG LUNAS PANGANGASIM NG SIKMURA LAG! AKONG LUMULUNOK NG MGA TABLETANG PHILLIPS* MILK OF MAGNESIA MASARAP ANG LASA! A N I 'M O'Y K E N D Y ! Each tablet contains Magneiium Hydroxide 309 gm. 2O-2T 70 BVLAKLAK Abril 11, 1956 —lka-9 Labas)— J>AXG nakatutuyang ngiti ang iniukol ni Magno kay Lukas, bago nameywang, saka lalong lumapit dito. Walang kakurapkurap si Lukas. —At, alam mo ba kung bakit gusto naming makuha mo na ang parte mo sa Rancho Muntalan, at kung bakit ang gusto nami’y ang malapit sa bundok ang iyong kunin? Sapagka’t matagal ko nang iiatuklasang ang bahaging iyon ay mayamang-mayaman sa mina n& ginto. Iyan ang dahilan kung bakit ipinain ko sa iyo ang aking kasintahang si Elisa —sa paninÁ walang iyan ay makatutulong sa amin! —mahabang salaysay ni Magno. Hindi kumikibo si Lukas. —Pero ngayon, tumatanggi ka. Ibig mo yatang ipakilala ang tigas ng kalooban mo. Kaya naman ipakikilala ko rin ang aking lakas! Nalaman mo na ang nakatagong kayamanan sa Rancho Montalan; nguni’t ibig ko ring malaman mo, na ang kayamanang iyan ay hindi mo mailalabas 3a kuta kong ito! —pasiya ni Magno. Biglang napahngin si Lukas sa nagsalita. —Walang hiyaaa! —mariing wika ni Lukas. Hindi napigilan ang pagngi■gíh^ír ng kalooban, biglang niluran ; i Lukas si Magno sa mukha. .N’gumiti lamang si Magno, saka inililis ang kanyang mga manggas. Isang tuwid /’a suntok ang pinadapo ni Magno sa panga ni Lukas, at ito’y napalugmok no-, on din. Madaling sumaklolo si Elisa. SA boong panahong ito, si Elias ang matiyagang nag-aalaga sa may karamdamang si Elvira. Nasisiyahan si Elias sa 'kanyang gawain, sapagka’t laging nasisllayan niya ang babaing unang nagpatibok ng kanyang puso. —Nakahihiya sa iyo,' Elias, — minsa’y wika ni Elvira. Kung ilang araw nang inaalagaan mo ako! —Huwag mong alalahanin iyon. Ang isipin mo’y ang maaga mong paggaling! —sagot ni Elia3. Buong pagmamahal na tinitigan ni Elvira si Elias. —Ang inaalaala ko’y baka nakagambala ako sa iyo. Baka dahil sa pagtingin mo sa akin ay mapabayaan mo tuloy ang iyong tungkulin sa rancho? —may alinlangang tanong ni Elvira, —Naroroon naman ang aking tatay saka ang aking mga kapatid, e’ Isa pa, alam ng tatay na ako’y dito sa inyo naglalagi! —A, e,. «... wala... gusto ko lamang makatulong sa iyo! — nakikiming tugon ni Elias, Sa sandaling iyon ay narinig nila si Pitong. —Kuya! Kuya! —tawag ni Pitong. —Bakit, Pitong? -Mpinasusundo ka ng Inay. Madali ka raw! —Bakit daw? —Ewan ko. Sa hagdan lang sinabi 3a akin, e! Sige na! Nagpaalam si Elias kay Elvira. —Bakit kaya, Pitong? —tanong ni Elvira. —Hindi ko nga alam, e! O, ano, kumusta ka? Magaling ka na? —Kaunti... —Mabuti. Gumaling ka sana agad, sapagka’t may naghihintay sa madali mong paggaling! —Sino, si Elias ba? —nananabik na tanong ni Elvira. —A, hindi! —E, sino? —Ako! —sabi ni Pitong, saka napabulalas ng tawa. Lumabas na si Pitong. Naiwang iiling-iling at nakangiti si Elvira sa kanyang silid. SA kabilang dako, si Magno at ang kanyang mga kabig ay napilitang makinag-usap kay Tandang Islaw. Gayón na lamang ang pagpupuyos ng kalooban ng matanda, nang mabatid ang pakay nina Magno, laluna nang sabihing si Lukas ay papatayin nila, kung hindi ipagkakaloob ng matanda ang bahagi ng lupa, na kailangang mapapunta kay Lukas. —Anuman ang mangyari kay Lukas ay wala na kaming pakialam. At, walang kabuluhan sa amin, kung siya man ay inyong patay!n. Nguni’t ito ang inyong tandaan: kailanma’y hindi ko mapapayagang mapapunta ang kahi’t isang dangkal ng lupang ito kay Lukas, mangyari na ang mangyayari! —matigas na taring ng matanda. Umiling-iling si Magno. Kahi’t matanda na si Mang Islaw, e mainit pa rin ang nlo! —sabi ni Magno. —Ba, ang ibig yata ninyo’y ikatuwa ko pa ang inyong sinabi. Ang ibig ninyo’y ipagbili ko sa inyo ang lupa, sapagka’t nabibingit sa kamatayan si Lukas. Pero talos kong ang lahat nang iyan ay kagagawan lang ninyo! At kayo rin ang may kagagawan ng pagtalikod ni Lukas sa kanyang sumpa, hindi ba? —Puwes, Tandang Islaw, kung ayaw ninyong ipagbili sa amin ang buong rancho, kahi’t na iyon lamang nasa paanan ng bundok. Iyon lamang, at makaaasa kayong si Lukas ay makababalik pa sa inyo —babalik siyang ligtas, at nagsisisi! —wakas ni Magno. Kinalabit ni Tandang Sora si Tandang Islaw, saka paanas na nagwika: “Baka nga. naman nasa panganib ang ating anak, bakit hindi mo pa ipagbili?” Biglang tinabig ni Tandang Islaw si Tandang Sora. —Hindi ko ipagbibiíi ang lupa. Makaaalis na kayo! —sabi ni Tandang Islaw. Noon lamang sumagot si Elias: “Narinig na ninyo ang pasiya ng matanda. at muling nalugmok ang kabig. Ang isa pang kabig ay nagkaroon ng pagkakataong makabangon. Nguni’t siya'y minsan pang napalugmok nang abutan ng isa pang lalong matinding suntok ni Elias. Hinarap ni Elias si Magno, na noo’y nakangiting parang nakatutuya. —Ikaw, halika! —utos ni Elias kay Magno. Sapat ang katagang iyon upang masiraan ng loob si Magno. Umurong ito. Ibig sanang mapangiti ni Elias, nguni’t nagpigil siya. —Ano, lalayas ba kayo o hindi? —muling tanong ni Elias. Hinarap ni Magno ang kanyang mga kabig. —Tayo na, mga bata! —utos ni Magno. Nguni’t nang babangon na ang isa pang kabig ni Magno, ito’y muling inunatan ni Pitong ng kahoy niyang hawak. Nilapitan ni Magno ang kanyang kabig, at walang kibong tinulungan iyon upang makabangon. —Tandaan ninyo, yamang hinmang ang pagkabakla ni Elias nang makitang nananaog na sa hagdan si Elvira. —Elvira! —tawag ni Elias. —Hindi ako maaano, Elias. Kailangang maglakad-lakad na ako. Kaya ko na ang katawan ko! —matuwid ni Elias. Lumapit si Elias kay Elvira upang ito’y kanyang tulungan. —Elias, ikaw muna ang bahala sa kanya at ihahanda ko lang ang kanyang tulugan! —bilin ni Belen. —Oo —maikling tugon ni Elias. Umalis na si Belen. —Elvira, hindi mo dapat gina,wa ito. Baka mabinat ka! — paalaala ni Elias. —Kung mabinat —di mamatay? —sagot ni Elvira. Umillng si Elias. —Nguni’t... —Alam ko, alam ko, hindi mo ibig mabinat ako! May kahulugan ang tinging iniukol ni Elvira kay Elias. —Hindi mo ibig, sapagka’t kailangan mo ang aking buhay! Hindi umimik si Elias. —Hindi ba? Napatungo lamang si Elias. Halos hindi niya naramdaman Abril 11, 1956 BULAKLAK 71 pala niya ngayon, kaya naghanda ako ng kaunti! —sabi ng matandang ina. Tiningnan ni Elias ang inihandang pagkain ng kanyang ina. —Kuwww, ang sarap nito! — sabi ni Elias. —At, ibabalita na tuloy niya sa Kuya Tomas mo, na ngayon ay kaarawan niya. Alam mo na naman ang ama mo: gusto, samasama kayo tuwing sasapit ang kanyang kaarawan. Hindi daw siya magiging masaya kung hindi kayo makikita sa kanyang kaaTawan! —Kung gayón, may sorpresa kaming gagawin para sa kanya! Tinawag ni Elias sina Carlito, at Matias. Dumating sina Carlito at Matias. —Carlito, Matias, kaarawan pala ng tatay ngayon. Kailangang magtago tayo, at bigla nating kantahan siya ng “happy birthday.” Nang dumating ang kanilang ama, nakapagtago na si lang tatBiglang napatingin sa kanya si Magno at ang mga kabig nito. —Layas na! Ano pa ang hinihintay ninyo? —pasigaw na tanong ni Elias. —Mukhang matigas ang isang iyan, Tsip! —pabulong na wikii kay Magno ng isang kabig niya. Si Magno at ang kabig niyang bumulong Ba kanya, ay lumapit kay Elias. Ang mga magulang at mga kamag-anak ni Elias ay humanda na upang mamagitan. Nguni’t sila’y pinigil ni Tandang Islaw. —Sino ka bang sisigaw-sigaw sa amin, ha? —tanong kay Elias ng kabig ni Magno. Isang malakas na suntok ang naging katugunan ni Elias. Isa pang kabig ni Magno ang dumaluhong, nguni’t ito’y naunatan din ng isang suntok. Nakita ni Pitong ang nangyari. Madali siyang nakakuha ng kapirasong kahoy. Nakita ni “Pitong ang isang kabig ni Magno na napalugmok. Ito’y nagsisikap na makabangon. Isang malakaB na palo ang^ibinigay ni Pitong, di kayo makuha sa mabuting salitaan, hindi rin ninyo pakikinabangan ang inyong rancho! —pasigaw na wika ni Magno, nang sila’y nakalalayo na nang ilang hakbang. Hinabol pa mandin ni Pitong si Magno, at ito’y tinamaan pa ng isang palo. —Tandaan mo rin ang palo kong iyan, —sabi ni Pitong, saka humalakhak. Nguni’t binalikan siya ni Magno. —Elias! Elias! —ang tawag ni Pitong, na patakbong bumalik. —Bakit? —tanong ni Elias. —Aba’y hinabol ako ng dalawa, e! Kumilos sj Elias. Hahabulin niya sina Magno, nguni’t nagpasikat na muli si Pitong. —Pabayaan mo na ako, Kuya, pabayaan mo na ako! —nagtatapang-tapangang wika ni Pitong. Napailing na lamang si Elias sa kanyang kapatid..INAALALAYAN ni Belen ai Elvie sa pagpanaog. Gayón na lanang dampian siya ng isang halik ni Elvira, sa pisngi. —Iya’y tanda lamang ng pagkilala ko sa iyo ng malaking utang na loob! —sabi ni Elvira. UMUWI na si Elias. —Inay, Inay! —ang kanyang tawag. Si Tandang Sora, na noong inihahanda ang kanilang hapunan, ay napatigil sa kanyang gawain. —Ano iyon, anak? —Inay, hinalikan ako ni Elvie, hinalikan ako! —pagbabalita niya. —Hinalikan ka? —Oho, at naramdaman ko sa halik niya, na minamahal na niya ako. Ang sarap-sarap ng halik niya. Saan naroon si Itay? Ibabalita ko sa kanya! —sabi ni Elias. —Nagsimba sandali! —Nagsimba? Bakit ngayong gabi? —Paano, nawala sa ulo niya dahil sa walang hiyang taga-Maynila. Saka ngayong hapon lang namin nagunitang kaarawan nga lo. Nguni’t ang mga sandaling iyon na dapat makapagpaligaya sa kanilang lahat, ay naging mga sandaling naghatid sa kanila ng kalagim-lagim na pangyayaring hindi na nila malilimot-.. Halos pigilin nina Elias ang kanilang paghinga, sa kanifang pinagtataguan. Samantala’y nagmamatyag sila kung nakapanhik na si Tandang Islaw. Nakarinig sila ng mga kaluskos. Natitigib naman ng kaligayahan ang puso ni Tandang Sora, Hindi pa ma’y parang nakikinikinita na niyang magiging pinakamaligaya ang kaarawang iyon ng kanyang kabiyak. Marami nang narraos na kaarawan si Tandang Islaw, nguni’t sa palagay ni Tandang Sora ay mapapatangi ang isang iyon. Kunwa’y ipinagpatuloy niya ang kanyang gawain sa pamamahay. Ayaw niyang mamalayan ng kanyang kabiyak ang inihandang sorpresa para dito ng kanilang mga anak. —ITUTULOY—
Date
1956
Rights
In Copyright - Educational Use Permitted