Ito ang hindi ko malilimot

Media

Part of Bulaklak

Title
Ito ang hindi ko malilimot
extracted text
72 BULA KLAK AbrjJ H, IMS KAYO ba’y naniniwala sa mga pamahiin? Ako’y hindi naniniwala. Noong araw, naniniwala ako, nguni’t nang maganap sa akin ang isang karanasang hindi ko na malilimet, naaabi ko sa sarili, na hindi pala dapat paniwalaan ang mga pamahiin. Ewan ko rin, maaaring sa ibang araw ay maniwala ako sa pamahiin, kung may mangyarl sa akin, na nagpapatotoong ang pamahiin ay isang tagapagbadya ng darating na k&totohanang magaganap sa buhay ng isang tao. Ganito po ang nangyari. Ako’y malungkut na malungkot noon na nakaupo sa isang likmuan sa aming tahanan sa San Anton. Nagugunita ko ang aking mga pagsisikap sa larangan ng pelikula, na hanggang nang mga sandaling iyon, ay hindi pa nagagantimpalaan. Walang anu-ano’y dumating sa amin si Ramon D’Salva. Si Ramon D’Salva ay tiyuhin ko, at katulad ng inyong alam, siya’y naglilingkod sa Premiere Productions. —Ano, umasenso ka na ba? —tanong niya sa akin. •Malungkot akong napailing. Hala, magbihis ka’t may pupuntahan tayol —Saan? —ang tanong ko. —Basta magih's ka’t’ sumama ka sa akin! Pagkatapos makapag-paalam sa aking ina, at pagkatapos na ako’y pahintulutan, ako’y madaling nagbihis. Nanaog na kami ng aking tiyuhin. Nang lumabas na kami sa pintuan ng ¿aming bahay, at nang tumawid na kami sa daan patungo sa kanyang nakaparadang kotse, isang pusang itim na itim ang kulay, ang biglang tumawid sa aking daraanan. Tinlngnan ko ang aking tiyuhin. Nakatingin din pala siya sa akin. Ang ibig sabihin ng aking tingin ay —“Tutuloy pa ba tayo?” —Tutuloy tayo! Huwag kang matakot sa pusang itim! —sabi ng aking tiyuhin. x —Maias yatang lumakad pag nakasalubong mo ang pusong itim! —Owww, pamahiin lang iyan! Sumakay na kami sa kotse. Hindi ko alam kung saan ako dadalhin. Basta sumunod lang ako sa aking tiyuhin. Iyon pala’y dadalhin ako ng aking tiyuhin kay Dr. Ciríaco Santiago, at irerekomenda sa mga pelikula ng Premiere Productions. Noon ko napatunayang hindi totoo ang mga pamahiin, sapagka’t nang makita ako ni Doc, kaagad na sinabing ako’y kanilang gagawing, bida, kung makikita nilang may kakayahan ako. Isa pa, sinabing “introducing” agad ako sa pel kulang “Unang Halik.” At hindi lamang iyan. Pagkaraan daw ng ilang aTaw ay magbalik ako, at palalagdain na ako sa isang kontratang may bisa sa loob ng isang taon. —Nakita mo na? Sabi ko na’t hindi totoo ang pamahiin! — sabi ng aking tiyuhin. Hindi nga naman totoo, sapagka’t nang umalis ako sa aming bahay, ako’y isang dalagang sawi ang mga pangarap sa buhay. Nguni’t nang ako’y bumalik, taglay ko ang isang kanggit-inggit na kapalarang bihirang makamit ng isang tao.—Sa/riling ealaysay ni Syrt* thia Zamora ng Premiere Productions. PAKIKIPAG-USAP* 5A * AAGA ★ BITUIN Efren Yago, Anos, Tay Quezon — Tutoo po bang asawa ni Dolphy si Gracita Dominguez? Sagot: Wala po sa kanila si Dolphy nang tawagan namin sa telepono. Orlando Casupanan, Florida Blanea, Pampanga — Tanong: Maaari po bang bigyan ninyo ako ng isang larawan ninyo na naka bat h,*ng-suit Miss Carol Varga? Sagot ni Carol: Ayaw ba kayo ng hindi nakasuot Pampailgo? 8ayang wala na ho ako ng hinihingi ninyo eh. Sonny Jarlego, Pandacan, Maynila — Tanong: WMa pt) kayang magalit kung maging magkaibigan kami ni Ike Jarlego? Sagot ni Ike: Wala pa naman akong katipanehl Juanita Nieva, Gumaca, Quezon— Tanong: Nani i liga w po ba si Nestor kay Delia Razon? Sagot ni Delia: Hindi po, aling Juanita, Delia Gonzaga, Tutoo po bang ¿>i Gloria Romero ay may kasintahan na? Sagot ni Gloria: Sino po ba ang nagbalita sa inyo? Luzviminda Adlao, Dinalupihan, Bataan -— Tanong: Saan po ba maaaring sulatan el Romeo Vasquez? Sagot ni Romeo: Sa Sampaguita Pictures po. Zenaida de la Paz, Sampaloc, Maynila — Tanong: Bakit po ba hindi slnasagot ni Nenlta Vidal ang aking liham? Sagot ni Nenita: Natitiyak ba ninyong lumiham kayo sa akin? Bienvenido Turqueza, Upi Cotabato — Tanong Maaari po bang maging kaibigan si Corazon Rivas? Sagot ni Cora: 8a lahat ng oras basta’t walang magagalit sa inyo. Lucrecio Relatado, Phil. Railway Co., Cebu City — Tanong Maaari bang makipagkaibigan kay Oscar Roncal? Sagot ni Oscar: Opo. Luz Paz, Makati, Rizal —Tanong: Wala ho bang apelyido si DolPhy? Sagot ni Dolphy: Mayroon ho bang taong walang apelyido? Quizon po! Angelina de la Cruz, Bulakan, Bulakan — Tanong: Ano po ba ang pangalan ng anak ni Olivia Cenizal? Sagot ni Olivia: Mopet na lamang ang itawag ninyo. (Sun danesa pahina 74)
Date
1956
Rights
In Copyright - Educational Use Permitted